Chapter 23

2.7K 109 1
                                    

Chapter 23

NAKATAYO NG tuwid ang mga tauhan ni Lucbano habang naghahanda ang mga ito ng gagamitin. Pinapangaralan niya ang mga ito kung ano ang dapat na gawin.

Hindi niya maiwasan ang mag-alala sa mga kasama. Ilang taon na silang magkasama. Kasama niya ang mga ito mula sa hirap mannat ginhawa. Kahit sa anomang labanan ay karamay niya ang mga ito. At hindi niya inaasahan na baka dito na lamang magtatapos ang kanilang samahan. Sa sitwasyong ito sila malalagas.

“Alam kong malayo na ang narating natin. Mahabang panahon na ang pinagsamahan natin. Marami na ring mga nalagas sa atin at nagbuwis ng buhay. Marami na tayong nailigtas na buhay. Marami na tayong nakaharap na geyra at labanan. Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay andito pa rin tayo, nakatayo at patuloy na makikipaglaban at poprotektahan ang ating sariling bayan at kapwa Pilipino. Alam nating hindi natin ito ginagawa para tingalain at kilalanin bilang isang bayani, kundi ginagawa natin ito para mapanatili ang kapayapaan, pagkakaisa, pagmamahalan at pagpapahalaga sa bawat isa ng mga Pilipino. Gagawin natin ito dahil may dugo tayong Pilipino! Kayâ tatanungin ko kayong muli. . . handa niyo bang ibuwis ang sarili ninyong buhay para sa lahat at sa ating bansang Pilipinas?!”

Napangiti si Rector at patagong pinahid ang luhang dumaloy sa kaniyang pisngi.

Ang sagot na ‘OO’ mula sa mga kasama ay siyang naghatid sa kaniya ng kasiyahan.

Hindi siya nagkamaling piliin at patakbuhin ang grupong ito.

“Kung ganoon, magsihanda na kayo! At tayo ay haharap na sa isang tunay na laban! Kung mamamatay man tayo'y ngumiti at pumanaw ng payapa! Dahil sa wakas, nagawa na natin ang misyon natin hanggang sa ating huling hininga. May nagawa naman tayong kabutihan at nai-ambag sa kasaysayan ng ating bansang Pilipinas. Iligtas natin ang ating inang bayan mula sa mga masasamang tao at gahaman!”

Napuno ng hiyawan ang buong hall na kanilang kinaroroonan. Maging ang mga taong kanila noong iniligtas mula sa mga sexteors ay nagsigawan rin at nagsipalakpakan.

Kapwa nagsihiling ang bawat isa sa Diyos na sana ay magtagumpay ang mga taong may busilak na mga puso.

INILAPAG NI Rector ang telepono matapos siyang tumawag sa kaniyang isang kaibigan na scientist na nasa ibang bansa. Humingi siya ng tulong rito kung paano niya makakausap ang management ng America.

At ayon sa takbo ng kanilang pag-uusap ay tutulungan siya nito. Ito na raw ang bahalang makipag-usap sa management ng America para magpadala ng tulong sa kanila rito sa Pilipinas. Isa o dalawang araw ang kailangan nilang hintayin bago makarating ang tulong mula sa ibang bansa.

Tamang-tama at may dalawang araw pa silang hanapin kung saan sina Caspren at ang tito Moreno niya. Ang hiling niya ay sana matapos na nila ang mga ito para wala nang poproblemahin pa at ang mga sexteors na lamang at ang virus.

Napatingin siya sa grupo ni Lucbano at sa matandang lalaki. Hindi niya maiwasang mapaiyak rin sa nakikitang determinasyon at pagmamahal ng grupo para sa kanilang bansa.

Sana ay maging tagumpay nga sila. Hindi dapat siya matakot at mabahala. Dahil alam niyang kasama nila ang buong sambayanang Pilipino, ang Pilipinas at ang Diyos.

Kapag sila ay magkaisa walang magiging imposible sa lahat ng bagay. Sana nga ay tama siya na ang apoy ang makakatalo sa mga sexteors. Sana nga.

HINDI napigilan ni Diserie ang mapaiyak habang nanunood sa mga grupo ni Lucbano at habang nagsasalita ang matandang lalaki sa harapan ng mga ito. Parang nakita siya ng tunay na bayani. Handang ibuwis ang sariling buhay para sa lahat. Hindi niya aakalaing ang mga ordinaryong taong noon lang ay minamaliit niya'y siya pala ang makakagawa ng isang kahanga-hanga sa bansang Pilipinas.

Lumapit sa kaniya sina Maria, June at Fyran. Mababakas sa mata ng mga ito na nababahala ang mga ito at nag-aalala para sa kanila.

Ngumiti siya sa tatlo at niyakap ang mga ito. Paniguradong mamimiss niya ang mga ito.

“Hindi na ba kayo mapipigilan? Hindi na ba magbabago ang isip niyo?” tanong sa kaniya ni Maria.

Pinahid niya ang luha nitong dumaloy sa pisngi. Ngumiti siya rito. “Kung mananatili lamang tayong walang gagawin ay walang mangyayari. Mas lalong magiging komplikado ang sitwasyon, lola Maria. Hindi po pwedeng hayaan na lamang natin, kung may magagawa naman po tayo para pigilan ang unos na ito sa ating bansa. Bilang isang mamayan ng Pilipinas, kahit ordinaryo man o maimpluwensya, kailangan nating magtulungan at kumilos para sugpuin ang kasamaan. Nawa sana'y maintindihan niyo, lola Maria.”

Tumango-tango ang matanda kasabay ng pagngiti nito ng malawak at niyakap siya ng mahigpit.

“Hiling ko, na sana ay maging ligtas kayo at pumanig sa inyo ang tagumpay. Nais ko sanang sumama sa inyo para makipaglaban ngunit mahina na ang mga tuhod ko, baka kapag sumama pa ako'y maging dagdag pa lamang akong alalahanin.”

Tinapik siya sa balikat ni lolo June nang matapos na siyang yakapin ni lola Maria.

“Mag-iingat kayo, nasa inyo ang aming suporta.”

Niyakap niya ang matanda matapos nito iyong sabihin.

Mayamaya ay lumapit sa kanila si Rector at Lucbano.

“Lets go, Diserie. We need to go,” anyaya sa kaniya ni Rector.

Ngumiti at tumango naman sa kaniya si Lucbano.

Lumapit sa kanila si Fyran at niyakap na lamang silang biglang dalawa ni Rector.

“Mag-iingat ka roon, insan. Hihintayin ka namin ng magiging pamangkin mo,” sabi nito kay Rector nang kumawala na iti sa yakap.

Agad naman itong bumaling sa kaniya. Tigmak na ng luha ang pisngi nito walang humpay sa sunud-sunod na agos.

“Ikaw Diserie. . . magiging ninang ka pa ng anak ko.”

Tumango siya tsaka ngumiti rito. Hindi niya kailangang magpangako rito at baka hindi niya matupad. Hindi niya sigurado kung ano ang mangyayari.

Bumaling naman ito kay Lucbano. “Sir, maraming salamat. Sana ay ikaw rin maging ninong ng anak ko, ipangako niyo po.”

Malungkot na ngumiti ang matanda at tumango ng pilit.

Sana ay ganoon na lamang kadali ang lahat. Wala namang problema kung wala sila sa malalang sitwasyon.

“Manatili kayong ligtas rito sa loob hangga't hindi pa sigurado ang kaligtasan ninyo,” wika ni Lucbano. “Kailangan na naming umalis at kumilos.”

“Mag-iingat kayong lahat,” wika ng tatlo na sina Lola Maria, Lolo June at Fyran.

“Huwag ninying kalimutang magdasal at humingi ng tulong sa Diyos,” dagdag pa ni Lola Maria.

Tumalikod silang tatlo at pigil ang nga luha na nagbabadya na naman ulit na papatak.
Ipapaubaya na nila ang kanilang kaligtasan at ang lahat sa Diyos. Ito na ang bahalag sa kamila, ang Diyos na makapangyarihan.

. . .

#SS1:VH

Ate Sari, <3

Virgin HuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon