Chapter 7

4.5K 161 29
                                    

Chapter 7

Malacañang, Philippines

IPINATAWAG ni President Francis Dellano ang kaniyang pinagkakatiwalaang leader ng task force na si General Garry Bautista sa kaniyang sekretarya para tanungin ito kung ano na ang proseso ng imbestigasyon nito, tungkol sa nangyayari ngayon sa bansang Pilipinas.

Binigyan niya ng gawain ang heneral na alamin kung ano ang dahilan ng pagkalat ng mga infected na nilalang sa buong lungsod. Kung ano ang pinagmulan ng mga nilalang na ito. Kailangang matagpuan agad nila nang maaga ang sagot para marami pa silang mailigtas na mga Pilipino.

Ayon sa mga laman ng balita sa telebisyon at radyo ay marami na ang apektado na mga mamamayan. Maging ang biktima ng mga nasabing nilalang na ito. Kailangan agad nilang makahanap ng solusyon kung paano puksain ang mga ito bago pa mahuli ang lahat.

Gusto niyang lumabas ng Malacañang para siya na mismo ang umalam ng pinagmulan ng pangyayaring ito pero hindi niya kaya. Isipin pa lamang niyang makakaharap niya ang nilalang sa labas ay hihimatayin na siya. Nakakatakot na nga ito sa nakikita niya sa telebisyon, sa actual pa kayà na makakaharap niya?

Paniguradong malaking problema na naman itong kahaharapin niya at maging ng bansang Pilipinas. Hindi niya aakalaing mangyayari ito sa tanang buhay niya. Kung ano man ang misteryosong pinagmulan ng pangyayaring ito, ang hiling niya ay sana matapos na.

Sunud-sunod na katok ang kaniyang narinig mula sa labas ng kaniyang silid. Ito na marahil ang kaniyang sekretarya na inutusan kasama si General Garry Bautista.

Agad siyang tumungo sa kaniyang trono at pinindot ang isang button na puti sa gilid ng kaniyang lamesa. Nakita niya sa kaniyang monitor na laptop kung sino ang nasa labas. Naninigurado lang siya kung sino ang papasukin.

Bumukas ng dahan-dahan ang malaki na magarang pinto ng kaniyang opisina kung saan tinatawag na office of the president. Tumayo siya agad nang makita niya si General Garry na kasama ang kaniyang sekretarya.

“General Garry Bautista, may have a seat,” anyaya niya sa kaniyang panauhin.

Tumikas naman si General Garry kasabay ng pagsaludo nito sa presidente.  Umupo agad siya nang ikumpas ng presidente ang kamay nito.

“Marahil ay alam mo na kung ano ang rason ko kung bakit kita pinatawag rito,” panimula ni Presidente Francis.

Agad naman tumango si General Garry at matamang na nakinig sa pangulo.

“Gusto kong malaman kung ano na ang balita tungkol sa pinagagawa ko sa iyo. Nahanap mo na ba kung ano ang dahilan nitong pinagmulan ng mga nilalang na ito?” pagpapatuloy ng pangulo.

Umayos ng upo ang heneral at sinagot ang tanong na iyon ng pangulo.

“Ayon sa aming imbestigasyon, Mr. President this creature came from the formula of the one famous scientist here at the Phillipines. Aksidente niyang natapon ang isinasagawang formula na hindi pa tapos sa isang patay ng estudyante. Itong patay na estudyanteng ito ay ang siyang ini-ekperimentuhan nila. Naghahanap sila ng gamot para sa sexual addiction para puksain ito. Pero dahil sa palpak nilang eksperimento at sa aksidenteng pagkatapon ng formula nila'y nabuhay ang patay na lalaking estudyante na iyon at kumalat ng karahasan. Imbes na mapuksa ang sexual addiction na sakit na ito'y mas lalong pinalala ng formula'ng gawa ng scientist na ito. Ito ay hindi na isang klaseng sakit, Mr. President, kundi isa nang klaseng virus.”

Napahilamos sa sariling mukha ang pangulo dahil sa balita ni General Garry. Hindi lang ito bastang problema lang na kahaharapin niya at ng bansang Pilipinas. Isa itong malaking problema kung tutuusin. Paano mapupuksa ang ganitong klaseng virus?

Virgin HuntWhere stories live. Discover now