Sii: Chapter 1

897 42 4
                                    


Note: Hello, hoomans! So ayon na nga ito na ang season 2 ng Virgin Hunt! Don't worry isang post ko lahat, haha.

Thank you sa mga nag-comment sa last part sa pag-request for season 2!

wtfshekinah, Asgmtc, lyka1_2, JemafilBioy, soriano110, and BinibininhClumsy!

Ito na ang season 2! Yepee! May happy ending ba, o wala? Read it until the end. ;)

***

Three years later. . .

ANOTHER generation, another life. Makulimlim ang langit, kumukulog saka kumikidlat. Mukhang nababadya na namang umulan nang hapon na iyon, na wari bang naghahatid ng kung anong balita at emosyon. Napahinga si Ginia sa kaniyang malalim na isiping iyon. Ilang taon na ang nakalilipas, dalaga na siya, kintse anyos. Isang taon na ring nawala ang kaniyang ina dahil sa matindi nitong karamdaman, May cancer kasi sa boto ang kaniyang ina, stage 4, kaya hindi na naagapan.

Nasa semeteryo siya nang araw na iyon para bisitahin ang kaniyang ina para s akaarawan nito. Setember, unang araw kaya makulimlim ang kalangitan. Ramdam niya rin ang lamig. Simula na nga ng bear months. Dalawang buwan na lang at magpapasko na. Sana ay masaya siya sa mga susunod na araw, noong nawala ang kaniyang ina, ay parang nalungkot na ang buong buhay at pagkatao niya. Hindi niya alam kung hanggang saan pa ang kanniyang kakayanin. mahirap ang mabuhay na mag-isa, lalo na at naninirahan lamang siya sa kaibigan ng kaniyang ina.

Wala man lang kasi kamag-anak ang kaniyang nanay dahil sa ilang ton na ng nakararaan na naging isang bangungot sa lahat. Pilit na rin kinakalimutan ng mga tao ang tungkol sa virus na nagkalat noon na siyang halos kumitil ng halos lahat ng tao sa mundo. Mabuti na lamang at nailigtas ng isang scientist ang kaniyang ina.

Ang lahat ng iyon ay kaniyang narinig mula sa kwen to ng kaniyang Nanay Diserie. Sinubukan din niyang hanapin ang kaniyang ama, noong mamatay ang ina, matapos sila nitong ewan matapos magbuntis sa kaniya ang nanay. Hindi na nila alam kung saan na naroroon ang kaniyang ama. Tanging pangalan lamang nito ang kaniyang alam.

Ricardo Bautista.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa pirasong papel na iyon, habang tinititigan ang nakasulat doon na pangalan ng kaniyang ama. Sana ay mahanap na niya ito sa susunod na mga araw, hiindi siya titigil hangga't hindi niya ito nakikita at nakikilala. Gusto niya lang tanuungin dito kung bakit sila iniwan nito noong ipinagbuntis siya ng inang si Diserie.

"Ma, maligayang kaarawan. sana ay mahanap ko na si Papa sa lalong madaling panahon."

Pumikit siya nang mariin, dinadama ng pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa kaniyang pisngi at katawan. Wari bang niyayakap siya no'n, alam niyang nandoroon lamang sa kaniyang tabi ang ina at nakikinig sa kaniya. Hindi niya napigilan ang pag-iyak nang sunud-sunod, tahimik at walang ni isang tunog. Tahimik siyang umiyak, at pinipilit na pakalmahin ang kaniyang sarili.

Matapos ang kalahating oras niyang pananatili roon, nang kumalma na rin siya, ay naisipan niyang tumayo. Uuwi na rin siya sa bahay ng kaniyang ninang. Mabait naman ang mga ito sa kaniya, hindi naman siya pinapatrabaho ng mga ito. Siya naman ang nagkukusa na magtrabaho, para naman may pantustos siya sa kaniyang sarili at makatulong kahit na papaano sa pagkain sa loob ng bahay at mga bayarin.

May pambayad din naman siya sa kaniyang tuition fees dahil sa savings ng kaniyang ina. Bayad na ang kaniyang four years sa high school, hanggang college. Kapag mag eighteen naman na siya ay makukuha na rin niya ang bahay na iniwan sa kaniya ng ina. Pero kinakailangan niya pa munang manirahan sa kaniyang Tita Sarah.

Tumungo siya sa may sakayan ng bus. Pupunta na muna siya sa kaniyang trabaho sa isang malaking library sa city nila. Nagtatrabaho kasi siya rooon bilang isang librarian assistant. Hindi naman masama ang limang daan sa isang araw., Nag-aayos siya ng mga libro, saka binibilang at chene-check kung naroon ang lahat ng libro sa buong shelves.

Maingay ang paligid pagdating niya sa city. Halos traffic na rin, siguradong male-late na naman siya sa trabaho. Pero hindi naman ganoon ka strikto ang kaniyang teacher kaya naman ay ayos lang. Isa pa naiintindihan din nito na traffic at birthday ngayon ng kaniyang mama.

Alam naman kasi ni Teacher Ana ang kwento naag buhay niya. Isa kasi ito sa kaibigan ng kaniyang Tita Sarah, kaya siguro hindi maiwasan na pag-usapan siya minsan ng dalawa.

Kahit na hindi naman talaga siya pala-kwento saka ang tahimik lang niya. hindi siya magsasalita, hanggang walang mauunang kuma-usap sa kaniya. Ewan ba niya, wala naman kasi siyang dapat na patunayan sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Isa pa ay kontento na siya sa kung ano siya, at kung ano na ang kaniyang buhay.

Hindi na niya problema ang iba na hindi niya kilala.

Isinalpak niiya sa magkabilang taenga ang earphone. Nagpatugtog siya ng isang kanta ng Rivermaya. Kahit na new generation na siya o nabibilang sa mga millenials, hindi niya pa rin tatalikura ang mga OPM songs. Ang nostalgic lang kasi sa pakramdam, at wari bang malalim ang mga mensahe ng kanta dati, kumpara sa mga bagong kanya sa kanilang panahon.

Napatingin siya sa isang magulang na babae, mukhang senior citizen na ito Puno na ang bus, kaya mapipilitan na lamang na tumayo ang matanda sa buong biyahe. May mga lalaki na mga nasa edad niya rin at ang iba ay mga matatanda sa kanniya pero alam niyang makakaya pa namang tumayo, ang hindi umalis sa kanilang mga upuan. Humingasiya nang malalim, mukhang alang balak ang mga ito na paupuin ang matandang babae.

Kahit na ayaw niyang makahugot ng atensyon ay pinilit niya ang sariling tumayo. Lumapit iya sa matanda. "Manang, kayo na po roon sa upuan ko."

"Naku, salamat na lang ija. Pero kaya ko pa namang tumayo." tanggi agad nito.

Halos ang iba na pasahero ay nakatingin na sa kanilang pwesto. "Sige na po, manang. Malapit na rin po akong bumaba."

Ngumiti ang matanda at mukhang napansin din nito na nakatingin sa kanila ang halos lahat ng mga pasahero. Para hindi makaagaw ng atensyon ay nagpasalamat ito sa kaniya saka naupo na sa kaniyang pwesto sana.

Mas nilakasan a lamang niya ang volume ng kaniyang earphone. Mas mainam iyon at hindi niya na maririnig kung ano ang nangyayari sa kaniyang paligidd. Ang mga usapan, at nasa sarili na siyang mundo.

Tama nga ang hinuha niya, pagkababa pa lamang niya sa harapan ng library sa kanilang city ay bumuhos na ang malakas na ulan.

***

ALAS tres nang hapon na si Ginia nakalabas nng library. Tapos na ang shift niya at dumating na rin ang kapalit niya. Sa umaga kasi siya naka-assign; simula alas otos nang umaga hanggang alas dos ng hapon.

Maabutan na niya ang kaniyang Tita Sarah nito na pauwi na sa kanila. Alas dos din kasi ang wian nito mula sa restaurant na pagmamay-ari rin ng kaniyan Tita Sarah,

Ang totoo ay restaurant iyon ng kaniyang ina at ng kaniyang tita. Kaya kahit papaanoa y may shares dapat siya mula roon, pero mas pinili na lamang niya angg magtrabaho. Tutal, ang Tita Sarah naman niya ang namamalakad ng restaurant, kaya dapat lang na ibigay na ang lahat ng sales dito.

Virgin HuntHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin