Sii: Chapter 20

313 23 0
                                    

“Anong plano mo mamaya?” bulong ni Ginia kay Evoon habang inuubos na nila ang siopao. Napatingin sa likuran niya si Evoon at baka nakikinig na sa kanila ng mga oras na iyon sina Jean at Isua.

Nang masiguro niya na abala naman sa pagkain ang dalawa ay bumaling siya kay Ginia na matamang naghihintay sa kaniyang sagot. Hindi niya mapigilan ang sarili na kiligin dahil sa isipin na interesado ang babae sa kung ano ang plano niya mamaya. Hindi man sa nag-aasume siya pero sa palagay niya ay gusto siyang samahan ni Ginia. Nabubuang na yata siya. Hindi na niya alam kung saan ibabaling ang tuwa na nararamdaman sa puso niya.

Kung ganoon lang sana palagi ay wala siyang magiging problema sa kung ano ang kahaharapin nila kinabuksan. Ang mahalaga ay may progress kahit na papaano sa pagilan nila ni Ginia.

Evoon will never know that this feeling he had will grow naturally for Ginia. Lalo na at palagi niyang nakasasama ang babae, unti-unti na rin niyang natutuklasan ang tunay nitong ugali na mas lalo pa niya yatang kinahuhumalingan.

Kumibit-balikat siya bilang sagot kay Ginia, bahagya siyang lumapit sa taenga nito para bumulong. Naramdaman niya na natigilan si Ginia sa kaniyang naging kilos na iyon. Mukhang nabigla niya yata ang babae, hindi naman niya kasi dapat sabihin nang malakas kung ano ang pinaplano niya mamaya rito. Baka marinig ng dalawa na nasa likuran nila at baka magpumilit na naman na sumama sa kanila. hindi siya makapapayag no’n, para lamang sa kanilang dalawa ni Ginia ang moment na iyon. Kaya hinding-hindi siya makapapayag.

“I will tell you later. Ayaw kong marinig nino man ang plano ko at ang plano mong tumulong sa akin,” malumanay niyang bulong kay Ginia, tumukhim naman ang babae saka napatango. Bigla itong dumestansya sa kaniya para hindi halos na magkalapiy ang kanilang katawan.

Hindi napigilan ni Evoon ang pag-akyatan ng init sa kaniyang pisngi. Kung nakikita yata siya ngayon ni Ginia ay siguradong makikita siya nitong namumula dahil sa nararamdaman niya. Pero hindi naman iyon nakita ng babae dahil nakatingin ito sa ibang direksyon.

“Kung ganoon, kailangan nating mag-usap na tayo lang,” suhetsyon nito.

Naglaro ang kakaibang ngisi sa labi ni Evoon, at hindi naman iyon nakaligtas sa mga mata ni Ginia. Hindi alam ni Ginia kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ng lalaki sa sinabi niya. Napabuntong hininga na lamang siya sa isipin na iyon.

Maybe Evoon is thinking some weird things kaya ganoon na lamang ito kung makangisi. Hindi na lamang niya pinansin ang pilyong ngisi nito at tuluyan na niyang inubos ang siopao na natira.

Lumingon siya sa likod at mukhang nag-uusap din sina Jean at Isua nang masinsinan. Hindi na lamang siya kumibo at bumaling na lamang sa harap niya at nagmasid sa kanilang mga kasama na nasa labas. Iniisip niya kung paano sila makakaalis doon para hanapin ang kaniyang ama. O, baka may pagkakataon na makita niya roon ang ama sa loob ng hall. Pero nang maglibot siya kanina ay hindi niya man lamang ito nakita. Ibig sabihin ay wala roon ang kaniyang ama, kaya kinakailangan niyang pumunta sa third floor, at baka roon lang pala ito.

Kaya kung sabihin ni Evoon ang plano nito sa kaniya mamaya ay siguradong sasama siya. Lalo na at sa kagustuhan niyang makita ang ama, ito na rin ang pagkakataon habang nasa loob pa sila ng safe zone. Iyon na lamang ang tanging pag-asa na hinahawakan niya.

Dahil kung hindi nila makita ni Evoon ang ama na nasa third floor, nagpaplano siyang lumabas ng safe zone para hanapin ito. “Kailangan kong mahanap ang papa ko,” simula niya sa katabing si Evoon.

Naramdaman niya ang paglingon nito sa kaniya. “I know that, kaya mo ako tinatanong kung ano ang plano ko. Don’t worry I will help you.”

Sa totoo lang ay bahagya siyang nagulat sa sinabi na iyon ng lalaki. Hindi niya inaasahan na malalaman ni Evoon ang tumatakbo sa isip niya. Ganoon na ba siya ka-obvious at ka-vocal sa kaniyang adhikain sa buhay? Mabuti na lamang at hindi judgemental si Evoon, tulad ng mga nakilala niya. Kung hindi ay baka matagal nang nawala ang pag-asa niya na mahanap ang kaniyang ama. At hindi na gagawa ng ano pang hakbang na makapaglalapit sa landas nito.

Virgin HuntWhere stories live. Discover now