Chapter 20

2.7K 118 3
                                    

Chapter 20

NAGPAKAWALA NG isang malakas na fourty five kick si Diserie at natamaan sa katawan ang nilalang na sumugod sa kaniya. Pumunta sila sa bayan ng Surbon para iligtas ang ilang mga taong nakaligtas sa lugar na iyon. Kasama nila ni Rector ang grupo ni Lucbano maging ang lalaki.

Pinaputukan niya ang mga ilang sexteors na sumugod sa kaniya. Ngunit kahit anong gawin niya'y tumatayo pa rin ang mga ito. Kailangan niya itong punteryahin sa ulo o sa puso para tuluyan niyang mapatay.

“Heyaaa!” sigaw niya sabay side kick sa nilalang na papalapit sa kaniya.

Umikot siya at sinipa ito sa ulo. Agad niyang binunot ang kutsilyo sa kaniyang baywang at tinarak ang sexteor sa dibdib. Nangisay ito at nasunog.

Tumingin siya kay Rector at sa mga kasama. Abala ang mga ito sa pakikipag-away. Halos dalawang oras na sila roon at walang katapusan ang pagrami ng mga kalaban nila. Kapag magtagal pa sila roon ay hindi magtatagal ay mauubusan na sila ng lakas at mapapagod.

Naisakay na rin sa tatlong van nilang dala ang mga taong naroroon sa lugar. Sinigurado nilang magiging ligtas ang lahat. Ngunit sadyang hindi maiwasan ang hindi malagasan sa kanilang mga kasamahan at mga taong iniligtas.

Mabuti na lamang at wala roon ang mga Virgin Hunter na grupo ni Caspren kung hindi ay doble ang magiging kalaban nila.

Bigla siyang nasakal ng isang sexteor na nagmula sa kaniyang likuran. Napaubo siya dahil sa mahigpit nitong pagkakasakal sa kaniya. Buong lakas niyang siniko ang nilalang sa tagiliran dahilan upang lumuwag ang pagkakasakal nito.

Bago pa niya masaksak ang nilalang ay natumba na ito sa kaniyang likuran at naging abo. Napatingin siya kay Rector na siyang pumatay sa nilalang.

Tumango ito sa kaniya, tumango rin siya at kapwa sila nagtalikuran sa isa't isa.  Nasa gitna sila ng mga sexteors na nakapalibot sa kanila. Inihanda ni Diserie ang kaniyang shotgun at maging si Rector.

“We will end this, Diserie. Hindi na natin kaya silang lahat na ganito kadami. ”

Tumango si Diserie sa sinabing iyon ni Rector.

Sunud-sunod na nagpakawala ng putok si Diserie at maging si Rector. Sunud-sunod ring natumba ang ilan sa mga sexteors at nasunog hanggang sa tuluyan na maging abo.

Tinapon ni Diserie ang hawak na shotgun nang maubusan na siya ng bala. Samantalang si Rector ay may natitira pa. Wala na siyang pagpipilian kundi ang makipaglaban sa mga sexteors na ito gamit ang dalawang dagger.

Sinuntok niya sa pisngi ang isang lumapit sa kaniya at sinipa sa kaniyang likuran ang isa pa. Hanggang sa sunud-sunod na sipa at suntok ang pinakawalan niya.

Sinaksak niya sa ulo at dibdib ang ilan upang mauwi ang mga ito sa abo. Tumutulo na ang kaniyang pawis at ramdam na niya ang pagod. Nanginginig na ang katawan niya. Kailangan niyang magpahinga, pero hindi niya pwedeng gawin iyon kung ayaw niyang maagang mamatay.

Kita niyang may tinusok na syringe si Rector sa nilalang. Alam na niya kung ano ang ginagawa ng lalaki. Marahil siguro ay kukuha ito ng sample para matingnan nito ang virus.

Sumigaw siya tsaka buong lakas na sinipa sa ulo ang nilalang na palapit sa kaniya. Napahiga siya sa kalsada nang daganan siya ng hindi inaasahang nilalang na sumulpot nang mabilis sa kaniyang harapan.

Hindi na niya kaya pang sipain ito. Nanghihina at nangangalay na ang braso at paa niya. Sinimulan nang hubarin ng nilalang ang kaniyang damit.

Nakarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril. Napatingin siya kay Lucbano, ito pala ang bumaril sa nilalang. Tinulungan siya nitong tumayo.

“Lets go! Hindi na natin sila kaya! Retreat!” sigaw nito kasabay ng pagtawag nito sa mga tauhan.

Nagkatinginan silang dalawa ni Rector. Tumakbo siya nang mabilis papunta sa nakabukas na close van sa likuran. Habol niya ang kaniyang hininga nang makasampa. Tinulungan niyang umakyat ang mga kasama maging sina Lucbano at Rector.

May inihagis na bomba si Lucbano sa mga sexteors na humabol sa kanila. Sumabog ito at kitang-kita nila na nasunog ang mga sexteors at natilapon sa kung saan.

Nang maisara na ang sasakyan ay humarap sa kanila si Rector. Mataman silang nakinig sa lalaki.

“Alam ko na kung ano ang makakatalo sa sexteors na iyon,” wika ng lalaki habang nakatingin sa syringe nitong hawak-hawak.

Kumunot ang noo ni Lucbano at maging ni Diserie.

“Ano'ng alam mong makakatalo sa mga infected na iyon?” interesadong tanong ni Lucbano.

“Hindi niyo ba napansin? Nasusunog at nagiging abo ang katawan ng mga sexteors kapag natatamaan natin sila sa ulo at puso. Pero hindi ganoon kadali nating matalo sila sa isahan na paraan. Mapapagod tayo at manghihina tulad ng nangyari sa atin ngayon,” sagot nito.

Huminga ito nang malalim. Lumiwanag ang mukha ni Rector, tila nakakita ng pag-asa para sa kanilang lahat.

“Apoy ang makakatalo sa kanila. . . kailangan na nating humingi ng tulong sa ibang bansa. . . sa sitwasyon nating ito ay kakailanganin na nating humingi sa kanila ng tulong. Huwag na tayong umasa sa mga awtoridad at mga mandirigman natin rito sa Pilipinas. Kung tayo lamang ang makikipaglaban, hindi natin kakayanin ang mga sexteors. Masyado silang marami. Sa ganitong sitwasyon, huwag na nating asahan pa ang mga opisyales ng Pilipinas. Ang ilan sa kanila'y mga bahag ang buntot, o marahil ay isa nang mga infected na ng virus. Kung hindi tayo kikilos, kailan pa natin masosolosyunan ang problemang ito? Hindi ito matatapos kung hindi natin sisimulan.”

Tumango-tango si Lucbano.

Sang-ayon rin si Diserie sa sinabi ni Rector.

“Sa sitwasyon nating ito . . . posibleng nakarating na sa ibang bansa ang kinakaharap nating problema rito. Hindi nila hahayaang pati sila ay madamay. Alam kong bukas, sa makalawa o sa mga susunod na araw ay darating rin ang tulong nating inaasahan mula sa kanila,” aniya ni Diserie.

Tatanungin na sana niya si Rector patungkol sa hawak-hawak nitong syringe nang unahan siya ni Lucbano.

“Ano'ng gagawin mo diyan?” tanong ng matanda.

Tumiim-bagang si Rector bago titigan ang hawak-hawak na syringe.

“Pag-aaralan ko ito para malaman ko sa lalong madaling panahon kung ano ang antidote laban sa virus. . . alam kong mababawi pa natin ang mga taong iyan na infected. Kung hindi ay. . . kamatayan ang hihintay sa kanila at sa atin.”

Humigpit ang paghawak ni Rector sa syringe. Kailangan niyang mapag-aralan ang dugo ng nilalang na iyon para matuklasan ang antidote sa Sexteor Virus. Bago pa kumalat ang virus sa buong Pilipinas at marami pa ang mabiktima nito. 
,
. . .

#SS1:VH

Ate Sari, <3

Virgin HuntWhere stories live. Discover now