Sii: Chapter 31

288 21 0
                                    


ABALA sa pagtingin ang presidente ng mga pangyayari sa labas ng kaniyang building na kinaroroonan. Hindi siya mapalagay dahil sa mga nakikita, hindi niya alam kung kailangan pa ba niyang pagkatiwalaan ang scientist na si Logan.

He has been sitting in that chair while Logan is doing his move to build a new humanity. Isang tungga sa alak ang kaniyang ginawa. Hindi na siya makapaghintay na dumating ang araw na siya na ang maghahari sa mundo. Somehow, doing it, he felt guilty. Pero mas nangingibabaw ang pag-asam niya na maging makapangyarihan sa buong mundo. Ilang buwan na lang at malapit na iyong mangyari.

Nakatayo ang apat niyang gwardya malapit sa pintuan ng kaniyang silid. Naghihintay sa susunod niyang utos, pero wala siyang maalala na gagawin sa araw na iyon. He was just planning to pay a visit to Logan. At sa mga nilalang na kanilang pinakawalan sa iba’t ibang bansa.

They have been plan for it, si Logan ang utak at siya ang nagbibigay ng sustento sa mga pangangailangan nito. Ganoon lang iyon kadali, but it was not an appropriate. Kaya kailangan nilang magtulungan na dalawa ni Logan, kung hindi ay baka ano pa ang mangyari at matuklasan ng mga tao ang tungkol doon.

“Fernan," tawag niya sa kaniyang isang bodyguard. Agad naman itong lumapit sa kaniya.

“Yes, Mr. President.”

“Call Logan. Tell him that we meet at the usual place. Kailangan kong malaman ang update sa ginagawa niya,” utos niya rito saka nahiga sa kaniyang kama.

“What time, Mr. President?” tanong muli sa kaniya nito.

“Now. Prepare the car. We are leaving after Logan’s permission.”

“Yes, sir.”

Agad na ini-dial nito ang numero ni Logan saka ito na ang nakipag-usap sa scientist. Nang matapos ang tawag ay sinabi nito na makikipagkita nga sa kaniya. Hinanda ng kaniyang mga tauhan ang sasakyan, kaya madali siyang bumihis ng kaniyang damit saka lumabas ng kaniyang silid.

Agad siyang tumungo sa sasakyan. Sinigurado muna ng kaniyang mga tauhan na walang makakikita sa kanilang pagkikita ni Logan.

Mahirap na kapag may makakita o makarinig sa kanilang usapan. Baka iyon na ang magiging katapusan ng kanilang plano. Kaya hanggang maari ay gagawin niya ang lahat para hindi iyon mangyari. Doon nakasalalay ang kaniyang kapangyarihan, ang kaniyang matagal nang pinapangarap. Hindi siya makapapayag na mapupunta na lamang iyon sa wala.

Pagkarating nila sa tagpuan nila Logan ay namataan na niya ang scientist na nagmamadaling tumungo sa kaniya. Sabog na sabog ang buhok nito at mukhang walang tulog.

Naupo ito sa usual spot nito. Hindi na nagpaligoy-ligoy si Mister President at agad na tinanong ang lalaki tungkol sa takbo ng kanilang plano.

“How’s the plan, Mr. Logan?’

Umangat ito ng tingin sa kaniya. Palinga-linga sa paligid at baka may nakikinig sa kanila. “It’s already in 38%, Mr. President. Don’t worry about it. Ilang percent na lang at matatapos na natin ang plano.”

“How are you sure with that? Ilang buwan ang aabutin niyan o taon? Hindi ko kayang maghintay nang napakatagal,” ani niya na sa bored na bored na tono.

Totoo naman kasi iyon. Hindi niya kayang maghintay kung hanggang kailan iyon. Makapaghihintay siya kapag dalawang buwan o tatlo. Pero kapag lumagpas doon hindi niya alam kung mahihintay pa niya.

“Kailangan ko pa ng maraming tauhan, Mr. President.” Seryoso ang tingin na ibinigay ni Logan sa kaniyang kausap. “Hindi ko kakayanin kapag 50 person lang ang kikilos. At sa ganooon karaming mga tao ang target. I need more mens.”

Virgin HuntWhere stories live. Discover now