Sii: Chapter 7

412 33 0
                                    


NAPAHINGA nang malalim si Marga habang pinipigilan ang sarili na mawalan ng malay. Hindi pa rin dumarating ang kaniyang asawa. Lumabas siya ng elevator habang iniinda ang sarili mula sa paghihilab na nararamdaman. Pero ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita niya ang isang kakaibang nilalang na natutunaw ang mukha papalapit sa kanyang kinatatayuan. Gumawa ito ng ingay na siyang dahilan para magsilapitan pa ang mga iba nitong kasama.

Mas lalong nanghina ang mga tuhod ni Marga habang hindi maka-alis sa kaniyang kinatatayuan. Para siyang natulero sa kung anoman ang mangyayari sa kaniya ng mga oras na iyon. Nangatal ang kaniyang labi, walang kahit ni isang salita na lumabas sa kaniyang bunganga. Nanatili siyang estatwa, habang hinahayaan ang mga nilalang na amuyin siya. Hindi man lang niya napansin na nakalapit na pala ito sa kinaroroonan niya. Parang kanina lang ay nasa malayo ang mga ito na nakatingin.

Napapikit siya at piping napadasal para sa kaligtasan nilang mag-ina. Kahit mailabas lang niya ang anak, bago siya mamatay kasama ang mga nilalang na iyon o ang maging isa sa mga ito. Kahit iyon lang ang hiling niya. Pero sa laking gulat niya, nilampasan  siya ng mga ito at hindi man lang hinawakan o ginawan ng masama.

Naahinga siya nang maluwag habang nakasunod ang tingin sa mga ito na naglakad na palayo sa kaniya. Naalala niya ang anak na si Mira. Kailangan niyang habulin ang anak, saan na kaya ang asawa niyang si Juson? Kanina pa iyon nasa itaas ng elevator pero hindi pa rin ito nakababalik sa kanilang pinanggalingan kanina.

Baka naabutan na rin ang asawa niya ng nilalang na iyon? Paano na kaya? Paano na sila makababalik kapag wala na ang asawa niya? Paano kung iyon pala ang gustong biktimahin ng mga nilalang? At bakit hindi man lang siya ginalaw ng mga ito?

Parang nawala na sa kaniyang isip ang sakit na kaniyang iniinda. Inaalala niya ay kung sino ang uunahin niyang puntahan, kung ang kaniyang anak ba na si Mira o ang kaniyang asawa na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nakababalik? Huminga nang malalim si Marga saka pilit na pinapakalma ang kaniyang sarili.

Bumalik siya sa loob ng elevator para silipin mula sa lagusan sa itaas ang kaniyang asawa at sumigaw siya nang sumigaw.

"Juson!"

Sa kabilang banda, si Juson ay pilit na nakikipaglaban sa dalawang nilalang na humablot sa kaniyang paa kanina. Kaya hindi agad siya nakabalik sa kaniyang mag-ina, dahil kinakailangan niya munang makatakas mula sa dalawang nilalang na ito. Hindi niya akalain na sobrang lakas pala ng mga ito, at hindi agad siya binibitiwan kahit na ano ang mangyari.

Sinipa niya sa ulo ang isang nilalang nang malakas, dahilan upang mapabitiw ito sa kaniyang paa. Maging ang isa ay sinuntok niya sa mukha, kahit na natatakot siyang hawakan ang nalulusaw nitong pisngi. pero nilakasan niya ang kaniyang loob para lang makabalik nang buhay sa kaniyang mag-ina.

Paano na lamang kapag nakapasok ang iba pang mga nilalang sa loob ng elevator kung nasaan ang kaniyang mag-iina. Narinig niya ang sigaw ni Marga mula sa ibaba. Kaya naman ay dali-dali siyang tumungo sa ibaba para puntahan ang mag-ina, pero nahawakan agad siya ng isang nilalang na sinuntok niya kanina.

Napakapit siya nang mahigpit sa kable na nakakabit sa elevator para hindi mahulog sa napakataas na gusaling iyon kung saan siya naroroon.

Malakas niyang sinipa nang sinipa ang nilalang hanggang sa mapabitiw ito sa kinakapitan at mahulog sa napakataas na building. Ngayon ay isa na lang ang problema niya. Nakipagtitigan sa kaniya ang nilalang na wari bang nanghahamon ito sa kaniya, habang nakangisi nang nakaka-asar.

"Naiintindihan mo ba ako, ha?" kausap niya rito.

Pero hindi man lang ito sumagot, sa halip ay ngumisi lang ito nang malawak. Mukhang siya pa yata ang nasisiraan ng bait kaysa sa nilalang na kaharap niya.

Virgin HuntWhere stories live. Discover now