Chapter 17

2.8K 149 11
                                    

Chapter 17

HUMINGA NANG MALALIM si Rector pagkatapos alalahanin ang lahat na nakaraan. Mataman namang nakikinig sina Diserie at Lucbano. Parang isang hangin lamang ang dumaan at natahimik ang buong paligid. Kapwa naghahanap ng sasabihin kung paano pagagaanin ang loob ni Rector.

Nilaro ni Lucbano ang baril nitong shutgon na hawak. Nais niyang sabihin kay Rector ang totoong plano ni Moreno pero mukhang ayaw niya munang dagdagan ang nararamdaman nito ngayon.

“Ikaw, Lucbano. . . ano'ng koneksyon mo sa tito ko? Bakit kilala mo siya? Hindi naman kita nakikita no'n sa bahay. Ni hindi nga lumalabas si tito sa laboratory niya sa tuwing nasa loob lang ako ng bahay.”

Tumingala siya at pumikit. Hindi niya rin alam kung paano sila naging close ni Moreno. Bumigat ang kaniyang dibdib animo'y may isang malaking bato ang dumagan roon at nahihirapan siyang huminga at makapagsalita.

“Marahil ay hindi tayo nagkakasalubong at nagkakatagpo sa tuwing pupunta ako sa bahay ninyo ng tito Moreno mo. Madalas kasi akong pumunta sa kaniya kapag nasa paaralan ka. . . hindi mo naman ako naabutan kapag tanghalian na dahil hindi naman ako nagtatagal. . . ” Saglit itong tumigil. Tila hinahanap ang sariling hininga, tila tinatansiya ang sasabibin.

Iniisip ni Lucbano kung ito na ba ang tamang oras para malaman nito ang buong katotohanan ng pagkatao ng kaniyang tito Moreno, at kung ano ang matagal na sikreto ng matandang scientist na ‘yong tinatago.

Marahil ay tsaka na lamang niya sasabihin rito ang napakalaking kasalanan ni Moreno rito. Sasabihin niya na lamang muna ang tungkol sa virus na nagkalat ngayon sa buong bansang Pilipinas.

“Isa pa. . . noong una'y akala ko rin para sa sakit na sex addiction at lust ang nireresearch niya at ekspiremento. Pero habang lumaon ay nalaman ko ang totoo niyang plano. . . hindi isang gamot ang ini-eksperimento ng tito Moreno mo, Rector. Kundi isang klaseng virus na siyang sisira sa buong bansa. . . hindi lang ang Pilipinas kundi sa buong mundo.”

Hinawakan niya sa balikat si Rector. Tinitigan niya ito sa mga mata. Hindi pwedeng maging malungkot ito ngayon. Kailangan nitong magpakatatag.

“Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan ng tito Moreno mo. Iyon lamang ang alam ko sa lahat ng mga plano niya. Hinikayat niya ako na pumanig sa kaniya at manghasik ng lagim sa buong sanlibutan. . . at ang planong gusto niyang gawin ko bago niya pakawalan ang virus ay ang patayin ang mga birhen. Dahil nagagalit siya sa sarili. . . dahil tumanda siyang virgin. Malaki raw iyong insulto para sa kaniya.”

Umiling-iling siya. Labis ang awa na kaniyang nararamdaman para sa dating kaibigan na si Moreno. Kung may paraan pa na baguhin ito ay hindi siya magdadalawang-isip na tulungan ito para bumalik sa dati.

Ngunit mukhang malabo na iyong mangyari. Lalo na at nagtagumpay na sa plano si Moreno.

“Hindi ko maintindihan ang tito mo, Rector. Hindi naman siya ganoon dati. . . marahil sa kagustuhan niyang manguna sa list ng mga top natcher sa Biological scientist and career ay iyon ang nabuong ideya sa kaniyang isipan. Naging mapanghangad ang tito mo. . . at naging tuluyan nang nilamon ng kadiliman.”

Umigting ang kaniyang panga matapos maalala ang pagtatapos niya ng pagkakaibigan kay Moreno. Maging ang pagiging pulis niya'y iniwan niya para tanda ng seryoso niyang pag-iwan rito. Hindi niya kayang gamitin ang kaniyang propesyon para lamang pagtakpan ang dating kaibigan sa masamang plano nito.

“Ang lahat ng iyan ay nangyari sampung taon na ang nakakaraan. Hindi ko alam kung paano niya nakumbinsi si Caspren na isa nang reteradong pulis ng pamahalaan. Alam ko na ang isa na iyon ay gahaman rin sa kapangyarihan at gusto ring maghari sa buong mundo. Sana ay maisip mo na hindi ko sinisiraan ang tito Moreno mo, Rector. Sana ay maniwala ka sa mga sinasabi ko. Sinasabi ko sa iyo ang lahat dahil karapatan mong malaman ang totoo. . . dahil malaki ang posibilidad na masasangkot ka sa malaking gulong ito at problema.”

Ginulo ni Rector ang sariling buhok. Parang gusto na niyang sumabog ang sariling ulo dahil sa kaniyang mga nalaman ngayong araw mula kay Lucbano. Hindi niya aakalaing ganoon na kalala ang kaniyang tito Moreno.

Kasalanan niya ito. Kung hindi sana siya naging pabayang pamangkin ay hindi ito mangyayari. Hindi magiging ganito ang tito Moreno niya. Hindi sana niya ito hinayaang mabaliw dahil sa walang kain nito kung minsan at tulog.

“Hindi lang iyon ang ginawa ng tito mo, Rector. . . siya rin ang may dahilan kung bakit ka nawalan ng kamay at paa.”

Kumunot ang kaniyang noo dahil sa sinabing iyon ni Lucbano. Ano pa ba ang dapat niyang malaman? Ano pa ba ang hindi niya alam? Ano ba talaga ang lahat na nangyayaring ito? Ano ang tungkol sa paa niya at kamay?

“Ano'ng mayroon Lucbano? Ano ang kinalaman ng tito ko sa pagkawala ng kamay ko at paa? Sabihin mo sa akin. . .”

Hindi niya gusto ang nasa isip. Ayaw niyang tanggapin na ang tito niya ang dahilan ng pagkawala ng kaniyang kamay at paa. Pero base sa tingin na ibinibigay ni Lucbano sa kaniya ay para siyang makakapatay ng tao.

Hindi matanggap ng pagkatao niya na ang tito Moreno niya ang may kagagawan ng pagkawala ng kamay niya at paa sa kaliwang parte ng katawan.

“Patawad ngunit. . . siya ang dahilan kung bakit ka nawalan ng dalawang parte na iyan sa iyong katawan. . . siya ang nagpasabog ng laboratory mong pinatayo. . .”

Sa galit niya at hindi na napigilan pa ang sarili ay kwenilyuhan niya si Lucbano. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatitig rito.

“Sabihin mo sa akin kung bakit niya iyon ginawa! Bakit niya iyon ginawa sa akin na sariling pamangkin niya?! Sabihin mo sa akin! Bakit niya ‘yon nagawa?!”

Sa agaw na hininga ay pilit na nagsalita si Lucbano. “D-dahil. . . ayaw niyang magtagumpay ka. . . s-sa pagiging scientist mo. . . a-ayaw niyang maunahan mo pa siya.”

Unti-unting nanghina ang katawan niya at pabagsak siyang napaupo sa sahig. Nabitawan niya na nang tuluyan si Lucbano. Umubo-ubo naman ito at inagaw ang hininga.

Tumulo ng kusa ang kaniyang mga luha mula sa mga mata. Sumigaw siya nang sumigaw para mawala ang mabigat niyang nararamdaman sa dibdib.

Hindi niya matanggap na nagawa iyon sa kaniya ng tito Moreno niya. Kung saan tinuring na niyang totoong ama.

Naramdaman niyang niyakap siya ni Diserie. Napatigil siya sa pagsigaw at napatingin rito. Umiiyak rin ito habang nakatitig sa kaniya.

Hindi niya alam pero biglang nag-iba yata ang tibok ng puso niya.

“Tahan na. . . huwag ka nang umiyak. Masyado nang mabigat ang lahat para sa iyo, hayaan mong ako na lang ang iiyak para sa iyo.”

. . .

#SS1:VH

Ate Sari, <3

Virgin HuntWhere stories live. Discover now