Sii: Chapter 29

270 27 0
                                    

            PILIT na inaalala ni Juson kung ano ang kaniyang nakita kagabi nang magising siya. Hindi niya na kasi napigilan ang antok sa mga oras na iyon kaya naman ay napilitan na lamang siyang magmumuni-muni muna. Nakatingin siya kay Marco na mahimbing din ang tulog sa tabi niya.

Hindi siya halos makatulog dahil sa mga nangyayari sa labas. Rinig na rinig niya kasi ang ingay, kaya hindi maiwasan na mabahala siya sa kung ano ang maaring mangyari sa susunod na mga araw. Huminga siya nang malalim, bumangon at nag-isip nang malalim.

Nang hindi siya mapakali ay sumilip na muna siya sa maliit na bukas na zipper ng tent. May nakita siyang dalawang sundalo na nagroronda sa buong second floor. Nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay dahil sa kaniyang nakita na iyon. Ano ang ibig sabihin no’n?

Pero hindi niya na lamang iyon pinansin, baka nagroronda lang ang mga ito at baka may nakapasok nang nilalang sa loob ng hall. Pero base sa mga materyales na ginamit sa hall ay hindi ito basta-basta mawawasak at mapapasok ng mga nilalang na nasal abas. Kaya kampante na siya sa kaligtasan nilang dalawa ng kaniyang anak.

Nang masigurado niya na wala nang nagroronda ay naisipan niyang lumabas. Magpapahangin lang siya at mag-iisip nang mabuti. Tungkol sa bagay na kung ano ang pwede niyang maitulong sa mga sundalo kung sakali man na magipit ang mga ito ng nilalang na nasal abas. Alam niyang hindi kakayanin lang ng baril at bala ang mga nilalang.

Lalo na at kakaunti lamang ang bilang ng mga sundalo, at marami silang kailangan na protektahan. Kaya naman ay sumagi sa isip niya na kailangan nilang magtulungan lahat para matapos na itong kinakaharap nilang crisis.

Natanaw ni Juson na may lumabas na babae at lalaki sa isang tent hindi kalayuan sa kaniyang kinatatayuan. Mukhang papunta ang dalawa sa isang corridor sa likuran. Kumunot ang noo niya saka maya-maya ay napailing. Baka magkasintahan o mag-asawa ang dalawa, kaya hindi na lamang niya iyon pinansin. Hindi naman siya ang isang klaseng tao na bigla na lamang manghihimasok sa isang bagay na wala siyang kinalaman.

Maya-maya ay may narinig siyang tunog ng sapatos na papaakyat sa second floor. Agad siyang nagkubli sa isang poste at nakita niya muli ang dalawang sundalo na nagroronda kanina. Ano na naman kaya ang pinagkakaabalahan ng mga ito at mukhang hindi pa nagpapahinga? Kailangan niyang magtgo dahil mahigpit na ipinagbilin ng mga ito kanina na huwag na huwag silang lalabas ng tent hanggang hindi sumisikat ang araw sa silangan.

Baka mamaya ay makita siya ng mga ito ay ano pa ang gawin sa kaniya. Mahirap na at sumuway siya sa utos na iyon. Baka nga ay tutuhanin na ikulong sila o itapon na lang sa labas. Nang masiguro niya na nakalagpas na at nakalayo ang dalawang sundalo ay agad din naman siyang bumalik sa kaniyang tent.

At least, nakapagpahangin siya kahit na saglit. Ang inaalala niya ngayon ay ang dalawang katao kanina na nakita niya, doon din kasi papunta ang dalawang sundalo. Wala na siyang magagawa kung mahuli iyong dalawa. Hindi rin pwede na hanapin niya ang mga ito at baka siya rin ang mapahamak, sa ngayon ay magiging selfish na muna siya para sa anak niyang si Marco.

Huminga si Juson saka napahilot sa kaniyang sintido nang matapos alalahanin ang nangyari kagabi. Ewan ba niya, kung bakit hindi siya mapalagay at inaalala ang dalawang iyon kung nahuli ba ito ng mga sundalo o nakaligtas naman? Sinamantala niya na nagdedede si Marco at lumabas na siya ng tent. Natanaw niya sa first floor na maraming mga tao na nag pumipila para sa pagkain. Marami pa naman na sobra sa pagkain niya kagabi at hindi niya naman iyon naubos agad. Kaya iyon na muna ang kakainin niya ngayong almusal. Mamaya na lang siguro siya pipila para sa tanghalian.

Sa kasalukuyan siyang tumatanaw sa mga taong naglalakad doon at parito. Nakita niya iyong dalawang tao kagabi. Mabuti at magaling siya sa pag-alala, napahinga siya nang malalim nang malaman niya na ligtas ang mga ito. Pero agad na nangunot ang kaniyang noo nang mukhang pamilyar sa kaniya ang mukha ng isang babae.

Virgin HuntUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum