Chapter 14

3K 140 18
                                    

Chapter 14

PUMASOK SILA sa isang tagong silid. Nagkalat ang mga mapa, papel, bote ng alak at mga armas sa isang mahabang mesa na nasa gitna ng silid na ‘yon. Mukhang doon nagpaplano ang mga grupo ni Lucbano.

Nilibot ni Rector ang paningin at inobserbahan ang buong silid.

“Dito na kayo matulog at tumuloy. Bahala na kayo magligpit ng mga gamit. Iyang mga baril na iyan ay pwede niyo nang kunin. Magagamit niyo pa iyan,” wika ni Lucbano. Tumuro ito sa isang malaking kabinet na nakadikit sa dingding. “Buksan niyo lang ang malaking kabinet na ‘yan at pumili na lamang kayo ng gusto niyong armas. May mga espada diyan, dagger, knife, fire shot, pana at ano pa.”

Bumaling sa kaniya si Rector na nagtataka. Hindi maiwasan ng lalaki ang pagtakhan ang kinikilos ng leader ng Virgin Hunter na ito.

“Ito lang ba ang pinapapunta mo sa amin dito? Ano iyong sinasabi mong pag-uusapan natin?” usisa ni Rector.

Nakikinig naman sila Diserie, Maria at June. Pinapakiramdaman ang paligid. Ayaw nilang lubusan na magtiwala kay Lucbano. Mahirap na ang maipit sila sa isang bitag na hindi alam kung paano'ng makakawala.

“Gusto ko kayong makausap isa-isa tungkol sa kwento ninyo. . . pero sa nakikita ko'y nasa maling pagkakataon ako. At isa pa, gusto ko kayong isama sa grupo ko, malaki ang tulong niyo sa akin. Lalo na at magaling kayong makipaglaban na dalawa.” Tukoy ni Lucbano kina Rector at Diserie. “Hindi ko isasama ang buntis at ang dalawang matanda. Masyadong delikado,” dugtong pa nito.

Agarang komontra si Fyran kahit na ramdam rin ang hirap sa pakikipaglaban. “I want to fight. . . para kina Mommy at Daddy na biniktima ng mga sexteors na iyon.”

“Alam ko ang nararamdaman mo, ninyo. Pero isipin mo ang kalagayan ng batang nasa sinapupunan mo. Hindi lang nag-iisa ang buhay na poprotektahan mo, kundi dalawa na,” kontra naman ni Lucbano.

Hindi na nakasagot pa si Fyran at umismid na lamang ito. Nasa punto ang matandang lalaki. Ayaw naman niyang ipahamak ang anak niya.

“Tama siya, Fyran. You should take care yourself, and your baby. Ako na ang bahala. . . ako na ang makikipaglaban para sa inyo. . . sa pamilya natin na kinuha ng mga Virgin Hunter na iyon at ng mga nilalang.”

Mababanaag sa tono ni Rector ang galit. Hindi mapigilan ni Diserie ang kabahan.

“At kayo Maria at June, you should stay here. Ligtas kayo dito. . . kami na ang bahalang makipaglaban. Alam kong may abilidad kayo sa pakikipaglaban pero hindi niyo kakayanin ang katagalan. I hope you understand what I am trying to say.” Baling ni Rector sa dalawang matanda.

Tumango si Maria at ngumiti naman si June.

“We understand, Rector. Sana ay magtagumpay kayo sa kung anoman ang magiging hakbang ninyo. Kaagapay niyo kami sa lahat ng oras. Tutulungan namin kayo sa pamamagitan ng dasal,” aniya Maria.

“Umaasa kami sa inyo. . . lalong-lalo na sa iyo Rector na mabibigyan mo ng hustisya ang nangyayaring ito sa bansang Pilipinas,” wika naman ni June.

Tumikhim si Lucbano, “Pwede na kayong magbihis at magpahinga na tatlo. Hihiramin ko muna itong dalawa. Kailangang makausap ko sila para sa hakbang namin.”  Pagtatapos nito sa usapan.

Lumakad na ito papalabas ng kwartong iyon. Sumunod naman ang mga tauhan nito. Nagkatinginan silang lima at nagtanguan.

“Mag-iingat kayong dalawa, Rector,” paalala ni Maria sa dalawa.

Tumango naman si Rector. Tinapik niya ang matanda sa balikat. “Huwag po kayong mag-alala. We have God.”

Nagyakapan muna sila sa isa't isa bago lumabas sina Rector at Diserie.

“You should be careful, Diserie. Hindi pa natin nasisiguro kung kakampi ba talaga natin si Lucbano o hindi.”

Tumango si Diserie sa bulong na iyon ni Rector sa kaniya. Hindi niya maiwasan ang humugot ng hininga sa tuwing lalapit sa kaniya ang lalaki. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sariling katawan.

“Pero kita mo naman ang ginagawa niya. . .  iniligtas niya ang mga taong iyon mula sa mga sexteors at sa isang grupo ng Virgin Hunter,” wika niya na siyang ikinatigil nito sa paglalakad.

Hinawakan siya nito sa kamay at hinila palapit rito. Malapit na malapit ang mukha nila sa isa't isa. Nanlaki ang mga mata ni Diserie dahil sa gulat. Hindi niya inaasahan ang gagawin na iyon ni Rector.

“Minsan ang mga tao ay nagbabalat-kayo lang, Diserie. Kayâ kailangan marunong kang kumilatis ng mga tao, kung ano ang tunay nilang anyo. At kung hindi mo pa nasusubukan iyon ay simulan mo na ngayon.”

Binitiwan na siya nito at nagpatuloy na sa paglalakad. Siya naman ay natulala at hindi nakakilos. Kung hindi pa lumingon sa kaniya ang lalaki ay baka doon lang siya maagahan.

Pumasok sila sa isang silid kung saan ay katulad rin ng silid na pinasukan nila noong una. Pero ngayon ay naiiba na ito. May kasangkapan na roon na ginagamit ng mga scientist.

Kumunot ang noo ni Rector sa nakita. Tinitigan niya nang mataman si Lucbano.

“Marahil nagtataka kayo kung bakit may mga ganito kaming gamit rito. Naghahanap kami ng isang scientist na makakatulong sa amin kung paano talunin ang virus. Pero hanggang ngayon ay wala pa kaming nahahanap. Kaya't itinigil na lamang namin. Isa pa. . . maghihintay na lamang kami ng tulong mula sa gobyerno. Basta ang gagawin na lamang namin ngayon ay ang iligtas ang mga tao mula kina Caspren at sa mga sexteors na iyon,” paliwanag nito.

Nilibot ni Rector ang paningin. Halos andoon lahat ng mga kakailanganin niya. Isang test tube, cylinder, iron rod, microscope, magnifying glass, mga iba't ibang chemicals at mga iba pang kasangkapan na maari niyang magamit para makabuo ng isang antidote. Kailangan niya lang pag-aralan kung ano ang katapat ng virus.

Nanatili siyang tahimik.

“At isa pa mukhang hindi na rin namin kailangan ang humanap pa ng isang scientist, dahil andito ka na Rector. Ikaw ang makakatulong sa aming lahat kung paano tatalunin ang virus,” dagdag pa ni Lucbano.

Kumunot ang noo ni Rector pagkatapos ng kaniyang narinig mula sa lalaki. Paano nitong nalaman na isa siyang scientist? Kanina lamang sila nagkakilala nito.

Maski si Diserie ay nakakunot rin ang noo habang nakatingin rin sa matandang lalaki.

“Paano mo nalamang isa akong scientist?”

Sumeryoso ang mukha ni Lucbano. Tila may naalala itong hindi magandang pangyayari. Tumigas ang anyo nito na parang manununtok ng kahit anong oras.

“Pamangkin ka ni Moreno. . . kasa-kasama ka niya noon habang nagtatrabaho na siya bilang isang scientist. Hanggang sa sumunod ka sa yapak niya. . . kayâ kita nakilala. . . ikaw pa rin ang Rector noong sampung taon ang nakakaraan hanggang ngayon.”

Hindi maapuhap ni Rector ang sasabihin. Hindi niya inaasahan ang pupuntahan ng kanilang usapan na ito.

. . .

#SS1:VH

Ate Sari, <3

Virgin HuntWhere stories live. Discover now