Sii: Chapter 24

262 20 0
                                    

      

HINDI na natigil ang kapatid ni Evoon nang mga oras na iyon akala niya ay may mangyayaring hindi maganda sa kanilang pagpunta sa zoo pero nagkamali siya. Evoon didn’t expected that Julia will be happy like this.

Ipinangpunas niya ang kaniyang dalang goodmorning towel sa mukha at likuran ng kaniyang kapatid dahil naliligo na ito ng pawis. Ang likot naman kasi nito at halos nalibot na nila ang buong zoo island. Kahit siya ay napagod na rin at pinagpapawisan nang malagkit.

Kapag ganito talaga ang kaniyang kapatid ay ewan na lamang niya, paniguradong pagod siguro siya araw-araw at binugbog ng ilang beses ang katawan. Pero natutuwa siya dahil ang madilim niyang mundo noon ay nagkakulay dahil sa kaniyang kapatid hna si Julia. Hindi siguro magbabago ang kanilang mga magulang kapag hindi ito dumating sa kanila.

Akala kaya nila noon ay namatay na ito o nalaglag sa sinapupunan ng kaniyang ina, pero sa awa ng Diyos ay hindi naman. Naagapan si Julia kaya heto at may makulit na siyang kapatid.

“Kuya. Bili mo ko ice cream,” tawag nito sa kaniya nang nagbabantay siya rito sa carrousel. Tuwang-tuwa naman ito talaga habang papunta siya sa pwesto nito.

Tinulungan niyang makababa ang kapatid, ramdam niya ang paghingal na nito nang malalim. Biglang nangunot ang noo ni Evoon dahil doon. May hika ba ang kapatid niya? O,sadyang napagod lang ito ng husto dahil sa kalalaro na nito simula pa kaninang hapon?

Pinaupo niya muna sa bench si Julia saka ito pinunasan ng pawis. Kinarga na muna niya ito at dinala sa kaaniyang kotse para palitan ng damit. Basing-basa na kasi iyon, kailangan na niyang palitan. Mabuti na lamang at malapit lang sa kanilang pwesto ang kaniyang kotse na nakaparada.

“Okay ka lang ba, Princess?” tanong niya rito habang ramdam na rin niya ang pagtaas-baba nito ng balikat at saka ng dibdib.

“K-kuya, 'di ako hinga. . .” reklamo nito habang nababanaag sa boses nito ang paghirap sa pagsalita.

Napamura nang malutong si Evoon sa kaniyang isip habang mabilis na binibihisan ang kaniyang kapatid. “We need to go to the hospital, Princess.”

Nang masiguro niyang nakabihis na ang kaniyang kapatid ay agad siyang sumakay ng sasakyan saka ikinabit dito ang seatbelt. Malapit lang naman ang hospital sa kanilang kinaroroonan mga five minutes ay makararating na rin siya sa hospital.

But what will happen in that five minutes more? Kaya pinaharurot niya ang kaniyang sasakyan, nag-over take siya kahit na delikado. Hanggang sa makarating naman sila sa hospital within three minutes. Nagmadali siyang lumabas ng kotse karga-karga ang kaniyang kapatid na pinapa-relax niya sa mga oras na iyon. Kapag may mangyari sa kapatid niya ay walang ibang sisisihin kun 'di siya.

“Doc! Emergency! Please!” sigaw niya, agad naman siyang sinalubong ng wheelchair ng dalawang nurse kaya agad niya roong pina-upo si Julia. Mabilis silang tumungo ng emergency room.

“Kuya. . .” tawag pa sa kaniya ni Julia habang hindi binibitiwan nito ang kaniyang kamay. Ayaw sana siyang papasukin ng doctor ast mga nurse ay napilitan na rin ang mga ito na papasukin siya.

Mabilis na cheneck-up ng doctor ang kaniyang kapatid. Habang pinagmamasdan iyon ni Evoon ay parang pinipiga ang puso niya. Sising-sisi siya sa nangyari, kung hindi niya kaya dinala ito sa zoo ay hindi ito mangyayari kay Julia?

But he didn’t know about it. Wala siyang ideya na may sakit man ang kapatid niya o kung anoman ang nararamdaman nito. Pero wala siyang ibang sisihin ng mga oras na iyon kundi ang sarili niya.

Nilagyan ng oxygen ang kaniyang kapatid saka dextrose. Awang-awa siya nang umiyak ito nang iturok ang maliit na syringe sa kaliwang kamay nito. This is the first time, and seeing his little sister fighting with that pain make his heart broke into pieces. Sino ba naman ang hindi?

Virgin HuntOnde as histórias ganham vida. Descobre agora