Lumundag siya mula sa itaas ng malaking sanga ng punong balete at swabeng bumagsak siya sa madamong lupa.

"Gagawin? Ano ba dapat na sunod na gagawin ko?"tanong niya sa sarili habang humahakbang palayo sa lugar na yun.

Uhm...magpakilala sa kanya? Tutal naman gusto ka niya pasalamatan ng personal!

Nagkibit siya ng balikat. "Hindi ko pa alam..siguro kailangan muna natin malaman ang background history niya," aniya.

Ei...paano kung may girlfriend na siya?!

Napahinto sa paglalakad si Prinsesa Frenelyn. Natahimik naman ang inner wolf nito.

Naramdaman ng prinsesa ang biglang pagsama ng pakiramdam niya at kirot sa puso niya. Naningkit ang kanyang mga mata.

Napahigpit ang hawak niya sa bitbit na duffle bag.

"Simple lang,wolf...aagawin ko siya mula sa babaeng iyun," mariin niyang saad.

Okay! Kayo ang masusunod!

Huminga siya ng malalim. Ngayon pa lang hindi na niya gusto na may aagaw sa lalaking itinakda sa kanya!

Mang-aagaw man ang magiging papel niya sa mga ito pero ang kanya ay kanya lang!

Nagpatuloy na siya sa paglalakad sa gitna ng kagubatan.

Kailangan niyang paghandaan ang pagkikita nila ni Capt.Callias.

Sooner,my mate!

Hindi niya aakalain na isang tulad din niya ang lalaking itinakda sa kanya. Tinatagurian hero ng buong mundo.

Paniguradong matutuwa ang kanyang ama at ina na ang mate niya ay isa din warrior at fighter.

Bukod dun gwapo din gaya ng kanyang ama.

Nasasabik na tuloy siya na makaharap na ito. Ang tagal na rin ang paghihintay niya rito mula ng ipadala siya rito sa mundo ng mga tao.

Sana nga lang madali lang na matanggap siya nito. Ang kanyang tunay na pagkatao bilang lobo.

Siguro naman,mahal na prinsesa. Isa din siyang tulad mo palaban. Wala yan kinatatakutan!

Sana nga.

Tao pa rin ang mate niya. May kahinaan din ito. Sa pananatili niya sa mundong ito nalaman niya kung anong meron ang mga tao.

Mahina.

Duwag.

Sakim.

May isang bagay lamang na alam niya na gusto niya sa mga ito.

Mapagmahal.

Gaya ng lalaking itinakda sa kanya. May pagmamahal ito sa kapwa at sa bayan sinilangan nito para piliin nito ang ganitong propesyon.

Buong buhay nito itataya para lamang makapagligtas ng mga naapi at nasasaktan.

Malaking puntos iyun upang magustuhan niya agad ang mate niya.

Sana nga lang din magustuhan siya nito at kung ano siya.

Pipiliin ba nito na sumama sa kanya sakali man matanggap siya nito sa pagbabalik niya sa mundong-Colai?

Paano kung maraming what ifs ?

Ipinilig ng prinsesa ang leeg.

Hindi siya dapat mag-isip ng kung ano-ano. Mali yun at hindi niya iyun ugali.

Pero wala naman masama dahil siya yung lalaking itinakda satin,mahal na prinsesa!

Hindi na muna niya iisipin ang mangyayari sa huli at hindi pa naman sila nagkakakilala nito at higit sa lahat hindi siya dapat nega mag-isip.

Parang hinding prinsesa!

Eh bakit ba,hindi ba pwedeng maguluhan kasi ito na ang pinakahinihintay natin?

Kasalanan ito ng mate niya. Nagugulo na amg isip niya ngayon.

Cool lang,mahal na prinsesa!

Yeah,wolf. Ano? Dedma lang muna natin siya?

Hmm,sa ngayon,oo..pero kapag nakaharap mo na siya saka na yan mga angst mo,okay?

Parang hindi siya nakakaramdam ah. Iisa lang tayo,wolf. Remember that!

Yeah,i know,mahal na prinsesa. Nga lang masyado lang malikot at isip mo at ako naman kalmante lang kasi ayoko ng sakit ng ulo.

Eh di ikaw na ang cool.

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now