XLIV - Lahat na Lang

Start from the beginning
                                    

"Uhmmm... Pagkain daw, ate." Mabilis na abot sakin ni Clang ng basket.

Tatalikod na sana ito pero hinawakan ko ang kamay nya para di makaalis.

"Bakit aalis ka na agad?" Nagtataka kong tanong dito. Usually, kasi maingay tong isang to.

"Uhmm... Wala po. Baka po hanapin na ko ni mama ko." Nahihiyang sagot nito.

Shit! Parang alam ko na.

"Crush din nyan si idol, ate!" Pagbubuking ng kapatid ko!

Ayun na nga!!!

Kitang kita naman ang pamumula ng pisnge ng pinsan kong si Clang. Pasulyap sulyap namang ang tingin nito kay Wong!

Ikaw na Wong! Ikaw na talaga!!!

"Hi there!" Bati ni Wong kay Clang. "Ako nga pala si..."

"Kilala kita." Huling sabi ni Clang sabay takbo pauwi sa kanila.

Hindi gaya sa Maynila na dapat nakasara ang pintuan, iba dito sa probinsya. Okay lang iwan nakabukas ang front door.

"Tara na nga! Kumain na tayo!" Aya ko na lang sa dalawa.

Sinundan naman ako ni Wong papunta sa kusina kung nasaan ang dining area namin.

Nilapag ko ang basket sa mesa. Kumuha naman si Wong ng mga plato. Yung ibang kulang ako na lang ang kumuha, karga parin kasi nya ang kapatid ko.

Ako na rin naghain ng pagkain at kumuha ng tubig.

Himala namang bumaba ang kapatid ko kay Wong at biglang nawala.

Naghugas naman kami ng kamay ni Wong.

Naupo ako sa hapagkainan, at tumabi naman sakin ang kasama ko.

Wong being herself, agad syang kumuha ng isang plato at nilagyan ito ng sinangag at ulam tapos inabot sakin.

Sweet parin di ba?

Syempre, ganon din ang gagawin ko. Kumuha ako ng empty plate at nilagay ito sa harap nya. Hinawakan ko ang kuhanan ng kanin para sana lagyan ang plate nya kaso, biglang may sumingit sa pagitan namin.

"Ate, ako maglalagay kay crush kaseeee! Naghugas lang ako kamay po ih!" Angal ng kapatid ko.

Ano pa nga bang magagawa ko? Eh ayan na yung bulinggit, sya na naglagay ng kanin at ulam sa plato ni Wong.

Nakakapagtaka na ang dami ng fried rice na nilagay nito sa plate ni Wong tska ulam.

"Kain na po tayo!" Magiliw na sabi ng maliit.

"Eh asan sayo?" Pagtataka ni Wong.

Parang alam ko na....

"Ano ka ba idol! Susubuan mo syempre ang little princess mo!" Sagot nito ng derecho!

Natawa naman si Wong ng malakas, "Oo nga naman! Ang slow ko don, Ashanti! Hahahaha!"

Wala na syang nagawa kundi subuan ang kapatid ko. Ang di alam ni Wong, malakas kumain tong bunso namin. Ayun, panay ang subo nya kay kapatid, di tuloy sya makakain.

Rinig ko naman ang pag growl ng chan ni Wong. Gutom na rin ang PG.

At dahil busog na ko, "Ashanti, little princess namin, si ate Jema na muna magsusubo sayo ha? Di pa nakaka kain si idol Deanna oh? Gutom na din yan."

Himala namang madaling sumunod ang kapatid ko.

Dali dali namang kumuha ng food nya si Wong at kumain. Ayan na naman ang matakaw! Lol!

Travel Back In TimeWhere stories live. Discover now