Secret Nights - 35

Magsimula sa umpisa
                                    




 Nag stock muna ako ng hangin sa baga ko bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "I was on my way here on Visca when I saw a guy asking for help. Nasa gitna siya ng daan at sobrang dilim pa. Naawa ako that's why I let him come with me. Sabi naman niya ay ibaba ko lang daw siya sa may Baybay.




 "Pero sampung minuto pa lang yata kaming bumibiyahe nang mag-deklara ng holdup ang lalaking isinakay ko. Siyempre nanlaban ako. I was already mad that time tapos may manggagago pa sa akin. Hanggang sa nag-agawan na kami ng manibela. The next thing I knew ay nagdire-diretso na ang sasakyan ko pabulusok sa isang bangin. It was too dark pero nagawa ko pa ring makalabas ng kotse. Mabuti na lang at naka seatbelt ako kaya hindi ako masyadong napuruhan sa impact ng pagbangga ng kotse ko sa isang malaking puno.




 "Pinilit kong gumapang palayo sa kotse ko dahil naaamoy ko na ang tumutulong gas. Saktong pagsabog nang kotse ko ay nabuway ako sa kinatatayuan ko tuloy-tuloy na bumulusok ako pababa ng bangin. I swear I could have died kung hindi lang may mag-asawang nakakita sa akin na sa paanan ng bundok nakatira. They were old couple na dating doctors sa Cebu.




 "Dinala nila ako sa bahay nila at doon ay nilapatan ako ng pang-unang lunas. Good thing is they have all the facility needed in their house dahil doon pala nila inalagaan ang namayapa nilang anak. Critical ang bawat oras kaya they decided na doon na lang ako i-confine sa mismong bahay nila dahil kung iba-biyahe pa ako ay baka raw hindi na ako umabot.      



     

"Nagkaroon ako ng trauma sa utak na nagsisimulang mamaga until my brain can't handle the pressure anymore. Iyon ang naging dahilan kung bakit ako na-coma. Yes, I was comatosed for two years. At sa loob ng dalawang taon ay tanging feeding machine na nakakabit sa katawan ko ang bumubuhay sa akin."




 Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Amber sa kamay ko. "You were comatosed for two years? Bakit hindi ipinahanap ng mag-asawang nakapulot sa 'yo ang family mo? I'm sure they all have the resources to do so."




 "Natakot sila na baka may nagbabanta sa buhay ko. Hindi rin kasi nila alam ang tunay na dahilan kung bakit ako napunta sa paanan bangin na 'yon malapit sa bahay nila. Besides, they were also thinking na baka ako daw ang dasal sa mga panalangin nila. Matagal na pala silang nananalangin na sana ay may pumalit sa nag-iisa nilang anak na si Jun. I know it was selfishness on their part pero naiintindihan ko sila."




 "Pero ikaw, bakit hindi ka agad nagpakita ulit sa pamilya mo nang magising ka na?" tanong ulit ni Amber.




 Marahang hinaplos ko ang buhok ni Amber at saka muling ibinalik ang tingin sa payapang dagat.




 "Nang magising ako mula sa coma, nag suffer naman ako sa post traumatic amnesia na isa raw sa nagiging epekto ng matagal na pagkaka-comatose. Few weeks after I woke up from that bed, sinimulan agad ng mag-asawa ang physical rehabilitation ko at cognitive therapy. They were happy with my progress on physical recovery. Pero ganoon pa man ay wala pa rin akong maalala.




"Hanggang sa isang araw, hindi sinasadyang may nakita akong local tabloid sa may cafeteria. It has your face on the front cover saying that you bought a worth five-hundred thousand necklace for a cause. Ilang minuto ko ring pinagmasdan ang larawan mo. At parang 'yon ang nag-trigger para muling magsulputan sa isip ko ang mga alaalang matagal na panahon ding nawala sa utak ko. Until I remembered everything."




 Biglang nagtama ang mga mata namin ni Amber. Nakita kong parang maluluha na naman siya. "I didn't know na grabe pala ang pinagdaanan mo, Zeke."




 Mapait na ngumiti ako sa kanya. "Kung talagang namatay ako, mami-miss kita."




 "But you didn't. Ngayong alam ko nang buhay ka, dapat lang na magpakita ka na rin sa parents mo, Zeke. Pati kay Zach. I'm sure they missed you a lot."




Malungkot na umiling ako sa kanya. "I can't, Amber."




 Naguguluhang tumingin siya sa akin. Naghahanap ng kasagutan sa tanong na alam kong naglalaro sa utak niya.




 "But why?" nahihirapang tanong niya sa akin.




 Lumunok muna ako bago sumagot sa tanong niyang iyon. "Because I don't want them to see me die twice, Amber."

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon