Dalawang taon na ang nakakalipas pero hindi pa rin namin nakikita ang bunso naming kapatid na si Macey. Walang nakakaalam kung anong nangyari sa kanya kahit inilapit na namin 'yon sa mga pulis na kakilala ni Azen.

Napabuntong hininga si Max, "Kung kailan namang nabigyan kayo ng hustisya sa pagkamatay n'yo, si Macey naman po ang nawawala hanggang ngayon." Aniya.

Ilang buwan na kasi ang nakakalipas nang tuluyan kaming matulungan ni Azen sa kaso ng mga magulang namin. Nabigyan niya ng hustisya ang pagkamatay nina Mama at Papa kahit pa naudlot ang kasal niya kay Macey.

Bilang kabayaran sa mga pangyayari tumutulong kami sa paghahanap sa kapatid namin. "Max, ang mabuti pa mauna na tayo." Anyaya ko dahilan para tumango siya. Nilisan namin ang sementeryo nang may lungkot sa mga mukha namin. Nagdadasal kami na sana mahanap na namin si Macey.

Nang bigla akong mapahinto sa paglalakad. "Bakit?" Tanong ni Max.

"Bigla lang sumagi sa isip ko, hindi pa natin nasasabi kay Azen na alam na ni Macey noon ang totoo niyang pagkatao bago pa man mawala si Macey. Minsan naiisip ko lang na baka sinadya ni Macey na 'di matuloy ang pagpapakasal niya kay Azen dahil ayaw niya rito."

Napaisip si Max sa sinabi ko. "Maaaring may point ka pero sino naman ang tutulong sa kapatid natin? Nasaan siya? Bakit 'di niya magawang magpakita kahit sa ating dalawa lang?" Napabuntong hininga siya. "Umaasa akong buhay pa ang kapatid natin." Inakbayan ko siya at tinapik-tapik.

Patuloy kaming naglakad palayo hanggang sa man laki ang mga mata namin dahil may hindi kami inaasahang makita rito. "Kuya Ming... kuya Max...?" Aniya. Gulat niyang tinanggal ang sanglass niya. Magara ang kasuotan niya at may isang lalaki siyang kasama bitbit ang isang taong gulang na bata.

Nung una ay hindi pa kami makapaniwala. Hanggang sa si Macey na mismo ang kusang yumakap sa aming dalawa ni Max habang umiiyak. "Kuya Ming, kuya Max, na miss ko kayo." Sabi niya.

At dahil gulat at naguguluhan pa kaming dalawang ni Max, maya-maya pa natauhan na kami kung kaya't nagkayakapan kaming magkakapatid, "Macey, dininig ng Diyos ang dasal namin. Buhay ka!"

Pero muli kaming napatitig sa lalaking kasama niya. "I'm sorry. Kuya Ming, kuya Max, si Darius nga po pala, pinsan ni Malou." Pagpapakila niya.

Mabilis namang nakipagshake hands si Darius sa amin pero hindi namin siya pinansin, "Macey, siya ba ang batang dinadala mo noon?" Pag-iiba ni Max sa usapan kaya naibaba naman ni Darius ang kamay niya. Napatingin lang kami sa bitbit niyang bata.

"A-Anak po namin ni Azen." Nakayuko niyang sabi. Napatitig naman kami sa bata.

"Oo na sana'y magiging anak ni Azen kay Dorothy, 'yong totoong girlfriend ni Azen bago ka."

Naguguluhan at nagulat siya sa ibinulgar ni Max. "Anong kahibangan ang sinasabi mo Kuya Max?"

"Ang mabuti pa, 'wag tayo dito mag-usap." Aniko.

"Kuya Ming, Kuya Max, hindi ko alam ang sinasabi n'yo pero hindi ako makakapayag na ilayo n'yo sa akin ang anak ko."

"Macey, hindi namin ilalayo sa 'yo ang bata. Doon nalang tayo sa bahay mag-usap."

"Pero kung sa bahay 'yan nila Azen hindi kami susunod."

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Where stories live. Discover now