Kabanata 57.

13.7K 328 104
                                    

NATALIE

TULALA ako nang magkamalay. Sumagi muli sa 'king isipan ang bawat katagang sinabi ni Madam Hilga.

"Ang asawa ko." Doon lang bumalik ang pag iisip ko nang maalala si David. Pumasok naman si Madam Hilga sa kwarto at may dala dala itong isang tray.

"Gising kana pala hija. Kumain ka muna."

"Si David po ba gising na?" Kinakabahang tanong ko. Hindi ito sumagot at inilapag ang hawak na tray.

"Madam titignan ko muna ang asawa ko."

"Natalie. Hindi magugustuhan ng Lord kapag nakita ka n'yang nagkakaganyan. Unti unti mo ng napapabayaan ang kalusugan mo dahil hindi ka kumakain sa tamang oras."

"Hindi ko kaya Madam Hilga. Hindi ko kayang kumain habang iniisip ko ang asawa ko."

Lumapit ito sa akin at naupo sa tabi ko. Hinawakan n'ya ang mga kamay ko at tumingin sa 'king mga mata.

"Natalie, tibayan mo ang loob mo. Maraming posibleng mangyare at dapat ay palagi kang handa."

"Mangyare? Hindi ko kayang mawala sa 'kin si David. Unti unti s'yang kinukuha sa 'kin ni Veronica!" Hindi ko na kinaya at muling umagos ang mga luha ko.

Wala na nga si Veronica pero bakit patuloy ang kanyang sumpa? Bakit inaako lahat ni David ang kamatayang sa akin naman dapat? Hindi ko kayang mawala s'ya. Baka ikabaliw ko ito.

Matapos naming mag usap ni Madam ay kumain na ako. Pinilit ko kahit na mapait ang panlasa ko. Lumabas ito para silipin ang anak ko. Kailangan kong maging malakas. Kailangan kong tatagan ang sarili para sa pamilya ko.

Tumayo na ako at pinahid ang dumi sa 'king bibig ng puting tela. Lumabas na ako ng silid at sumilip sa kabila nakita ko si Madam na nilalaro si Talia. Iniwan ko na muna sila dahil gusto kong makita si David.

Humakbang na ako at gumawi sa silid kung saan s'ya nagpapahinga. Pag bukas ko ng pinto ay nakahiga lang ito sa kama na mukhang mahimbing na natutulog. Anong gagawin ko? Hindi ko na alam kung paano makakaligtas ang asawa ko sa sumpa.

Naupo ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdan s'ya. Ang putla ng kanyang balat at mas pumayat ang pangangatawan. Ibang ibang David na malakas at masigla noon.

Kinuha ko ang gunting sa gilid ng mesa at naisipang sugatan ang sarili. Matapos no'n ay ipinatak ko ang dugo sa kanyang bibig upang makakain s'ya. Nagtataka ako kung bakit hindi nanunumbalik ang kanyang lakas sa 'king dugo.

"David magpalakas ka." Kinausap ko ito. Idinilat niya ang mga mata at tumingin sa 'kin. Pinahid n'ya ang ilang butil ng dugo at hinawakan ang kamay ko.

"Y-you don't have to do this Nathalie." Sa bawat pag bitiw nito ng salita'y parang karayum naman ang tumutusok sa 'king puso.

Ilang araw matapos ang kaganapang iyon. Minabuti kong dalhin sa ospital si David dahil sa dehydration. Nanunuyot ang kanyang balat dahil sa patuloy na pag-reject ng aking dugo. Marahil ay tama ang kutob namin. Isa na nga talaga s'yang normal na tao.

Inaayos ko ang mga bulaklak na pinamili sa isang vase. Nasa private room kami at maaliwalas ang silid n'ya. Tulog naman si David habang naka swero. Inayos ko na rin ang unan sa gilid nito.

Maya maya lang ay pumasok na ang isang doctor. Kaagad ko naman itong sinalubong at nag salita s'ya.

"Bukas po ang laboratory test ng asawa n'yo. You have to sign this waver para maisagawa na namin ang mga test." Binasa ko ng maigi ang papel at wala naman akong nakita problema. Kung ito ang solusyon sa pag galing ni David ay gagawin ko ang lahat.

Umalis na rin kaagad ang doctor kaya't tumawag ako sa mansyon para kamustahin kay Madam Hilga si Talia. Maayos naman ang lagay ng anak namin ni David sa pangangalaga ng matanda.

Sumapit ang gabing hindi ako makatulog. Katatapos lang i check ng nurse ang dripping ng dextrose ni David. Bukas ay sasailalim na s'ya sa mga exams para matukoy kung ano talaga ang sakit niya.

Matapos umalis ng nurse ay lumapit ako sa asawa ko. Pinagmasdan ko ang malaking pagbabago ng kanyang katawan. Malaki ang kanyang pinayat.

"Misis hwag kayong mabibigla." Kaagad akong kinausap ng doctor pagkatapos ng mga exams kay David.

"He's suffering from cancer which we called Bronchial Adenoma. Malakas po bang manigarilyo ang asawa n'yo? Naapektuhan ang lungs n'ya at naging sanhi ng cancer."

Tulala ako hanggang sa umalis na ang doctor. Pagkatapos n'yang ipaliwanag ang lahat sa akin. Nakamamatay ang sakit ni David at iilan lamang ang nakakaligtas sa Lung Cancer. Ito na ba ang parusa ni Veronica? Bakit? Bakit si David pa?

"Nathalie where have you been? Kanina pa kita hinahanap." Mahinahon ang boses ni David.

"Bumili lang ako ng mga pagkain mo."

"I don't need them. Ano bang tingin mo sa 'kin? Alam mong imortal ako."

"David." Kaagad kong inilapag ang mga supot sa mesa.

"David hindi mo kailangang gawin ito. Asawa mo ako. Hindi mo kailangang mag panggap na okay ka kahit na hindi." Nagulat ito sa binitiwan kong salita. Ayoko ng makipag lokohan. Ayokong lokohin at paniwalain ang sariling ayos lang ang asawa ko.

Saglit itong natahimik at tumingin sa kisame. Humiga naman ako sa tabi n'ya at niyakap siya ng mahigpit.

"Nandito ako. Hindi tayo susuko. Hindi kita pababayaan." Lahat ay gagawin ko maisalba lang ang buhay ni David. Hindi kami masisira ng dahil lamang sa sumpa ni Veronica.

"I'm sorry." Aniya.

"Walang dapat humingi ng patawad. Gagaling ka. David nag hihintay si Talia." Tumingin ako sa mga mata nitong nag liwanag nang banggitin ko ang pangalan ng anak namin. Namumutla ang mga labi niya at nangingitim ang ibaba ng mata nito dahil sa kulang palagi sa tulog.

"Kaya magpagaling ka. Hindi ang sakit na 'to ang maghihiwalay sa 'tin David. Hindi ang sumpa ni Veronica."

Hinawakan ko ang kanyang mukha. Ginantihan n'ya ako ng ngiti at pilit na iniangat ang kamay para mahawakan ang mukha ko. Ipinikit ko ang aking mga mata para damahin ang palad n'ya. Mainit ang palad ni David. Mainit at normal iyon para sa mga taong kagaya ko.

Inilapat n'ya ang kanyang mga labi sa 'kin. Halik na punong puno ng pagmamahal at pag asa.

ITUTULOY...



The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now