Kabanata 37.

9.9K 338 23
                                    


"Demon Hunter"

Nanlaki ang mga mata ko sa binitawan niyang salita. Kung gayu'y nasa panganib ang buhay namin ng anak ko dahil isa akong bampira.





"Please don't kill me. I'm pregnant." Pagmamakaawa ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko. Hindi kasi ganoon kalakihan ang aking tiyan at pwede mo pang itago na buntis ka dahil hindi naman ako katabaan.





"You're pregnant huh?" Napaisip ito saglit. Maya maya'y ibinaba niya ang baril ngunit hawak parin nito ang braso ko.






"Sasama ka sakin." Sabi nito.






"Hindi!" Agarang sagot ko. Napalingon agad ako sa paligid pinakiramdaman ang sariling presensiya ng asawa ko ngunit wala ito. Wala akong maramdaman.






"Are you waiting for someone?" Kunot noong tanong nito. Napaatras ang aking dila. Hindi niya maaaring malaman na may kasama ako dahil tiyak na papatayin niya si David. Si David ay half Vampire at half Demon, malaki ang tsansa na pag interesan niya ito gayong wala namang ipinanganak na demonyong bampira maliban na lamang kay David.






Umuling agad ako. Kailangan kong magpakatatag para sa pamilya ko lalong lalo na sa batang nasa sinapupunan ko. Hindi pa nanunumbalik ang aking lakas dahil kailangan ko ng dugo. Kailangan ng anak ko ng dugo. Walang sabi sabing hinila niya ako at naglakad na kami. Madamo at madahon ang paligid. Nagsisitaasan ang mga puno at sumasayaw ang mga ito sa hangin.






Kinabitan niya ako ng muzzle sa bibig gaya ng kay David. Ipinosas rin niya ako kaya't hindi ako makalaban. Hindi ako maaaring lumaban dahil bala ang katapat ko. Bala lang naman na baka ikamatay ko dahil nagdadalang tao ako.






"Get in." Pinapasok niya ako agad sa itim niyang sasakyan. Mamahalin ito hindi basta basta. Walang sali-salitang sinunod ko siya. Pagpasok niya ng sasakya'y walang imik itong nagmaneho. Hindi kami nag uusap at nakatingin lamang ako sa bintana. Alam kong malalaman ni David kung nasan ako dahil iniwan ko ang singsing namin. Maaamoy niya kung nasan ako. Malakas ang tiwala ko sa asawa ko.






"Simon Riche." Sabi niya. Nangunot noo naman akong napalingon sakanya.






"I'm Simon."






"And you are?" Seryosong tanong niya sakin habang nakatingin lamang sa kalsada. Hindi ko alam kung sasagot ba ako? Pero kapag hindi baka hindi siya magdalawang isip na patayin ako.







"Natalie, Natalie Lionhart." Sabi ko. Napatango naman ito at seryoso muli ang mukha. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Tinandaan ko ang lugar at amoy ng paligid para sa aking pag takas. Kailangan kong mag ingat para saking anak. Naramdaman kong nag inet ang aking tiyan na tila malapit lamang ang ama nito. Napalingon muli ako sa labas ngunit walang David. Napaisip ako kung ano bang pinaplano ng asawa ko.






Umabot ng tatlo hanggang anim na oras ang biyahe. Hindi ko namalayang halos makatulog na ako ng huminto ang sasakyan.






"We're here." Sabi nito at nauna ng bumaba. Nanlaki ang mga mata ko ng huminto ito sa isang napakalaking mansion. Pagbukas ko ng pinto'y sunod sunod na baril ang tumutok sakin galing sa mga armadong lalaki.






"Gun down." Mautoridad na utos si Simon. Sinunod naman ito ng mga nakaitim na lalaki at yumuko sakanya.






Isang magandang babae ang sumalubong samin. Napakunot noo ito ng makita ako ngunit nagbago din ang ekpresiyon ng makita si Simon.






"Maligayang pagbabalik young master." Nakaluhod ito. Dinaanan lamang siya ni Simon at hinila na ako nito. Maraming mga mata ang nakatitig sakin ng matalim. Mga mata na parang papatayin ako. Sinamaan ko rin sila ng tingin at napahawak ako saking sinapupunan. Subukan lang nila akong saktan, uubusin ko ang lahi nila.






"It's okay they won't hurt you." Sabi nito ng mapansing nanlilisik ang aking mga mata sa mga taong nakapaligid sakin. Iba na ang mundo ko ngayon. Iba ang tingin ng mga taong to sa mga bampirang tulad namin. Hindi na muli tong nagsalita ng hilahin lang ako papunta sa isang silid. Pagpasok sa silid ay hinila niya ako hanggang sa makapunta kami sa kama. Kaagad niyang tinanggal ang posas ngunit may mga chain doon at yun ang ikinabit niya sa kanang paa ko.






Hindi na ako umimik at nanahimik nalang habang siya'y napatitig sakin. Hindi ko siya dinapuan ng kahit anong tingin ng maramdaman kong hinawakan niya ang ilang hibla ng aking buhok.






"Anong ginagawa mo?" Pataray na tanong ko para matauhan siya. Ngunit hindi, imbis na matauha'y hindi siya tumigil at hinaplos ang aking pisnge.






"Have we met before?" Tanong niya. Sa totoo lang ay yun din ang gusto kong itanong dahil sa parang nakita ko na ang mga kulay abo na mata na yun. Ang matatapang na mga mata na yun pero saan? Hindi ko alam kung saan.






"No." Inis at walang kabuhay buhay na sagot ko. Napatango naman ito at sinuklay ang buhok gamit ang kamay tsaka inihilamos ang dalawang kamay sa mukha na parang may gumagamabala sakanya.






"I have to go." Malamig at tipid na sabi nito. Hindi na ako nagsalita ng lumabas ito ng silid. Tumulo ang aking mga luha. Hindi ko alam kung bakit? Bakit ako umiiyak? 






Napahiga ako sa malambot at malaking kama. Hindi ko alam kung bakit parang may gumagambala din sakin. Nakilala ko na ba ang lalaking yun? Saan naman? Hindi ko alam pero yung puso ko parang nakikilala siya. Naguguluhan ako.






Hinawakan ko ang aking tiyan at kinausap ang batang naroon.






"Anak kapit ka lang ha ililigtas tayo ng ama mo. Hindi ako susuko anak wag kang mag alala poprotektahan kita. Nakaramdam nako ng pagkalam ng sikmura. Kailangan ko na ng dugo ni David. Kailangan ko ng makainom dahil buntis ako.






Ilang saglit pa ang lumipas ay bumukas mi ang malaking pinto. Napabalikwas ako ng upo ng makitang pumasok muli si Simon. Naka pangtulog na ito.






"A-anong ginagawa mo rito?"






"Well this is my room." Walang emosyong sabi niya.






"Anong ibig sabihin nito! Lumabas ka kung ayaw mong patayin kita!" Sigaw ko sakanya.






"Kill me if you can." Nakangising sabi nito tsaka namula ng tuluyan ang mga mata. Napahawak ako saking bibig sa labis na pagkagulat. Yung mga matang yun. Yung mga matang yun na tanging si David lang ang mayroon.






Demonyo?






Isa siyang....






Demonyo.







Itutuloy...

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now