Kabanata 19.

14.3K 444 18
                                    


Pinalabas muna ako saglit ni David dahil may importante silang pag uusapan ni Derek. Pati si Shannon ay pinalabas rin dahil gusto ng dalawang mag usap ng sila lamang. Nag aantay kami sa labas mismo. Nakaupo siya sa sofa habang ako'y nasa tabi lamang ng pader at nakatayo.





"Maupo ka kaya, hindi naman ako nangangagat wag kang mag alala." Ngiting sabi nito sakin. Malaki kasi ang sofa at kasiya ang apat hanggang anim na tao. Napangiti nalang ako at naupo narin malapit sakanya.





Tahimik lamang ang buong paligid ng basagin niya ito. "Saan kayo nagkakilala ni David?" Unang tanong niya. Natigilan ako sandali dahil sa totoo lamang ay hindi ko alam kung papaano ito sasagutin. Nagpapanggap nga kami ni David bilang mag asawa ngunit ni minsa'y hindi namin pinagplanuhan ang isasagot kung sakaling may magtanong.





"Are you hiding something?" Naniningkit na ang mga mata nito na tila kinukutuban.





"Huh? Ahm ano, ahm ano kasi-" Uutal utal na ako ng putulin niya ang sasabihin ko.





"I know everything Natalie. Alam kong hindi kayo kasal ni David at isa ka lang sa mga koleksiyon niya." Seryosong sabi nito.





"A-anong ibig mong sabihin?" Tinatagan ko ang loob ko. Hindi kami maaaring mabuko ni David dahil alam kong maaapektuhan ito.





"Natalie wag kang mag tago. Hindi mo kayang mag tago sakin. I know Natalie na hindi kayo kasal at ang lahat ng to ay plano lamang ni David." Sabi niya. Humarap na siya sakin.





"Shannon alam mo hindi talaga kita maintindihan eh, sige na ah maiwan na muna kita." Akmang tatayo na ako ng hilahin niya ang braso ko kaya't napaupo muli ako.





"Hindi pa ako tapos Natalie. I want to confirm something. Hindi mo kailangan matakot just, just tell me." Sabi nito at pinakatitigan ako sa mata. Mata sa mata at walang kurap kurap.





"Hindi ko talaga alam ang sinasabi mo Shannon. Bitawan mo na ako. Wala kang mapapala sakin." Sabi ko rito. Binitawan naman niya agad ako pero hindi siya tumigil.





"Hindi mo alam ang pinasok mo Natalie. Ikaw ang pumasok sa sitwasyong ito. Ni hindi mo naisip kung ano ang pwede mong sapitin sa mga kamay ni David. You don't know him well." Seryosong saad nito. Napakagat labi ako. Alam ko ang sinasabi niya at kilala ko ang totoong kulay ni David. Oo brutal si David alam ko na yon. Ano paba ang hindi ko nalalaman?





"Mas mabuti pa siguro wag na natin pag usapan. Hindi makakabuti para satin ito." Sabi ko.





"David is not what you think. He's dangerous. Any moment, any time He can kill you with his bare hands." Tumayo na ako sa sinabi niya. Hindi ko na ata nagugustuhan ang talas ng pananalita niya.




"Tinatakot mo ba ako?" Seryoso kong tanong dito. Tumayo narin siya at hinarap ako.




"Hindi. Paano kita tatakutin kung nagsasabi lang ako ng totoo?"





"Alam mo Shannon kung ayaw mo sakin maiintindihan ko pa eh. Pwede naman akong umiwas, wag lang tayo magpunta sa puntong pupwede tayong magsakitan." Seryoso at may bahid na ng inis na pagkakasabi ko sakanya. Napatawa siya ng mahina at nabastos ako sa biglang reaksiyon nito.





"Oh my God Natalie, hindi ko alam na ganyan ka pala mag isip? Hindi ko alam na yan pala ang iniisip mo sakin. I'm here as a concern individual. Pero kung ganyan ang takbo ng isip mo wala na akong magagawa dun." Sabi nito.





"Bakit hindi mo nalang kasi tapatin? Yung wala ng paligoy ligoy. Sabihin mo sakin ano ba ang alam mo?" Hamon ko sakanya.





"Marami Natalie, marami. At kung ako sayo, mas mabuti na hindi mo pa malaman dahil baka hindi mo kayanin kapag nalaman mo." Pagkasabi nito'y bigla namang bumukas ang pinto. Tapos na ata silang mag usap. Si Derek lang ang lumabas at nakakunot noo ito.





"Let's go Shannon." Inis na sabi nito at nauna ng umalis. Si Shannon ay nag tataka at patakbong sumunod nalang dito.





Napatakbo naman ako papasok ng opisina. Nakita ko si David na mukhang namomroblema. Nakatanaw lang ito sa bintana habang may sigarilyo muli sa kanyang bibig. Hindi ko alam kung ano ang nangyare pero sigurado akong may problema itong kinakaharap.





_____

2 hours earlier :

"Spill." Seryosong sabi ni David sa kapatid.




"Gustong pakawalan ng lolo si Veronica." Napatayo si David sa kanyang de gulong na upuan.





"Anong sinasabi mo Derek. Don't you dare to say something that I don't like." Banta nito sa kapatid.





"I know your plan. Hindi kayo kasal ng babae mo." Walang modong sabi nito.





"What did you say!" tumingkad ang pamumula ng mga mata ni David.





"Control your anger. Dahil yan ang makakapag bagsak sayo." Sabi ni Derek.





"Ilang taon naba? Ilang taon mo ng kinulong si Veronica?" Tanong ng kapatid.





"You don't fucking care!"





"Don't be selfish David! Answer me."





"10 years I don't know the exact date." Sabi nito.





"Release her now. Alam mong siya ang dapat pakasalan mo."





"NO!"





"Wag mong antaying mapahamak pa si Natalie dahil sa kasakiman mo. Alam mong hindi siya nararapat sayo at kahit kailan, hindi siya matatanggap ng lahi natin."





Natahimik lamang ang binata.





Si Veronica ang babaeng ikinulong ni David sa matagal na panahon mismo sa ilalim ng kanyang kwarto. Ang babaeng kinasusuklaman nito.






"Leave. I don't want to see you here. Leave!" Pagpapalayas niya sa kapatid. Gulong gulo na siya. Bakit hindi siya makatakas sa katotohanan. Veronica was his mate. Kaya't lahat ng babaeng lalapit sa binata'y mamamatay lamang. Because of the curse. Ang sumpa na ipinataw sakanya ng mga magulang ni Veronica ng tanggihan niya itong pakasalan.






Ilang taon na nga ba ang lumipas? Sinong makakapag sabi na malalaman at malalaman padin nila na binihag niya si Veronica at matagal na ibinilanggo. Binalak ni David na ibilanggo ito hanggang sa mamatay. Pero hanggang ngayo'y matibay ang dalaga.






Ano nga ba ang gagawin ni David? Ayaw niyang mapahamak ang babaeng mahal niya na si Natalie at ang pamilya nito. Ngayon ay problemado siya sa huling kahilingan ng Great Grand Father nila na pakasalan si Veronica ang babaeng matagal ng naging pasakit at hadlang sa buhay niya.


Itutuloy...

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now