Kabanata 47.

8.7K 283 29
                                    


Natalie:

"Hija ayos ka lang? Sabi ko naman sayo kami na ang mag aayos nitong mga pinggan." Sabi sakin ni Madam Hilga.







"Nasugatan ka tuloy. Tiyak na magagalit si Lord nito kapag nalaman." Sabi pa nito.







Umaga palang kasi at kanina pa nasa opisina ang asawa ko. Ayoko namang istorbohin ito dahil marami siyang ginagawa. Naalala ko nalang kaninang umaga ang nangyare. Nangyare ng matapos ko painumin ng dugo si Talia. Bakit hindi ko naramdaman ang presensiya ni Talira? Napaisip ako dahil bigla nalang humina at naging normal ang pakiramdam ko. Pati ang matalas na pang amoy at paningin ay biglang nawala.




Napaupo ako saglit sa silya matapos kong hugasan ang sugat saking kamay. Abala naman si Madam Hilga sa pagpupulot at paglinis ng mga bubog sa sahig. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng panghihina gayong alam kong hindi ako normal na tao.







"Talira sumaglit ka nga muna dito at tulungan mo akong maglinis." Sabi ni Madam.







"Hija magpahinga ka muna. Ako na muna ang mag aalaga kay Talia. Namumutla ka mukhang may sakit ka." Sabi nito.







Kaagad namang dumating si Talira. Balisa ito ng makita ako. Kumabog ang dibdib ko. Alam na alam ko ang titig na yon. Yan ang titig ng gutom at uhaw sa dugo. Bampira?







"Talira ano pang ginagawa mo riyan? Bakit ganyan ka makatitig? Hindi mo ba ako tutulungan dito?" Inis na saad ni Madam. Napakunot noo na ako ng hindi man lang ito pinansin ni Talira at nanlisik bigla ang mga mata saakin. Tumayo ako, alam kong may hindi magandang mangyayare. Kinutuban na ako.







Kinutuban na ako dahil hindi, hindi ito tao.







"Talira umayos ka! Anong klaseng titig yan? Hindi mo ba alam na amo mo si Ms. Natalie!" Napansin kasi ito ni Madam kaya't napagalitan si Talira.







"Sandali Madam, ako ng bahala." Saad ko. Lumapit ako kay Talira ng sakmalin ako nito mabuti na lamang at nahawakan ko ang hawak hawak niyang walis at iniharang ko sa pagitan namin. Napakalakas niya. Sobrang lakas nito. Pero bakit niya ako inatake? Nanghihina ako. Hindi ko kaya ang lakas niya. Kaagad niya akong inihagis sa may bintana kaya't nabubog ang ilang parte ng aking katawan ng mabasag ito.







"Diyos ko! Tatawagan ko na si Lord. Isa kang halimaw Talira!" Nataranta si Madam at madaling dinial ang telepono ng bigla biglang humangin ng malakas.







Hindi nag reresponde si Talira at para niya akong papatayin dahil sa talas ng kanyang mga titig. Nagkalat ang dugo ko sa sahig dahil sa mga sugat ko. Napadaing ako sa sakit. Hindi normal ito dahil kusa dapat na naghihilom ang mga sugat ko. Ngunit bakit? Anong nangyayare sa katawan ko?







Pagapang akong lumayo kay Talira habang papalapit ito sakin. Nagulat ako ng may inaamoy-amoy pa ito sa hangin na parang nalalanghap ang sariwa kong dugo.







"Yung dugo mo! Yung dugo mo!" Nagsisisigaw ito at patakbong papunta sakin. Napapikit ako ng bigla nalang kumalabog ng napakalakas at napasigaw si Madam.







Pagbukas ko ng aking mga mata'y kitang kita ko si Talira na nasa ere at sakal sakal ito ni David. Si David na isa nanamang demonyo. Kulay dugo amg mga mata nito at nanlilisik na nakatitig kay Talira. Naubo pa si Talira na halos malagutan na ng hininga sa pagkakasakal sakanya ni David.






"Sino ka?" Isang malalim na boses ito na nanggagaling kay David.







"Sino ka!" Sigaw nito kay Talira at hindi siya nagdalawang isip na ibalibag ito sa sahig.







"Sinong nag bigay ng pahintulot sayong saktan ang asawa ko! Sino!" Nagulat ako ng humaba ang mga kuko ni David at papunta ito sa gawi ni Talira na nakahawak sa kanyang leeg dahil sa pagkakasakal kanina ng asawa ko.








Pagapang itong lumayo kay David. Ang mga mata ni Talira'y nagbalik sa normal.







"David tama na. Hindi niya alam ang ginagawa niya kanina." Pigil ko sa asawa ko ngunit na binge na ito at nang gagalaiti na sa galit kay Talira.







"Ahhhh! Maawa kayo nasasaktan ako! Hindi ko alam ang nangyare. Nandilim lang ang paningin ko." Sabi ni Talira ng sabunutan siya ng malakas ni David.







"Maawa? Hindi ako marunon maawa." Sabi ni David. Hindi na ito mapigilan. Hindi na nakikinig. Isang demonyo nanaman ito na may mahabang sungay. Kulang na lang ay patayin niya si Talira sa talas ng kanyang tingin.







Pinilit kong tumayo at lumapit sakanila ng pigilan ako ni Madam.







"Wag. Wala kang magagawa. Gising na ang demonyo." Sabi nito sakin.







Itutuloy...

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now