Kabanata 33.

11.5K 400 26
                                    


"Are you ready?" Pag aalalang tanong saakin ni David. Kasalukuyan na kaming nasa biyahe at nahalata nito ang pangangamba ko. Paano na lang ang sasabihin ng Ina gayung si David ang ama ng pinagbubuntis ko. At lalo na kapag nalaman nitong hindi normal ang kalagayan ko ngayon.







Bumuntong hininga ako bago hawakan ang malamig na kamay ni David. His cold pale bluewish skin. Hinigpitan ko ang pagkakakapit rito na parang ayoko ng matapos. Napangiti naman siya sakin ng tumango ako at muli ng itinuon ang tingin sa daanan.







Ngunit sakabila ng lahat alam kong may itinatago sakin si David. Nangangamba ako dahil ang mga mata nito'y alerto sa daanan na para bang pinakikiramdaman ang paligid. Meron bang nagmamasid samin? Para kasing hindi mapakali si David.







"David ayos ka lang ba?" Tanong ko dahil nakakunot ang noo nito. Bakas sa mga mata ang pag aalala. Hinigpitan niya ang pagkakahawak saking kamay habang ang isang kamay ay nakatuon sa manibela.







"I'm okay Honey." Ngumiti ito sakin. Nag kibit balikat nalang ako at itinuon ang paningin sa daanan. Napahikab pa ako sa layo ng biyahe at nakaramdam ng antok. Hindi naman kasi ako gaanong nakatulog kagabi dahil panay na ang pananakit ng aking tiyan. Oonga pala limang buwan na ang laki ng aking tiyan at maliit parin ang bukol nito dahil sa balangkinitan kong pangangatawan. Nagsuot lamang ako ng isang maluwag na bestida at hindi mo mahahalata na buntis ako sa liit ng katawan ko.







"You can sleep if you like." Sabi ni David habang seryoso ang paningin sa daan. Hinalikan ko naman siya sa pisnge at inihilig ang ulo ko sa bintana bago pumikit at umidlip.







Ilang sandali pa lang ay ginising na ako ni David. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at kuryosidad dahil hindi naman ito ang papunta sa Villa.







"Uhhmm David asan tayo?" Tanong ko habang umuunat pa ako. Naglabas ito ng pulang tela at piniringan ako.







"David?" Takang tanong ko.







"Shhhh I'll show you something before we go." Sabi nito at dahan dahan akong inalalayan palabas ng sasakyan. Humampas sa balat ko ang napakalamig na hangin at naramdaman kong nasa simbahan ako. Pano ko nasabi? Nangangamoy sampaguita ang daanan at rinig na rinig ko ang kampana.







Naglakad pa kami ng naglakad hanggang sa makapasok sa loob. Nag eecho ang bawat yapak ng aking mga paa dahil sa laki ng lugar na to. Maya maya'y tinanggal na nga ni David ang piring ko sa mga mata at napahawak ako saking bibig ng dinala niya pala ako sa Cathedral Church. Isang napakalaki at lumang simbahan ngunit napakaganda at elegante.







"David ano to?" Halos maiyak ako na may halong tuwa ng lumuhod siya sa harapan ko.







"Marry me Natalie." Tumango ako dahil hindi na ako makapagsalita sa sobrang saya at kaba. Halo halo na ang nararamdaman ko. May isang pari ang nag hihintay sa pinakagitna ng simbahan ay sabay kaming naglakad ni David papunta roon.







Nagsimula ang lahat ng pangarap ko.





Priest:

Natalie, Do you take David as your lawful Husband, to have and to hold, from this day forward, for better or worse, for richer or poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?


Huminga ako ng malalim at nakangiting tumingin kay David at nagsalita. "Yes Father"

Priest:

David , Do you take Natalie as your lovable Wife, to have and to hold, from this day forward, for better or worse, for richer or poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?







Magkatinginan lamang kaming dalawa at nakangiti sa isa't isa.






"Yes I do." Dahan dahang sabi ni David habang nakatingin sakin. Tumulo ang mga luha ko sa saya ng mga oras na yon. Kahit walang saksi at tanging ang pari lamang ang saksi sa pag iisang dibdib nami'y masaya na ako. Marami mang pag subok at hadlang pa sa ngayo'y masaya ako dahil narito kami ngayon ni David at magkasamang nakatuntong sa harapan ng Diyos at nag iisang dibdib.







"Now I'll pronounce you husband and wife. You may kiss the bride." Masayang sabi ng pari. Wala mang kahit ano ano'y hinalikan ako ni David na may ngiti sa mga labi. Pagkatapos ng kasal ay may pinirmahan kami na magpapatatag saming samahan bilang mag asawa.







Binuhat ako ni David na parang prinsesa palabas ng simbahan. Nagliparan ang mga uwak na para bang nakikisaya saming dalawa. May ngiti saming mga labi hanggang sa makapasok na kami sa sasakyan.







"I'm sorry I have to marry you now before we go." Sabi nito na para bang hindi na makapag antay na matali kami sa isa't isa.







"I'll promise you, before all of these things. I'll marry you again kahit gano pa kamahal yan bibigyan kita ng engrandeng kasal." Sabi niya sakin.







"Hindi ko naman kailangan ng engrandeng kasal David. Masaya na ako sa ganito basta maikasal lang sayo." Masayang sagot ko sakanya at siniil naman ako nito ng nag aalab na halik.







..-..

Gabi na ng makarating kami ng Villa kung saan nakatira ang pamilya ko. Makapigil hininga ang gagawin naming ito lalo pa't hindi ko alam kung tatanggapin siya ng aking Ina.







"Ate!" Sinalubong agad kami ni Julian at nagyakapan kaming magkapatid na sobrang higpit.







"Julian ang Inay?" Masayang tanong ko rito.







"Mabuti at nakauwi kana ate. Gusto kang makausap ng Inay." May pag aalala sa kanyang mga mata.







"A-ate sino siya? Ginoo anong pangalan mo?" Tanong agad ng kapatid ko kay David.







"I'm David Lionhart." Sabi ni David na siyang ikinaputla ng mukha ni Julian na takot na takot.







"Magpapaliwanag ako Julian. Wag kang matakot sakanya hindi siya masama gaya ng iniisip mo." Sabi ko at pinapakalma ito.







"Hindi masama? Paano mo mapapaliwanag sakin ang lahat? Siya ang kumuha sayo samin ng Inay! Alam mo bang halos mamatay ang Ina ng dahil sa lalaking yan! Wala kang kwentang tao! Isa kang mamamatay tao!" Sigaw niya kay David.







"Julian! Hindi tayo tinuruan ng ganyan ni Inay! Bakit ganyan ka makipag usap sa mas nakakatanda sayo ha? Hindi mo ba naisip na si David lahat lahat ang tumulong satin? Siya ang bumili ng Villa na to para satin!" Galit na sabi ko kay Julian. Paano niya nagagawang pagsabihan ng masasakit si David gayung hindi pa naman niya ito nakikilala ng lubusan.







"Natalie it's okay." pigil sakin ni David dahil alam niyang tumataas na ang boses ko.







"Natalie? paano mo napagsasabihan ng ganyan ang kapatid mo?" Hindi ko namalayan na nasa labas na pala si Ina.







"Inay patawad. Nandito ako sa harapan niyo para sabihin sainyo ang katotohanan. Katotohanan na ikinasal na kami ni David at magkaka apo na kayo." Wala ng anu anu. Sinabi ko na at bahala na kung ano man ang mangyayare.







Namutla ang Inay dahil sa nalaman. Bakit siya namutla?







"Natalie! Hindi ka dapat nagpakasal sa lalaking yan! Hindi dapat nag bunga ang maling pagmamahalan niyo dahil siya... Si David Lionhart ang nakatakdang pumatay sayo!







"Siya si David Lionhart ang nakatakdang pumatay sayo! "







Itutuloy....

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now