Kabanata 11.

20.2K 563 14
                                    


Ilang oras pa ang inilagi namin sa kotse. Maya maya'y nakarating kami sa probinsiya na may nag tataasang mga puno at wala na halos kotseng dumadaan sa kalsada kundi kami lamang.






"San ba tayo pupunta?" Hindi ko na matiis mag tanong. Seryoso naman ito na walang imik. Hindi na ako nag balak pang mag tanong muli dahil baka bigla nanaman magalit ito.






"We're heading to my friend's wedding party." Sabi nito. Napakunot noo ako dahil hindi ko alam ang sinasabi niya. Hindi ba't masiyadong mabilis kung isasama niya ako? Isa pa sigurado akong malalaking mga tao yun at tiyak na manliliit ako sa mga mayayaman.






Nagsimula ng manlamig ang aking mga kamay. Kinakabahan ako dahil hindi ko pa naman nakikita'y alam kong mga elegante at mayayamang mga tao ang pupuntahan namin. Mga edukado't nakapag tapos, mga matataas ang ranggo at hindi ako nababagay para sa ganong mundo.






"Don't think too much Natalie, they won't bite you." Sabi nito. Napahinga naman ako ng malalim sabay napatingin saking kasuotan. Tumingin din ako sa kasuotan ni David na naka dark blue tuxedo at sobrang formal nito. Damit pa nga lang namin ay hindi nako nababagay papaano pa kaya mamaya? Siguradong pag titinginan ako dahil sa kasuotan ko.







Ilang oras pa ang itinagal at huminto kami sa isang malaking bahay na tila mansion. Tulad ng kanyang mansion ay madilim at nakakatakot ito. Bumukas ang lumang gate at kasabay ng pag andar ng kanyang sasakyan ang paglipad ng mga tuyong dahon na nagkalat sa lupa. Ang mga puno'y puro tuyo't patay. Napalunok ako sa aura mismo ng lugar na aming pinuntahan. Dito ba nakatira yung sinasabi niyang kaibigan?







"Hey just relax." Sabi nito at naramdaman kong hinawakan niya ang aking mga nanlalamig na kamay. Napalingon ako sakanya at bakas ang pag aalala nito sakin. Napatango nalang ako at duon na ito ngumiti kasabay non ang pag labas niya mismo ng kotse. Kaagad din siyang tumakbo sa gilid ko at pinag buksan ako ng pintuan. Bumaba narin ako at sumubong ang malamig na hangin na humahalik saking balat.







Ipinatong saking balikat ni David ang kulay itim at makapal nitong coat pang lamig. Ano ba ang lugar na to? Iba ang klima dahil parang nagyeyelo ang paligid sa lamig. Niyakap ko ang aking sarili. Naramdaman ko naman ang pag akbay sakin ni David at naglakad na kami papasok sa itim at napakalaking pintuan.







Bago pumasok ay kinuha niya ang itim na papel at may simbolo ito na parang kamay. Black hand organization ang nakalagay mismo sa papel. May hidden camera pa sa taas mismo ng pinto at ng itinapat ni David ang papel ay automatiko namang bumukas ang malaking pinto.







Sabay kaming humakbang habang naka akbay parin sakin si David. Kabado ako sa anumang mangyayare dahil hindi ko alam kung ano ang sasalubong sakin sa loob ng mansion. Pag bukas at pag bukas pa lamang ay maririnig mo na ang tunog na nanggagaling sa isang violin. Malumanay ang tunog nito at nakakarelax. Kaagad ding may sumalubong saming dalawang nag tataasang mga lalaki na halos sing tangkad ni David.







Halos nanliit aki sa mga lalaking nasa harapan ko ngayon sabayan mo pa ng isang David na nakaakbay sakin ngayon. Yumuko ito habang ang isa'y naka handa ang kamay na waring may hinihintay na ibigay. Dahan dahan inalis ni David ang coat na nakapatong sakin at iniabot ito sa lalaki. Nakita ko namang tinanggap niya ito na may pag iingat dahil mamahalin ang bagay na yon at isinabit sa isang mamahalin ding sabitan na napapaligiran ng iba't ibang mga coat na magagara. Para talaga kaming nasa bansang London kung pagmamasdan ang kultura ng mga ito.






"David!" Kaagad na may sumalubong saming napakagandang babae. Mapupula din ang kanyang mga mata at nanlaki ang aking mata ng halikan niya sa mga labi si David na hindi mo mababakasan ng kahit anong emosiyon. Dampi lamang ang halik na yon na tila paraan lamang ng pag bati sakanila. Humigpit ang pagkakaakbay sakin ni David ng mapansin ng babae at napadako sakin ang mga mata nito.






The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now