Kabanata 22.

13.2K 449 21
                                    


"Pero nakakainis ka bakit ngayon ka lang ha? Anong pinag kakaabalahan mo?" Iritang sabi ko sakanya habang nasa ganong posisyon parin kami. Nakahawak lang siya sa pang upo ko habang nakakapit ako sakanya. I heard laugh softly but very manly.





"Anong tinatawa tawa mo David? Ilang araw na ah alam mo bang namimiss kita ng sobra? Nag aalala ako sayo tsaka baka.." Bumitaw na ako sakanya habang seryoso lamang siyang nakatitig sakin at hinihintay ang sasabihin ko.






"Baka?" Tanong niya sa slang na boses. Diyos ko ano bang meron sa lalaking to bukod sa napakagwapo at napaka sarap pa eh sadyang nakakaakit. Ano ba Natalie may laman na nga yang tiyan mo ang bastos pa ng isip mo.






"Natalie are you pregnant?" Nagulat ako sa tanong niya. Nanghina bigla ang tuhod ko at mabuti na lamang ay nasalo niya ako. Namutla ako. Alam kong namutla ako at natuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin at kung bakit alam niya? Mind reader ba siya? Bakit lagi nalang tumatama ang mga sinasabi niya.






Napaurong ang dila ko. Sasabihin ko ba?






"What Natalie? Tell me." Nagulat nanaman ako. Wala pa nga akong sinasabi eh nag reresponde na siya.






"Huhh?" Uutal utal ko pang tanong dito. Ay gaga lang talaga Natalie? Bakit umurong ngayon ang dila mo?






"I'm asking you Nat-" Naputol ang sasabihin niya ng mag ring bigla ang phone niya. Nakahinga naman ako ng sumenyas siya.






"Wait a second." Sabi nito at kinuha ang phone sa bulsa. Ganon ba kaimportante ang tawag na yon? Bakit kailangan pa niyang lumabas ng kwarto at dumiretso sa kanyang opisina? Nangangati ang mga paa ko gusto ko siyang puntahan. Hay ganon ba kapag buntis? Kainis kung ano ano pang nasabi ko sakanya. Pero nakapag desisyon na ako, kailangan malaman ni David ang katotohanan.






Tumayo na ako ng bigla namang bumigat ang pakiramdam ko kaya't napaupo muli ako. Napahawak ako sa tiyan ko at nakaramdam ng kakaunting pagkirot. Mas mainam pa nga siguro na magpahinga na ako at ipagpabukas ko na lamang ang gagawin kong pag amin. Napatingin na kasi ako sa wall clock at pasado alas onse na ng gabi. Hindi dapat ako mapuyat at magpakapagod alang alang sa anak namin ni David.






Inayos ko na ang unan at kumot na gagamitin ko. Humiga na ako at umayos para dalawin na ng antok. Kailangan ko ng matulog dahil baka makasama pa sa bata. Parang yung bata narin ang nakikiusap saakin na wag ko ng itulak pa ang sarili ko na gawin ang planong pag amin ngayon. Oo tama bukas nalang, bukas aamin na ako sayo David. Sabi ko sa sarili ko habang unti-unti ng pumipikit ang mga mata ko.




___

Hindi ko namalayang nakatulog na nga ako. Nagising ako dahil nakaramdam ako ng pagkaihi. Anong oras na? Napatingin muna ako sa katabi ko pero wala nanamang David. Halatang kakabangon lang nito dahil nagusot ang pwesto ng higaan niya. Minabuti kong magpunta muna ng banyo matapos makitang alas kwatro na pala ng madaling araw. Iika ika pa akong pumasok dahil naiihi na talaga ako.






Matapos kong umihi ay finlush ko na ito at naghugas na ng kamay. Napatingin pa ako saking sarili at sinuring mabuti ang mukha ko. I look pale blue. Sobrang putla ko. Sa tingin ko ay kailangan ko ng mag punta sa OB bukas para macheck ang baby ko. At maresitahan narin ako ng mga vitamins sa pagbubuntis ko total naman ay hindi ko pa rin nagagastos hanggang ngayon yung sobre na nagkakahalaga ng maraming salapi na ibinigay sakin noon ni David.






Lumabas na ako ng banyo at napatingin muli sa higaan. Wala parin siya pero naramdaman ko kanina lang yung mga halik niya sakin habang natutulog ako at alam kong hindi ako nananaginip dahil naramdaman ko ang pag lubog ng kama at pagyakap at halik niya sakin. Labis lamang ang ka antukan ko kaya't di na ako nakaresponde sa mga yon.






Naiwang nakaawang ng kakaunti ang malaking pintuan. Kaya't minabuti kong puntahan nalang si David sa opisina niya dahil alam kong subsob nanaman ito sa pagtatrabaho at baka nakatulog na. Lumabas na ako matapos maisuot ang satin na robe ko. Naglalakad na ako sa tahimik na hallway papuntang opisina ng madaanan ko ang dating kwarto namin ni David na ipinakandado na niya.






Nagtaka ako kung bakit nakaawang ang pintuan na yon kaya't lumapit ako. Nakarinig ako ng mga boses na naguusap kaya't tinamaan ako ng kuryosidad at napasilip sa nakaawang na pintuan na sanay hindi ko nalang pala talaga ginawa dahil masasaktan lang ako.






Kitang kita ko ang babaeng nakakulong noon sa ilalim ng kanyang silid na ngayo'y nakayakap lamang kay David. Si David naman ay walang emosiyong nakatingin sa malaking bintana kaya hindi niya ako nakikita. Halos gumuho at mapunit pira piraso ang puso ko. Hindi ko alam na ganito pala ang masaktan ng sobra.






Makulit ang mga kamay ng babaeng nakakapag lakbay sa matipunong pangangatawan ni David. Tumulo na isa isa ang mga luha ko at humihikbi na ako kaya't tinakpan ko ang aking bibig. Hindi ko lamang marinig ang kanilang pinag uusapan dahil sa masiyadong malawak ang espasiyo ng silid ni David kung kaya't medyo malayo sila sakin.





Nagulat ako ng lumingon saakin ang babae. Marahil siya nga ang nag ngangalang Veronica. Mapupula ang mga mata nitong naliligayahang nakatitig saakin habang nilalasap ang pagkakayakap kay David. Iniinggit niya ako. Pinasasakitan niya ako. Hindi ko na kaya, sasabog na. Sasabog na ang puso ko kung kaya't napaatras ako at natabig ko pa ang vase na nakalagay sa maliit na counter sa tapat mismo ng silid ni David. Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo na lamang.






Tumakbo ako papalabas ng mansion habang dagsa ang mga luhang kumakawala saakin.






"Natalie!" Nagulat ako ng marinig ang pagsisigaw ni David sa pangalan ko. Tinatawag niya ako pero minabuti ko ng wag ng lingunin ito. Wala akong ni anong dala ng lumabas ako ng mansion. Mas mabuti pa nga sigurong umalis nalang ako kesa naman mapahamak pa ang bata sa sinapupunan ko dahil lang sa sakit na nararamdaman ko.






Sa bilis ng takbo ko'y ganon kabilis din niya akong naabutan. Nahagip niya ang aking braso at nagulat ako ng iharap niya ako sa kanya.






"You're not leaving!" Sigaw nito sakin habang nanlilisik ang mga matang kulay pulang pula na.






"You hear me? You're not leaving me!"






Natameme ako. Tila isang David nanaman na demonyo ang nasa harapan ko ngayon. Galit na galit at nag iigting ang mga panga nito. Ang ugat sa leeg ay nag sipaglabasan dahil sa pagtitimpi niya sakin.






"Bitawan mo ako!"






"You saw things and you didn't give  chance to hear my explanation first! You jumped into conclusion!" Sigaw niya sakin.






"I don't need your explanation David. Walang tayo." Sabi ko dito.






"No! You assumed so many things! Ni hindi mo ako hinayaang magpaliwanag and now what? You're here running away from me!"






"Nasasaktan mo na ako David. Akala ko kaya ko. Akala ko kaya kong panindigan na maging pekeng asawa mo! Pero hindi kasi talo ako. Talo ako kasi mahal na kita!"






Hindi ko na mapigilang mag iiyak. Ang mukha niya'y gulat na gulat at ng mahimasmasan ay hinawakan niya ako sa magkabilang mukha ko.






"I love you my Natalie. I love you and the little one inside you." natameme nanaman ako. Wala na akong masabe. Paano niya nalamang buntis ako? Naguguluhan na ako.






"David."






"Shh you talk too much." Sabi nito at siniil ako ng mainit na halik. Ipinikit ko narin ang mga mata ko habang dinadama ang masarap at mainit na mga halik ni David.






Itutuloy...

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now