Kabanata 26.

12.5K 390 14
                                    


Nanlilisik ang mga pulang mata ni David sa Empre.



"Don't you dare to lay your fingers on what's mine. I swear I'll kill you with my own bare hands." Gigil na sabi ni David sa mga alagad ng Empre na nasa tabi lamang ng mga ito. Ang dugo niya na dumadaloy sa kanyang mga balikat pababa sa kanyang kamay na pumapatak sa sahig ay unti-unting umuusok. Umuusok ang mga ito at nag giging abo ang ilan.






Nakaharang siya sakin habang hawak hawak ko naman ang aking tiyan upang proteksiyunan ito.






"Asshole! Hindi ko kailan man kailangan ang walang utang na loob sa kanyang sariling lahi! Walang puso sa kanyang sariling pinag mulan!" Sigaw ng Empre at tumayo ito. Naglalabas din siya ng kakaibang itim na usok na parang presensiya sa kanyang buong katawan. Napatingin din ako kay David at nagulat ako ng makakita ng pulang usok na kumakawala sa kanyang buong pagkatao.






Palakad ang Empre sa gawi namin. Itinaas lamang niya ang kanyang kamay sa gawi nina Shannon at Derek at nagulat ako ng tumilapon sila sabay. Napakalakas nito. Napakalakas dahil hindi niya kailangang hawakan ang isang bagay para buong lakas itong tumilapon sa ere.






Nag ikutan kaming tatlo dahan dahan. Ikinulong ako mismo ni David sa kanyang mga bisig at pinapikit ang aking mga mata. Wala akong makita. Naririnig ko lamang ang mga boses o mga pag igting ng kanilang mga pangil at nagpapatapangan ang mga ito. Sa isang iglap ay nakaramdam ako ng malakas na hangin at nawala sila parehas saking paningin. Malakas lamang ang kulay pula at kulay itim na hangin ang makikita mong umaarko sa ere. Nakita ko ring umukit ang isang hugis demonyo na kulay pula sa ere at alam kong si David iyon. Isang itim na parang ahas o serpent naman ang umukit sa Empre.






Ngayon lamang ako nakakita ng ganong klaseng labanan sa buong buhay ko. Napahawak pako mismo sa counter na nasa tagiliran ko ng maramdaman ko bigla na umusbong kakaunti ang aking tiyan.






Napatingin ako dito. Umiinit siya at sumasakit na tila nahihirapan sa loob. Napahawak ako dito at ramdam kong may gumagalaw sa loob. Ganon kabilis ang bawat eksena. Napapikit ako ng makaramdam ng kakaibang init na gumuguhit saking tiyan.






"Anak kapit ka lang. Hindi ko alam kung anong senyales itong pinaparating mo sakin pero alam kong nahihirapan ka. Maging malakas ka para samin ng ama mo." Pakiusap ko rito. Nawala naman bigla ang sakit at pagkainit kaya't napadilat ako at napatingin sa ere. Nawala ang mga usok na magkahalo lamang kani-kanina lamang.






Nakita kong sabay na naging anyong tao ang mga ito at bumagsak sa sahig si David habang nakakatayo parin ang Empre.






"David!" Tatakbo na sana ako sakanya ng pigilan niya ako. Ang kanyang katawa'y parang nanlumo sa maraming pwersa itong inilabas kanina. Duguan si David na mas lalong nagpatindig at nagpakaba sakin. Si Shannon at Derek ay hinawakan ako sa magkabilang kamay ng magpumiglas ako.






Kinakabahan ako sa mga anumang pwedeng mangyare ng bigla na lamang lumakas muli ang hangin at may isang lalaking lumitaw mula sa itim ding usok. Nakakulay itim lamang ito at nagsiluhuran lahat ng tauhan ng Empre ng ito'y makita. Kulay puti ang buhok na sobrang haba. Mapula ang mga mata na may itim sa ibaba at maputla ang balat. Matikas ang pangangatawan at magandang nilalang din. Maganda lalaki tulad ni David.






"Arturo mabuti't dumating kana. Gusto kong makita mo kung paano ko patayin ang walang kwenta mong kapatid na anak lamang sa labas!" Sabi nito. Ngumisi si Arturo. May isa pa palang kapatid si David? Ano ang sinasabi nila na anak lamang sa labas si David? Bakit nila ito pinagkakaisahan.






"Matagal akong nag hintay na mangyare to. You know what my dear half brother? I badly want to end your life! You stole my mother's life!" Pinaparatangan niyang si David ang pumatay sa sariling ina nito.






"Sino kaba sa inaakala mo? Isa ka lang namang anak sa labas! Isang anak ng mababang uri! Hindi ka nararapat maging Hari!" Sigaw nito. Napangisi si David at dahan dahang tumayo.






"Two vs One huh? Interesting." kalmado lamang niyang sabi. Makikialam na sana si Derek ng pigilan siya ni Shannon dahil alam niyang wala itong magagawa. Sobrang lakas lamang ng kapatid niyang si David.






"Shit Arturo pano niyang nalaman na nandito si Kuya." Bulong ni Derek.






______
Third Person:

Ang Pinuno na si Vendita ay maraming naging babae. Nagkaroon siya ng pitong asawa na nagmula sa iba't ibang malalaking pamilya o mayaman. Nagkaanak siya sa bawat babae niya at may anak itong walong lalaki at dalawang babae na magkakapatid sa ama.






Ngunit bago yon ay nagkaron muna ito ng relasyon sa isang mababang uri lamang na bayarang babae at si David ang bunga non. Itinakas si David ng kanyang ina dahil alam niyang papatayin lamang siya ng Empre kapag nalamang nag bunga ang kasalanang ginawa nila ng ama nito. Si David ang kauna-unahang anak ni Vendita kaya't siya ang dapat hiranging hari. Pero lumayo siya at nagsarili dahil wala siyang hangad sa trono na pinag aagawan ng walo nitong mga kapatid sa ama. Kabilang na dun si Derek pero mabait ito kung kaya't hindi niya pinapaalam kung nasaan ang kapatid sa ama na si David.






Ang huling hiling naman ng Empre na sinaway ng apo ay labis niyang ikinagalit dahil isa iyong kahihiyan sa lahi nilang mga bampira.




NATALIE:

Naguguluhan ako sa mga nangyayare. Halata sa katawan ni David na nanghihina na siya pero nagpupumilit parin ito. Kailagang may gawin ako. Kailangan ko gumawa ng paraan dahil baka ikamatay ko kapag nawala sakin si David.






Itutuloy...

The Shade Of A CurseΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα