Kabanata 50.

9K 314 36
                                    


Natalie:

"Let's go Natalie hindi kana pwedeng abutan pa dito ni David." Malungkot ang mga matang sabi ni Derek. Alam ko ang dahilan kung bakit walang buhay ang mga mata nito. Dahil sa pagkawala ni Shannon. Hawak hawak ko naman saking bisig ang nahihimbing na si Talia. Sa kabilang balikat ko'y dala ko ang isang bag ng gamit namin.

Kinuha yon ni Derek na walang imik imik. Dumiretso ito sa labas ng mansion at ipinasok ang gamit ko.

"Natalie." Tawag sakin ni Madam Hilga. Malungkot ang mga mata nito na para bang may gustong ihabilin.

"Magiingat ka sa pupuntahan mo Hija. Diyos ko napamahal na ako sainyo bata ka talaga." Naiiyak na sambit nito at hinaplos ang pisnge ni Talia.

"Salamat Ms. Hilga. Salamat sa lahat ng naitulong niyo sakin. Simula ng ako'y mapadpad dito hindi niyo ako pinakitaan ng masama. Maraming salamat po." Sabi ko. Tuluyan namang umagos ang luha ng matanda.

"Mahal na mahal ka ng Lord David Natalie. Wag kang mag alala alam kong mababawi ka din niya at gagawa siya ng paraan." Lumuluhang saad nito.

"Salamat Ms. Hilga. Malaki ang tiwala ko sa asawa ko at alam kong hindi niya kami pababayaan ni Talia." Sabi ko at napatingin sa anak ko.

Yumakap sakin si Ms. Hilga sa huling pagkakataon bago ako dito nag paalam. Paglabas ko ng malaking pintuan ng mansio'y napansin ko ang madilim na kalangitan. May paparating bang bagyo?

Malungkot ang presensiya ng mansion. Nawala ang kulay at napalitan muli ng kadiliman.

"Are you ready?" Tanong sakin ni Derek ng makasakay kami ni Talia sa loob. Maayos kong inilagay si Talia sa kin para hindi ito magising.

"Handa na ako Derek." Sabi ko.

Tumango naman ito at pinaandar na ang sasakyan. Tahimik lamang kami habang binabagtas ang daan. Nakatingin lamang ako sa nagtataasang mga puno at makulimlim na kalangitan. Matirik at medyo madulas ang daan dahil sa putik. Dala siguro ng pag ulan kinagabihan.

Maya maya'y munting bumuhos ang malakas na ulan.

"Kamusta ka? Sorry sa nangyare kay Shannon." Pinutol ko na ang katahimikan.

"Masakit Natalie. Mahirap ang pagkawala niya sakin." Sabi nito na may lungkot ang mga mata habang nagmamaneho.

"Alam mo naman siguro kung bakit ka gustong umalis ni David?" Tanong niya. Napatango naman ako at huminga ng malalim.

"He really love you Nat. Hindi niya gustong matulad ka kay Shannon. Ito lang yung paraan na naisip niya to keep you alive." Sabi nito. Nakikinig lamang ako sakanya.

"He's really into you." Dagdag pa nito.

Kumabog muli ang puso ko. Namimiss ko na si David yung dating siya. Yung dating kami na walang pinoproblema.

"Nasan si David?" Tanong ko.

"I don't know Nat. Hindi din niya sinasabi kung nasan siya ngayon." Sabi nito. Napatango naman ako at nagpakawala ng mahabang hininga.

"Hindi tunay na anak ni David si Sabrina." Sabi nito na kinakunot ng noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Umamin si Shannon bago siya mamatay. Umamin siya samin na hindi talaga si David ang ama ni Sab kundi ako." Sabi nito. Napahawak ako saking bibig sa pagkagulat.

"Bakit hindi mo alam na ikaw ang tunay na ama ni Sab?" Tanong ko.

"I don't know Nat. Nagkaron kami ng malaking kasalanan kay David. Si David at Shannon palang ng mga oras na yon ng may maganap saming dalawa ni Shannon. Alam ko na ang iniisip mo alam kong masama ang tingin mo sakin pero anong magagawa ko? Mahal ko na noon pa man si Shannon.

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now