Kabanata 17.

16.2K 496 29
                                    

Hindi ko alam kung bat nanginginig ang mga kamay ko ng isa isa kong ibalik yun nang biglang.






"Natalie? Anong ginagawa mo?" Napatakbo si Inay saking kinaroroonan. Ako nama'y takang napatingin sakanya. Kaagad niyang binawi sakin ang box pati narin ang mga litrato na parang tarantang taranta ito. Napakunot noo naman ako sa mga katanungan kung bakit.







"Nay bakit? Bakit kayo natataranta?"







"Wala anak ano kaba. Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Pilit na pinapakalma nito ang sarili.







"Nakita ko kasing bukas ang pinto kaya naisipan kong pumasok. At natabig ko kasi yung kahon Nay-" Hindi na niya ako pinatapos magsalita.







"Ah ganon ba anak. Gutom ka naba? Tara sa ibaba at ipaghahanda kita ng masarap na meryenda." Pilit binabago ang paksa.







Napangiti nalang ako at inilagay ang hibla ng aking buhok sa likod ng tenga ko. Marahil ay kung ano ano lang siguro ang iniisip ko. Pero kailangan kong tanungin si Inay kung sino ang batang yon na alam kong mas matanda saakin ngayon.







Nasa kusina na kami at nakaupo lang ako sa puting upuan pinapanood ang Inay sa paglululto at pag gawa ng buko pandan. Napangiti nalang ako sobrang swerte ko talaga at may magulang akong kagaya niya. Kahit na wala kaming kinakakihang ama'y hindi niya ipinaramdam na kailangan namin ng Ama.







Naramdaman kong tumunog ang phone ko sa bulsa ng aking pantalon. Kaagad ko naman tinignan kung sino ang nagtext dahil ang beep ito. Pagkabukas ko palang ay namula naman ang pisnge ko.








"Dine with me tonight." Galing ito kay David. Iba parin talaga ang epekto niya hanggang ngayon. Rumihistro nanaman saking isip yung kaganapan kagabe. At oo sobrang pula ko na ng mga oras na yon habang ginugunita ito.







"Oh Natalie natulala ka diyan may sakit kaba Hija? Namumula ang pisnge mo anak." Pag aalalang tanong ng ina ng makita kong inilapag niya ang tinimplang juice sa puting babasaging mesa. Napaurong naman ang dila ko at inayos ang sarili ko.







"Nako Inay wala ho, ayos lang ako." Ngiting sabi ko.







"Sigurado kaba anak? Baka naman nagpapakapagod ka sa trabaho mo?" Sabi nito at hinawakan ang noo ko sinuri kung nilalagnat ba ako.







"Ayos lang ako Nay." Ngiting sabi ko.







"Bakit ngiting ngiti ka diyan?" Tanong nito at duon ko lang napagtanto na sobra nga pala ang ngiti ko. Natalie bawas bawasan mo ang excitement mo. Sabi ko nalang sa sarili ko. Mabuti na lamang at dumating na ang kapatid kong si Julian galing eskwela kaya't natuon dito ang atensiyon ng Inay. Nagmano na ito kay Ina at humalik naman sa pisnge ko.







"Amoy araw ka." Sabi ko sabay takip sa ilong ko.








"Ah nag basketball kasi kami ng mga kaibigan ko ate. P.E time kasi maliligo na muna ako para makapag palit na." Sabi nito.







"Mabuti pa nga anak nang makakain kana rin." Sabi ng inay. Mabuti na nga yon dahil hindi ko alam kung bat ako nasusuka sa amoy niya.







Natapos ang hapon at malapit ng mag dilim. Nagpaalam na ako kila Inay at Julian ng makatanggap muli ako ng text mula kay David na nasa labas na siya ng Villa at papasok na para salubungin ako.







Paglabas ko'y nakapark agad sa may mini park playground ang sasakyan ni David. Nakita ko pa itong printeng nakasandal sa bintana ng sasakyan habang nagsisigarilyo at ang isang kama'y nakapasok sa kanyang bulsa. Naka white polo half sleeve ito dahil tinupi at nakabukas ang dalawang botones kaya't kita kakaunti ang matipunong dibdib. May kaluwagan ang polo ni David hindi ito fit na fit kaya't ang presko at lalong ang gwapo niya tignan. Ang buhok ay magulo na nakataas at hindi na inayos ngunit bakit ganon? Asan ang hustisiya? Napakagwapo padin niya.







Palapit na ako ng lingunin ako ng mapupulang mga mata nito at itinapon na ang hawak na yosi. Paglapit ko palang ay walang sabi sabing sinalubong ako nito ng yakap. Yung yakap na dahan dahan lang habang nakahawak ang kamay saking ulo at nakasuporta naman ang isang kamay saking likod. Yung yakap na masasabi mong suwabe lang. Ginantihan ko din ito ng yakap at napatingkayad pa ako sa labis na tangkad nito habang siya'y nakayuko naman sa liit ko.







Napangiti ako na isiping si David Lionhart yung yakap yakap ko ngayon. Siguro kung malalaman ito ng mga tao tiyak na madami ang maiinggit dahil alam kong maraming babae ang lihim na nagpapantasiya sakanya dala narin ng takot.







Nang matapos ang yakap niya'y tumingin lang ito sakin. Ang mga mata'y may kislap at seryoso lang ang mukha nito. Napalunok naman ako ng dumako ang tingin ko sa mapupulang labi nito at umangat muli sa kanyang mapupulang mga mata.







Kita ang ngisi nito na nakakaloko kung kaya't namumula na ako ng mga sandaling yon. Alam na alam niya ang kahinaan ko.







"You can kiss me Natalie." Sabi niya with husky voice at mas lalong nabuhay ang init sa katawan ko ng mga sandaling yon.







"Or you want me to kiss you either my Natalie." Grabe nakakahulog na talaga siya, sa mga binibitawan palang niyang mga salita ay hulog na hulog na ako. Papalapit ng papalapit ang mukha naming dalawa at ramdam ko na ang mabango at mainit niyang hininga.







"You crave for my kiss don't you?" Wala na huling huli na niya ako. Nauuhaw na nga ako sa mga halik ng lalaking to. Lunod na lunod na ako sa mga mapanuksong titig nito sakin.







Bigla nalang niyang hinapit ang bewang ko at siniila ko ng halik. Grabe lang ang epekto dahil hinang hina na ang tuhod ko at mabuti nalang at nakasuporta parin ang mga bisig nito. Sinimulan niyang pasukin at hanapin ang dila ko ng sarili niyang dila. Mapangahas niyang napasok yon at walang kahirap hirap na nakipaglaro saking dila.







Nagbitaw pa ako ng ungol sa sarap ng halik nito ng maramdaman ko ang ngisi niya. Grabe ka David, hulog na hulog na ako at nababaliw na ako sayo. Sabi ko sa isip ko nang magsalita siya.







"It's okay I'm here to catch you." Nanlaki ang mga mata ko. Ano? Paano niya nasabi yon? Sa isip lang yun ah. Diyos ko nababaliw na talaga ako sa lalaking to.






Itutuloy...

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now