Kabanata 24.

13.8K 428 23
                                    


Matapos ang sandaling yun ay napagpasiyahan namin ni David na pumasok na sa loob. Pasado alasingko na ng madaling araw iyon at madilim parin ang kalangitan. Napadaan kami sa dating silid na aming tinutulugan na ngayo'y naka doble kandado na. Rinig na rinig ang hinagpis ang pagsisigaw ng babae sa loob ng silid na nag ngangalang Veronica. Napahinto pa ako ng hawakan ni David ng mahigpit ang aking kamay dahil sa pagkalutang ko.






"It's okay Natalie I won't let her hurt you." Sabi niya sakin. Napangiti naman ako sakanya. Si Madam Hilga ay naabutan pa namin sa salas ng taas na palapag at napayuko sa pagdating ng kanilang pinuno na si David. Napangiti naman ako kay Madam at ganoon din siya saakin. Hinatak na ako ni David sa silid hindi ko alam kung bakit siya nag mamadali. Para bang naiirita ito na hindi maintindihan.






"Natalie go inside. Don't open this door." Sabi niya. Kinabahan naman ako bigla. Ano nanaman ba ang mangyayare? Pagpasok ko ng pinto ay kaagad siyang umalis. Tumatakbo ito. Rinig na rinig ko pa ang mga yabag ng kanyang mga paa at natuon ang atensiyon ko sa pinto mismo ng kanyang opisina. Tama may pintuan kasing nakadugtong sa silid namin at iyon na ang kanyang opisina. Pansin ko ding palaging nakakandado iyon ngunit hindi ngayon. Nakaawang kasi ito kaya't kitang kita ko ng dumiretso si David sa opisina niya.






Alam niyang nakakandado ang lagusan papunta sa silid na kinaroroonan ko kaya't hindi niya napapansing nakasilip ako ngayon sakanya. Nag iigting ang kanyang panga at para bang may pinipigilan. Palakad lakad ito na hindi mapakali. Napasuklay pa siya sa kanyang buhok gamit ang mga daliri. Inumpisahan niyang buksan isa isa ang mga maliliit na drawer mismo na malapit sa bookshelf. Kita ko pa ang malaking hawla noon kung sana niya ako ikinulong.






"Ughh where's the fucking muzzle!" Hindi ko alam pero hindi ba ang muzzle ay ginagamit para sa asong nangangagat? 'Biting muzzle' ang tawag mismo sating mga tao. Nagsimula na siyang magsisigaw. Nawasak niya ng ganoon na lamang ang mga cabinet na gawa sa narra dahil sa pagwawala niya. Narinig ko ang kakaibang pag ungol niya at may parang sumisinghot pa sa ere. Kinilabutan ako na makita sa ganoong kalagayan si David. Hindi ko siya maintindahan hindi ko na kayang makita siya na para bang may pinipigilan at nahihirapan na.





Binuksan ko ang pinto at kaagad na pumasok. "David." Mangiyak ngiyak kong banggit sa pangalan niya.






Kaagad siyang lumingon saakin at nagulantang ako na halos hindi ko na makilala ang itsura niya. Hindi siya panget. Hindi siya pumanget. Naging kulay pula lamang ang mga mata niya na may halo ng itim at nawala na ang puti sa mga ito. Ang mga pangil ay nag tataging at lumalabas na ang maliliit na ugat sa leeg nito paakyat sa pisnge.






Napahawak ako saking dibdib at halos mawalan ng malay sa sobrang pagkabigla. Dahil para akong nakakita ng buhay na demonyo ngayon saking harapan. Alisto niyang hinanap agad ang bagay na kanina pa niya hinahanap. Pinipigilan ang sarili at pilit na kinokontrol ito.






"D-David." Hindi ko kaya na walang gawin. Natatakot ako pero mahal ko siya kaya't dapat ay labanan ko ang takot ko ngayon dahil sa hindi na si David ang nasa harapan ko kundi isa ng demonyo.






"Stay back!" Sigaw niya sakin habang nakatalikod. Hindi ko ito pinansin alam kong hindi niya ako kayang saktan. Sinikap ko pang lumapit habang nakayuko siya at nanginginig ang katawan.






"David ako t- ahhhhhhhh!" Kaagad niya akong sinakal at akmang sasakmalin ang aking leeg ng nag iigtingang mga matatalim at mahahabang mga ngipin.



"David wag

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"David wag. Maawa ka David. Buntis ako. Dala ko ang anak natin. David maawa ka wag mo akong papatayin." Tarantang pag susumamo ko ngunit ang David sa harapan ko'y mas lalo lamang naging nakakatakot ang itsura.






"Grrrrrr." Rinig na rinig ko ang pag taging ng mga pangil nito at nanlilisik na ang mga nakakatakot na mata sakin. Marahas niyang pinunit ang damit ko at mas lumantad ang leeg ko pati narin ang umbok ng dibdib ko.






"David wag!" Takot na takot ako pero hindi siya nakinig. Mabilis kong nahawakan ang vase na katabi ko at ng sasakmalin na niya ako'y buong lakas kong inihampas iyon sa ulo niya. Napuwing lamang ito ngunit hindi natinag. Biglang natuon ang pansin ko sa muzzle. Nahulog ang muzzle malapit sakin. Sakal sakal niya muli ako at halos hindi na ako makahinga habang pilit kong inaabot ang muzzle.






"D-David!" Sigaw ko at para siyang natauhan ng isa isa ng nagsilabasan ang mga luha ko. Litong lito itong lumayo sakin at siyang pagkakataon ko na para ikabit sakanya ang muzzle para hindi na makakagat pa. Hindi nawala ang ganong anyo nito ngunit nagising siya sa katotohanan ng magtagumpay akong ikabit yon.






Napasandal nalang muli ako sa bookshelf na nasa likuran ko at hingal na hingal ako habang nangangatog ang aking mga tuhod. Nakakatakot ang David na nasa harapan ko ngayon. Hindi siya si David kundi demonyo.






"N-Natalie." Napaluhod siya saakin habang nasa ganong anyo parin. Nakilala na niya ako na kanina lamang ay kamuntik na niyang wakasan ang buhay ko, namin ng anak niya.






"I'm sorry Natale, I'm sorry. I'm sorry I'm sorry." Wala siyang ibang sinabi kundi pag hingi ng tawag. Narinig ko ang kanyang hinagpis. Lumuluha ito habang nakaluhod at yakap yakap ang bewang ko. Kita ko ang lumbay sa kanya. Pumantay ako ng luhod dito upang magkapantay kami. Hindi parin nag babago ang kanyang itsura ngunit sadyang napakagwapo parin nito.






"David wala kang kasalanan." Hinaplos ko ang pisnge nito at pinunasan ang butil ng luhang lumalabas sa kanyang kakaibang mga mata.






"This is me Natalie. This is the real me. I'm a demon. A real demon Natalie." Sabi nito sa paos na tono ng boses.






"No. Hindi ka demonyo David para sakin mabuti ka. Kaya mong labanan yan."






"There's a demon inside me. That demon is the real me." Sabi niya. Wala na akong pakialam kahit pa ano pa siya. Dahil mahal ko siya at handa akong gawin lahat makayanan lang niyang mabago ang sarili niya.






Niyakap ko siya at ganon din siya sakin. Nakaramdam ako ng init ng katawan at lamig naman ng katawan nito ang sumasalubong sakin.






"You're so warm." Sabi nito sa paos na tono ng boses. Napakagwapo talaga ni David. Hindi ko kayang hindi pigilan ang pagnanasa ko sakanya.






"I want you now David." Bulong ko sakanya.






"I want you more." Sabi niya at nagsimulang lakbayin nito ang bawat maseselang parte ng aking katawan.






Itutuloy...

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now