Kabanata 16.

16.9K 490 26
                                    


Kaagad din akong humiwalay ng halik ng matauhan ako. Siya nama'y parang natuod na at hindi makagalaw. Napalunok ako, bakas parin ang pagkagulat sa mga mata niya. Ang seryoso niyang mga mata na hindi mo makikitaan ng kahit anong emosiyon ay biglang nag bago na para bang nag liwanag, nagkaron ng buhay na hindi ko maintindihan.






"S-sorry." Nasabi ko nalang. Gusto ko ng kainin ng lupa dahil sa labis na hiya na nadarama ko. Siya nama'y kaagad ding bumalik sa ulirat at hinatak ako. Nanlaki nanaman ang mga mata ko sa pagkagulat ng hawakan niya ang magkabilang mukha ko at siniil ng halik. Sa unang pagkakatao'y nakita kong ipinikit niya ang kanyang mga mata, na para bang dinadamdam ang bawat sandali.






Hindi na ako makahinga. Hinahalikan niya talaga ako. Totoo ba to? Hindi naman siguro panaginip to? Parang ayoko ng magising kung nananaginip lang ako. Ang mga kamay niya'y bumaba saking mga braso at ngayon ay nasa likuran ko na at nakayakap sakin. Mahigpit yon pero hindi ko alintana.







Masyado akong nalulunod sa mga halik niyang kay tamis at init. Buong buhay ko ay siya lamang. Siya ang kauna-unahan ng lahat lahat sakin. Alam kong hindi dapat ako umasa pero bakit ganito? Bakit ako umaasa? Kasama lang naman to sa trabaho ko hindi ba?







Bumitaw siya at ako nama'y parang nabitin pa at gustong mahalikan muli. Namula ang mga pisnge ko dahil duon. Napangisi siya sakin. Kakaiba na ang mga titig nito at punong puno na ng pagnanasa. Yung bang pagnanasa na may halong pasiyon. May halo ng pagmamahal. Nagmamahal nga ba ang isang Lionhart? Hindi ko alam, magulo.







"Why you kissed me?" Pilyong tanong niya sakin. Hindi ako handa sa ganong klaseng tanong. Pakiramdam ko ay konti nalang at tutumba na ako. Tutumba na sa labis na panghihina ng mga tuhod ko.







Napayuko ako sa labis na hiya. Hindi ko alam kung bakit ko ba naman kasi ginawa ang bagay na yon. Pakiramdam ko tuloy ay wala na akong pinagkaiba sa mga naging babaeng parausan niya. Ayokong mag isip ng ganon laban sa naging babae niya, ngunit hindi ba't iyon at iyon din ang pupuntahan ng lahat ng ito? Ang maging parausan niya? Ang maging babae lamang niya at hanggang duon nalang yon.







Nalungkot ako, hindi dapat ako umasa pero bakit sa kaibuturan ng puso ko'y umaasa ako? Bakit traydor itong puso ko at ngayon ay nahuhulog na ako? Huminga ako ng malalim. Wala na ata akong mukhang ihaharap pa sakanya sa kahihiyan na ginawa ko.







Hinawakan niya ang baba ng mukha ko at marahang inangat.







"Natalie, don't hold back your feelings. I'm here. I can give all of my love for you." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Totoo na ba to?







"You don't believe me don't you?" Kunot noo at salubong ang kilay niyang tanong sakin.







"H-hindi mo ako masisisi I'm sorry. Hindi maganda ang simula nating dalawa." Hindi ko napigilang sabihin ang mga salitang yon.







"Dahil hindi ko alam kung matatanggap mo ako kapag naging mahina ako. Kapag naging mabait ako." Hindi ko nanaman siya maintindihan.







"Bakit kasi hindi mo ipaliwanag? Maiintindihan kita." Sabi ko.







Huminga siya ng malalim bago muling magsalita.







"Wala akong ibang babae Natalie, lahat sila pinalaya ko na." Sabi nito.







"Bakit David? Papaano ka humantong sa ganyan?" Tanong ko sakanya. Hindi ko na kasi kaya pa at gusto kong malaman ang misteryong bumabalot sa pagkatao niya.







"No, not today. You will understand someday Natalie. But please stay with me no matter what." Sabi niya at niyakap ako. Ang ulo'y inihilig saking leeg at mahigpit na inangkin ang pagkakayakap sakin.







Niyakap ko din siya.








Mainit ang yakapan namin at nanahimik ang buong paligid. Nabibingi lang ako sa ingay ng tibok ng mga puso naming dalawa. Ramdam na ramdam ko din ang sakanya at alam kong nararamdaman niya ang sakin.







"David." Banggit ko sa pangalan niya.







"Shhh just hug me tight." Sabi niya at hinigpitan pa ang pagkakayakap sakin. Niyakap ko din siya ng mahigpit at ipinikit ang aking mga mata.




________

Kinaumagahan ay maaga niya akong inihatid sa Villa na pagmamay-ari din niya. Umalis narin ito kaagad dahil alam kong may meeting siya kasama ang iba pang Mafia Lord ng Black Organization.







Naabutan ko pa ang Inay na masayang nag didilig ng mga magagandang bulaklak niya. Si Julian naman ay wala ngayon at nasa paaralan.







"Inay!" Bati ko kaagad at sinalubong siya ng yakap.







"Oh nandiyan ka na pala Hija. Aba'y teka kumain ka naba?" Tanong nito sakin.







"Opo Nay. Kamusta ang pakiramdam niyo? Mas umayos naba?" Tanong ko.







"Salamat sa Diyos anak at oo mabuti na ang pakiramdam ko." Sabi nito sakin.







"Mabuti naman. Wag kayong magpapakapagod ha." Sabi ko. Mapilit ang Ina at pinapasok na muna ako sa loob para daw makapagpahinga.







Minabuti ko nadin na umakyat muna at chineck ang bawat silid. Nakita ko naman ang isang silid na nakaawang kaya't pumasok ako.







"Si Inay talaga naiwan nanamang bukas ang pinto." Sabi ko nang makumpirmang kay Ina ang silid dahil sa mga damit at gamit nito.







Nakangiti pa akong pumasok at binuksan ang bintana para maaliwalas ang pasok ng liwanag sa bahay. Napahinga pa ako ng malalim at may ngiti saking mga labi na dinadamdam ang sarap ng simoy ng hangin. Pag atras ko ay natabig ko ang kahon na nakapatong sa counter.







Nilingon ko ito at nag dali daling inayos ng matuon ang atensiyon ko sa isang larawan. Larawan ito ng isang batang babae kasama ang Ina, habang malaki naman ang tiyan ni Inay at alam kong ako ang pinagbubuntis nito. Napaisip ako at napaupo sa malambot na kama kasama ang kahon habang hawak hawak ko parin ang larawan.







Maganda ang bata. Maputi ito at magaganda ang mga mata. Kulay brown ang buhok at mapupula ang mga labi't pisnge.







Tinalikod ko ang larawan at nag bakasakaling may nakasulat. Hindi nga ako nagkamali. Nakita ko ang signature pati narin ang pangalang Talira (1994) ibig sabihin ay limang taon ang tanda sakin ngayon ng batang ito dahil disi otso na ako.






May isa pang larawan ang bata at mas naka focus ito sa kanyang mukha. Bigla akong kinabahan ng makita ang pagkakahawig ng kanyang mga mata mismo duon sa babaeng nasa bidding. Yung babaeng pinag aagawan ng dalawang Mafias na sina Black Mafia at Dark Mafia. Bigla na lamang kumabog ang dibdib ko, bakit ko nararamdaman ito.







Sino ba ang babaeng to?





Itutuloy....

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now