Kabanata 21.

12.9K 410 19
                                    


"Ganun ba? Akala ko eh buntis kana. Ano naman bang nakain mong bata ka at bat ka sinisikmura ng ganyan?" Pag aalala saakin ni Madam.







"Ayos lang ako Madam wag niyo na po akong alalahanin." Nakangiting sabi ko. Gusto ko mang ipagtapat sakanya'y hindi ko magawa. Siguro'y kailangang kausapin ko muna si David tungkol sa kalagayan ko.







"Hindi naman pwedeng pabayaan kita Natalie, kabilin-bilinan sakin ni Lord na pagsilbihan ka at wag kang pababayaan dito sa mansion." Sabi nito. Ngayon ko lamang nalaman yon at humaplos sa puso ko ang tuwa dahil kahit pala hindi niya ipinapakitang nag aalala siya'y hindi niya ako pinababayaan talaga.







"Ganun po ba Madam nako maraming salamat po talaga sa tulong niyo sakin pero ayos lang po talaga ako. Sa tingin ko po kailangan ko lamang ngayon ay ang magpahinga." Nakangiting sabi ko.







"O'siya sige sa ibaba lang ako ha. Magpapadala ako ng makakain mo dito at gagawan kita ng mainit na sabaw para naman kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam mo. Itawag mo lang kapag may kailangan ka Hija katabi mo naman ang telepono nasa ibaba lang ako." Pagbilin nito sakin. Mabait talaga si Madam dahil kahit papaano'y nakikita ko ang pag aalala nito sakin.







Nakangiti naman ako habang nakahiga bago ito tuluyang lumabas ng malaking pintuan. Saglit akong napatitig sa kisame ng lumabas na si Madam. Napahawak pa ako saking puson at naramdaman ko ang munting pintig sa loob nito.







Kailangan ko ng sabihin ito kay David. Ayokong mamroblema siya kapag huli na niyang nalaman. Sabi ko sa isip ko. Pero hindi ko maitatanggi at hindi matatanggal saking gunita na papaano na lamang kapag hindi niya tinanggap ang pag bubuntis ko? Paano kung ayaw pala niyang magkaanak at mas lalong ayaw niyang magkaroon ng isang pamilya dahil wala naman talagang namamagitan saming dalawa.







Isa lang naman akong bayaring babae para sakanya. Sumagi din sa isipan ko ang sinabi ni Madam. Ang pangalang binanggit nito. Possible nga bang si Veronica ang babaeng nakakulong sa ilalim mismo ng silid ni David? Nagkaroon nanaman ng mga mumunting katanungan saking isipan. Ano ba ang ugnayan sakanya ng babaeng yon at ikinulong niya? Possible din kayang tama ang sinabi sakin ng babaeng yun na ganoon din ang sasapitin ko kapag nagsawa na saakin si David?







Napabalikwas ako ng tayo ng biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi saakin ng babaeng yun. Ang mga katagang nagpatakot at hindi nagpatahimik sa puso ko pati narin saking kalooban. Possible nga bang bandang huli'y ikukulong din niya ako sa isang malamig at madilim na lugar? Hindi maaari. Hindi maaari yun lalo pa't nagdadalang tao na ako.







Ngunit kapag sinabi ko sakanya ang pagbubuntis ko paano na? Baka magalit siya? Baka ikulong niya ako pag nalaman niyang nag bunga? Baka... Baka madamay pa ang pamilya ko. Madaming baka ang bumubuo ngayon saking isipan. Alam ko sa sarili ko mahal ko na si David at naalala ko ang mga katagang sinabi niya na mahal din niya ako. Pero hindi sapat ang salita lamang. Hindi sapat yun para panghawakan ko gayung ngayon pa nga lang ay parang iniiwasan niya ako o may iba siyang pinagkakaabalahan.







Napahawak ako saking ulo, masakit mag isip at makakasama ito sa bata kung patuloy akong magiisip ng kung ano ano. Minabuti kong mahiga na muna at nagpasiyang magpahinga. Hindi ko namalayang halos lamunin na pala ako unti-unti ng pagkatulog hanggang sa...







Hanggang sa may maramdaman akong parang malamig na hangin na humahaplos saking mukha. Napadilat ako, walang tao. Napahawak ako saking pisnge. Parang may kung anong humalik sakin. Baka naman guni guni lang yon. Napatingin ako sa wall clock at kalahating oras lang pala ang itinagal ng tulog ko. Napatingin ako sa maliit na mesa at may nakahain ng pagkain na tila kararating lamang. Naramdaman ko ang pagkalam ng aking tiyan kaya't naupo na ako at kumain.







...

Alas nuwebe na pala ng gabi at wala parin si David. Palagi talagang late na ito kung umuwi. Katatapos ko lamang maligo at nagpupunas na ako ngayon ng aking buhok habang nakatingin sa salamin. Nakasuot na ako ng damit pantulog. Isang satin na bestida na sobrang lambot sa balat. Nakarinig ako ng ugong ng sasakyan kaya't napasilip agad ako sa bintana. Dinapuan ako ng kaba sa labis na kagalakan.







Sasakyan ni David iyon at nakita ko siyang lumabas dito. Naka itim pa siyang tuxe at seryoso lamang papasok ng mansion. Sa sobrang saya ko ay balak ko siyang salubungin. Sabik ako sa mga yakap niya. Sabik ako sa halik niya. Oo mahal ko siya at labis ang pagkalumbay ko nitong nagdaang mga araw na hindi kami nagkakausap.







Sumalubong ako sakanya pag pasok palang nito ng silid. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat ng hindi pa ako natutulog. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya't yakap ang isinalubong ko sakanya. Naramdaman ko naman ang pag responde ng mga bisig at kamay nito na ngayon ay nakapulupot at nakayakap na sakin. Narinig ko pa ang mahinang pag tawa nito na sobrang lalaking lalaki at nakakabaliw sa pandinig.







"You miss me?" Tanong niya. Tumango tango lang ako habang hindi tinatanggal ang pagkakayakap sakanya.







"Bakit ngayon ka lang? Ilang araw ka ng hindi umuuwi ng maaga. Hindi nadin kita naaabutan sa pag gising ko. Nakakainis ka." Sabi ko dito. Narinig ko muli ang kanyang pag tawa na para bang tuwang tuwa na inisin ako. Hindi kami naghiwalay, nasa ganong eksena lang kami habang nag eemote ako. Hindi naman siya nagreklamo binuhat pa nga niya ako at naka krus na ngayon ang mga hita ko sa kanyang bewang. Hindi kami gumalaw. Basta nakayakap lang ako habang karga karga niya ako.







Ang sarap sa pakiramdam na kayakap mo ang tanong mahal mo. Grabe lang mag pa miss ang lalaking to dahil nakakabaliw siya. Nakakabaliw sa pakiramdam.








Itutuloy....

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now