Chapter 27

15.9K 311 8
                                    


"Dzai, sabihin mo na kasi saakin. Baka mapano ka pa, buntis ka pa naman!" hindi ko pinakinggan si Laurie at patuloy parin sa pag-aaayos. Any minute darating na si Reanne, sinabi ko kay Laurie na ililigtas ko ang anak ko at si Reanne Anderson ang kasama ko.

Nagulat siya noong una pero kalaunan ay sige na sa pag-sasalita. Nakakainis! Ang ingay-ingay!


"Dzai, nag-aalala lang ako. Paano kapag hindi pa kayo nakauwi dumating na si Sir Astro?" natigilan ako dahil sa sinabi nito. Oo nga, paano na lang kaya?

Pero sabi ni Reanne madali lang daw, makakapasok naman ang sasakyan nito sa loob at hindi sila paghihinalaan.

"Laurie, makinig ka saakin. Makukuha namin kaagad ang mga bata. Mabilis lang kami, kapag natagalan kami edi pagtakpan mo ako. Promise ko sa'yo hindi ako mapapahamak o ang baby namin ni Astro." maya maya pa ay narinig ko na ang beep ng sasakyan sa labas. Ngumiti ako kay Laurie at niyakap siya.


"Nandiyan na si Reanne, Lur. Makakauwi narin ang kambal."

Hindi ko na hinintay pa ang mga gusto pang sabihin ni Laurie, naglakad na ako palabas ng kwarto at lumabas na ng bahay ng tuluyan.

Gagawin ni mamay ang lahat mga anak. Ililigtas ko kayo. Magkakasama na tayo.


"Agatha, let's go?" kinakabahan man ay tumango ako at pumasok na sa loob ng sasakyan.


























Mahigit dalawang oras din ang biniyahe namin ni Laurie. Pagdating namin sa isang mala-mansiyon na medyo makaluma na ang desinyo ay huminto na si Reanne. Pinatago niya ako sa back seat para kapag kinausap niya ang mga bantay eh hindi ako makikita.


Napahawak ako sa aking tiyan habang nagtatago.

Konti nalang baby, makikita na natin ang kuya at ate mo.


"Good morning ma'am Reanne, nasabi niyo po ba kay boss na dadating kayo?"


"No, I forgot to call him last night. Bakit? Bawal ba pumasok? Just wanna talk to him."



"Hindi naman po ma'am, naghigpit lang po ang sekyuridad."




" That's good. But then again, I am still your boss so I can easily get in right?"



"Oo naman po ma'am. Pasok na po kayo."


Maya-maya pa ay umandar na naman ang sasakyan at huminto naman din kaagad.

"Hey Agatha? Are you fine there? I'm sorry you need hide there."

"Okay lang Reanne, ano pwede na bang pumasok? Gusto ko ng makita ang kambal." tumingin siya saakin at mukhang may sasabihin.


"Ganito Agatha, you'll wait me upstairs kasi ibibigay ko ang susi ng kwarto ng kambal. After that I'm going to find my dad so I could talk to him, kapag napasok muna ang kwarto ilabas mo na sila agad. Ipasok mo sa kotse so that mailabas ko kayo. It that clear?" napahinga ako ng maluwag, I need to do this. Para kay Astro at sa mga kambal. Napahawak ako sa tiyan ko.

Kapit ka lang baby ah, mabilis lang 'to.






Lumabas na kami ni Reanne ng kotse, minabuti ko na hindi ako makita ng mga bantay. Todo ako sa pagyuko at paglinga para masure na walang nakakita saakin.

Nang makapasok na kami sa loob ay agad akong naglakad sa hagdan at naghintay sa pagbabalik niya. Bawat minuto na lumilipas sabay ng pamumuo ng pawis saaking noo at ang kalabog ng puso ko dahil sa kaba. Sana naman makuha ko ng maayos ang kambal at hindi kami mabuko ng daddy niya Reanne.


Pagkalipas ng mahigit sampung minuto, bumalik na si Reanne. Inabot niya saakin ang susi.

"Go Agatha, get your kids and stay inside my car." napapikit ako sa saya at nagpasalamat sa diyos noong inabot ko na ang susi.

"Salamat Reanne. Maraming salamat." bulong ko habang naiiyak na tumingin sakanya.


Matapos noon ay nagtungo na ako sa pangatlong kwarto. Idinikit ko muna ang tenga ko sa pinto pero wala naman akong naririnig na kung ano sa loob. Nandito ba talaga ang kambal? Sana naman.


"Nandito na si mamay anak." saad ko habang binubuksan ang pinto, luminga muna ako bago tuluyang pumasok sa loob.

Nasilaw ang mata ko dahil sa sinag ng araw. Noong naka-adjust na ang mga mata ko ay nakita ko ang dalawang anak ko na natutulog sa kama. Ang daming nagkalat na mga laruan sa paligid at sobrang daming chocolates sa lamesa.

Naiiyak na nilapitan ko ang dalawa at hinaplos ang mga mukha nila.

Noong napagtanto ko na delikado parin ang mga buhay namin agad ko na ginising ang dalawa. Sabay nilang kinusot ang mga mata nila.

"Ingrid, Jordan, nandito na si mamay, uuwi na tayo. Miss na miss ko na kayo." parang water falls na tumulo ang mga luha ko

"Mamay, bakit ang tagal ninyo?" umiiyak na saad ni Jordan, hinalikan ko ang noo nito, at paulit ulit na nag sorry. Si Ingrid naman ay umiyak na kalaunan dahil gusto na daw nitong umuwi.


"Oo mga anak, uuwi na tayo pero dapat behave lang kayo at huwag mag-ingay pwede ba 'yon?" tumango silang dalawa kaya pinunasan ko na ang mga luha nila. Pinatayo ko na sila at maingat na inilapag sa sahig.

Hinawakan ko ang mga kamay nila at at patuloy parin ang pagtulo ng luha.

Natatakot ako na baka mabuko kami ng daddy niya Reanne. At masaya ako dahil buhay at kasama ko na ang kambal ko.

Binuksan ko na ang pinto at muling hinawakan ang kamay ni Jordan. Noong wala naman akong naaninag na mga tao dali-dali kong inilabas ang kambal at dali-daling isinirado ang pintuan.


"Mamay, uuwi na po tayo?  Hindi tayo mag-byebye kay lolo?" natigilan ako dahil mukhang ang daddy niya Reanne ang ibig sabihin ni Ingrid.

"Ingrid huwag ka sabi magsalita, uuwi na tayo." nakasimangot na pagsaway ni Jordan sa kambal. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay nila. Iniwan ko ang susi sa isang table at kinarga na si Ingrid. Mahihirapan kami sa paglalakad kapag hindi ko kinarga ang batang 'to kumikembot kasi kapag naglalakad. Hinawakan ko na sa kamay si Jordan at nagtungo na kami sa labas ng bahay kung saan nakapark ang kotse ni Reanne.

Bubuksan ko na sana ang pinto noong narinig ako ng kalabog sa loob. Paglingon ko ay nakatingin si Reanne saakin habang nanlalaki ang mga mata. Pinapasok ko na si Jordan at sinunod si Ingrid.

"Pasok na Agatha, pababa na si daddy!" nahihintakutang saad ni Reanne. Agad akong pumasok at yumuko sa loob ng back seat. Hindi kami nakaupo sa upuan ng kotse.

Tinakpan ko ang bibig ni Ingrid habang sinasabihan ko si Jordan na tumahimik. Mabait naman na bata at  hindi nag-ingay, natagalan pa bago pumasok si Reanne dahil may pahabol pa na sinasabi and daddy niya sakanya.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagpasok ni Reanne at ang pag-andar ng sasakyan.

Tuluyan na kaming nakalabas ng mansion. Noong malayo na kami sa bahay na iyon ay pinakawalan ko na ang bibig ni Ingrid. Umupo narin kami ng maayos. Tahimik lang ako dahil naririnig ko ang paghikbi ni Reanne, alam kong nasasaktan siya dahil tinraydor niya ang sari niyang ama.

Niyakap ko at paulit ulit na hinalikan ang kambal ko, hindi ko sila pinaalis sa tabi ko at naiiyak na nagdasal sa diyos at nagpasalamat.





---U P D A T E D







GUMV:To My Boss "The Final Battle Of Hearts" (COMPLETED) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें