Chapter 9

15.4K 328 1
                                    

Tanging ang ingay lamang ng mga mamimili ang maririnig sa Mall. Tahimik at seryoso sa pagtatrabaho ang mga nadadaanan ni Astro. Bumaba kasi ito upang icheck ang mga empleyado niya.

Saktong paglingon ni Astro sa likuran niya nakita niya ang pagsipa ng lalaki sa timba na ginagamit ng janitor niya. Hindi naman niya maaninag ang mukha nito dahil sa buhok nito. Napakunot ang noo niya ng makitang sinadya talaga ito ng lalaki. Kokomprontahin sana 'to ni Astro ng tawagin ni Marian, sekretarya niya ang kanyang atensiyon.

"Sir, may tawag na po galing Manila." tumango laming si Astro at muling nilingon ang babae at lalaking sinadyang itulak ang balde.

Saktong nagkatinginan sila ng lalaki kaya inilihis nalang niya ang kanyang tingin at naglakad na pabalik sakanyang opisina.

"Mariana, ikaw na muna ang bahala sa Mall. Babalik na ako ngayon din sa Luzon. There is some emergency that I need to attend." tila nalungkot naman si Mariana, akala pa naman niya eh makakasama nila ng matagal ang boss nila, mukhang hindi rin pala. Mas concentrate talaga siya sa Luzon branch. Mas marami naman kasing opportunity na naghihintay sakanya doon. Maraming kumukuha sakanya bilang endorser ng iba't-ibang products.

"Yes sir."


~•~


"Dzai, wala tayong pasok sa linggo diba? Paano kaya kung magbeach tayo? Alam mo na ang sarap mag-beach ngayon!" ani Laurie habang nginunguya ang fish ball na nabili niya dito sa harap ng mall. Iyong akin ay isang buko juice lang.

"Pasensiya ka na Laurie, may... May gagawin pa kasi ako sa linggo." napagpasyahan ko kasi na ilabas ang kambal. Lagi akong nasa trabaho at pag-uwi pa ay gabi na.

"Ano ba 'yan dzai. Ke dalagang tao parang pasan ang mundo. Nagtatrabaho tayo ng buong araw tapos sa free time natin sa linggo, may gagawin ka?" nagdadabog na tanong nito. Natahimik lamang ako, baka kasi maisipan niya na mag-change topic, ayoko kasi sana na mapag-usapan namin ang tungkol sa pamilya ko.

"Pero dzai, share ko lang sa'yo ha. Pasensiya ka na kung masyado akong feeling close at clingy sa'yo. Kasi naman orphan na ako dzai." nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito, ngumiti siya saakin at tumango-tango habang nginunguya ang kinakain niya.

"Wala na akong family dzai. Kaya nga sobrang saya ko na ang bait mo, naging friends kaagad kita!" ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya.

"Hayaan mo sa susunod ako na ang mag-aaya sa'yo. Sobrang busy ko talaga sa buhay Laurie. Isa pa, naaalala mo ba 'yong lalaking natapunan ko ng tubig kahapon?"

Tumango ito, "Bakit dzai?" napayuko ako at napabuntong hininga, "hala dzai! Ex mo 'yon?" natatawang napatingin ako sakanya.

"Hindi no! Eh kasi inaya niya ako na magkita kami sa park bilang kabayaranan sa aksidenteng nangyari kahapon." tumango-tango ito,  maya-maya pa at ngumiti rin.

"Ikaw dzai ha, date 'yon! Siguro gusto ka nun? Saan ba kayo nag kakilala?" ngumiwi ako dahil sa sinabi nito.

"Hindi no!" pagdedepensa ko, anong date? Hindi na bagay ang date date saakin no!

"Saan nga kasi kayo nagkakilala?" pangugulit nito, napabuntong hininga na lang ako.

"Hindi 'yon date Laurie. Nagkakilala kami sa tindahan nila, medyo malapit lang kasi ang bahay namin sa grocery store nila." sinundot nito ang bewang ko kaya napa-igtad ako.

GUMV:To My Boss "The Final Battle Of Hearts" (COMPLETED) Kde žijí příběhy. Začni objevovat