Chapter 11

15.8K 349 19
                                    


Isang buwan na ang nakakalipas simula ng magsimula akong magtrabaho dito sa R.A mall. Sobrang saya ko dahil sa nakalipas na isang buwan gunman gaan ang buhay ko. Isa pa, nasabi ko na kay Laurie ang tungkol sa kambal. Noong una eh nagulat siya at hindi makapaniwala pero kalaunan ay natanggap niya na rin. Mandalas siyang pumunta saamin at makipag-bonding sa kambal. Sa loob ng isang buwan ang dami-daming nangyari, madalas ang naging pag-aaya ni Martin saakin na lumabas, noong una eh hindi ako komportable pero nung nagtagal eh nasanay narin. Kilala na rin niya ang kambal at mabait naman siya dito. Akala ko nga eh iiwasan na niya ako pero mas lalo siyang dumikit saakin.

"Dzai. Hindi mo ba talaga ipapakilala sa mga bata and daddey nila?" napasimangot ako dahil sa paraan ng pag-pronounce ni Laurie sa daddy. Hindi ko pa sinasabi kay Laurie ang pangalan niya pero alam ni Laurie ang storya ng buhay namin. Sa totoo lang noong una at noong mga nakaraan inis ang nararamdaman ko kay Astro pero ngayon parang wala na lang. Ang gusto ko na lang ngayon eh mas gumaan pa ang buhay naming mag-iina.

"Ayoko nga sabi, pero kapag ang panahon na ang nagsabi na dapat silang magkita edi magkita na. Pero hindi ko hahayaang kunin niya saakin ang mga anak ko." tumango lamang ito at naglinis na.

Hindi ko mapigiling isipin ang nakaraan. Noong panahong nararamdaman ko pa ang pagmamahal saakin ni Astro. Medyo bilang lang ang pagsasama namin pero lahat ng 'yon eh minahal ko. Lalo na siya, pero ang lahat ng 'yon ay ala-ala nalang. Pilit kong ililibing at mag-fo-focus nalang sa mga anak ko.

Busy ako sa pag-mop sa sahig ng first floor na malapit sa hagdanan ng tawagin ako ng isang guard.

"Ikaw ba si Agatha Bueno?" tanong nito, tumango lamang ako at sumagot ng oo.

"Pinapatawag ka sa fifth floor. Magreport ka raw kay Ms. Ocampo." kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ng guard. Ano daw? Sa loob ng isang buwan ngayon pa lamang ako pinatawag sa pagkataas-taas na floor na 'yon ah.

"Sige po, Chief." tumango lang ito saakin at may kinausap sa parang cellphone na mukhang parang radyo--ah ewan! Di ko alam ano 'yon.

Lumapit ako kay Laurie at nagpaalam na ibibilin ko muna sakanya ang panlinis ko dahil pinatawag ako. Kinuha niya naman 'to kaya nagpasalamat nalang ako.



















Mabilis ang aking paghinga ng makarating ako sa fifth floor. Jusko, ang layo-layo naman nito.

Nang makita ko ang long hair na guard ngumiti ako at sinabi na pinapatawag ako ni Ms. Ocampo.

Agad niya naman akong pinapasok. Pagpasok ko ay himala na hindi maingay ang mga nagtatrabaho  may nag-uusap pero bulungan.

Dumiretso ako sa office ni ate Mariana.

"Ate." pagtawag ko sa pansin ni ate, sumimangot ito ng makita ako at dali-daling tumayo.

"Alam mo naman kung gaano ko ka-crush ang boss natin diba?" tumango ako kahit medyo naguguluhan ako sa ibig sabihin ni ate.


"Bakit po ba?"

"Wahh! Ang swerte mong babae ka! Alam mo bang nandito ang amo natin? Office niya ang opisina na sumunod sa office ni ma'am Silvia. Agatha gusto kang kunin ni at i-assign sa office niya." nanlaki ang mata ko at napaturo sa sarili ko.

"P-po? Ako po?" tumango-tango si ate at niyakap ako.

"Naiingit ako! Ang swerte mo!" wow, hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko. Kasi naman pabigla-bigla. Kung tutuusin ang swerte ko, maliit na espasyo nalang ang lilinisan ko, pero paano si Laurie sa first floor?

"Hindi na po ako assigned sa first floor?" lumayo si ate saakin at ngumiti.

"Oo, tanging office nalang ni Sir ang lilinisan mo. At saka siyempre if he wants coffee or something ikaw ang uutusan niya. Hmm, bale parang nagging P.A ka narin niya." nanlaki ulit ang mata ko dahil sa huling sinabi ni ate, ano daw?!

Noong una't huli kong naging P.A naanakan ako, nagabago ang buhay ko. Teka nga--ba't parang suki ako ng P.A na posisyon sa trabaho?

"Sige na Agatha, second room galing dito ha? Kumatok ka muna."


"Sige ate, punta muna ako doon." wala sa sariling lumabas ako ng office ni ate. Malapit lang naman ang office na lilinisan ko pero habang tinititigan ko ito parang kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.

Napabuntong-hininga nalang ako at nagmadaling tahakin ang office ni boss.

Pagdating ko doon ay humigop muna ako ng maraming hangin. Hindi ko kasi alam pero kinakabahan talaga ako.

Maya-maya pa eh kinatok ko na ang pintuan.

"Come in."

Tila tumambol ang puso ko dahil parang pamilyar saakin ang boses na iyon. Parang kusang nakilala ng puso ko ang boses na apat na taon ko ng hindi naririnig.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at parang hindi na ako makahinga.

Pagpasok ko ay nakatalikod siya habang nakaupo sa swivel chair niya.

Yumuko ako at nagpakilala.

"Magandaw araw po Sir, ako po si Agatha Bueno, 'yong pinatawag niyo po." narinig ko ang paggalaw ng upuan nito.


"It's nice seeing you here, Agatha." napahawak ako sa puso ko at nanlaki ang mga mata dahil sa nakikita ko. Totoo ba 'to?

"Astro?" nakangisi ito saakin at naka-krus ang mga kamay. Hindi ko mapigiling hindi kabahan dahil ngayon kaharap ko na siya.

Tila bumalik saakin ang mga panahong nailagay ko sa alanganin ang mga buhay ng anak ko.

Bumuhay sa dibdib ko ang galit na ilang taon ko ring inilibing sa nakaraan.


"So... You're one of my employees huh. You're under my supervision...again." hindi ko maiwasang hindi manlumo dahil sa paraan ng pakikipag-usap nito saakin.

Siya ang naging dahilan kung bakit hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Okay, hindi lang siya ang may kasalanan. Kasalanan ko rin.

Naiiyak ako dahil sa muling pagkikita namin.

Natatakot ako na baka malaman niya kung nasaan ang mga anak ko. Teka, alam niya ba na may anak kami?

"Ikaw?" naiinis na tanong ko, alam kong halata na malapit o naiiyak na talaga ako. Pero naiinis ako sa paraan ng pagtingin niya saakin. Parang nang-iinsulto.


"Yes." tumayo ito at nakipagtitigan saakin.


"The one and only Astro Roque, your one and only boss." naiyukom ko ang aking kamao, walang hiyang lalaki!


"Pasensiya na po, aalis na po ako." tumalikod na ako pero napahinto ako dahil sa sinabi nito.


"Have you forgotten the old times Agatha? The time when you are so easy to get. Those time that you become my P.A, those time that you broke me." naguguluhan na napatingin ako sakanya. Anong broke me? Hindi ko siya sinira! Siya ang sumira saakin! Matapos ko siyang mahalin ng todo, malalaman ko nalang na ginamit niya lang ako?

At anong easy to get? Easy to get ba talaga ako? Eh nahulog lang naman ako sa kanya!

Tuluyan ng tumulo ang luha ko noong bumalik ako ng lingon sakanya. Pinunasan ko ito at tinitiga sakanya.

"Pasensiya na po kailangan ko ng umalis."












---U P D A T E D
How come this happened?! Haha, ano na kaya ang susunod na mangyayari. Please comment kayo.

GUMV:To My Boss "The Final Battle Of Hearts" (COMPLETED) Where stories live. Discover now