Chapter 5

16.4K 383 4
                                    

Mabilis ang mga hakbang na tumungo ako sa pinto ng mall, grabe naman kasi ang init sa labas ngayon, nakakasunog.

Sabi ni tiyo Mario ay heto ang mall na pinagtatrabahuan ni ate Marian. Madami ang tao gaya ng inaasahan ko. 'Yong iba ay magbabarkada, may magpamilya, at siyempre hindi mawawala ang mag-jowa.

Kung janitor talaga ang libreng position dito sa Mall eh papatusin ko na, basta makaipon lang ako sa susunod na pasukan.

"Good morning ma'am, welcome to R.A mall." bati ng gwardiya saakin sabay ngiti, binuksan ko na agad ang bag ko para ma-check niya na.

Nag-sign na siya na pumasok na ako kaya dumiretso na ako. Pero napabalik ako dahil naalala kong bilin ni tiya na magtanong ako sa guard.

"Manong guard, saan nga pala banda ang office of the secretary?" kumunot ang noo nito pero sinagot niya rin naman ako.

"Salamat po." hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Sumakay ako ng elevator papunta sa fifth floor kung nasaan ang buong palapag doon ay inuukupahan ng mga tauhan ng Mall.

Pagkalabas ko sa elevator ay nakita ko kaagad ang entrance, may guard doon na nagbabasa ng newspaper.

Nang malapit na ako sakanya ay lumipat na ang mata niya saakin. Medyo may katabaan si manong guard at malalaki ang mga braso, may mahaba din siyang buhok kaya parang nakakatakot siyang tignan.

"Magandang umaga po, may appointment po ako kay Ms. Ocamp." sumenyas ito na maghintay muna ako kaya tumango lang ako. May kinuha siya sa lamesa niya na telepono pala.

Iginala ko muna ang mga mata ko sa loob ng white glass na nagsisilbing wall mula dito sa labas. Ang nakikita ko lang ay mga empleyadang busy sa pagtipa sa computer nila. Maraming walls kaya hindi ko makita kung ano pa ang meron sa loob.

"Hintay lang ma'am, lalabasin ka daw ni Ms. Ocampo." tumango lang ako sa itinuran ni guard.

Wala pang limang minuto ay lumabas na si ate Marian.

"Agatha, mabuti at dumating ka na." ngumiti ito saakin at niyakap ako.

"Pasensiya ka na at na-pirmahan na pala ni ma'am Silvia ang mga documents ng mga pumasa bilang sales lady. Hindi mo naabutan. Tanging ang janitor area lang ang kulang kami." ngumiti lamang ako at tumango

"Ano ka ba ate, hindi mo yata alam na naging working student ako four years ago, tagalinis lang naman ako ng mabalahurang amo ko." tumawa ito pero kinurot niya ang braso ko kaya napangiwi ako.

"Shut up, baka may makarinig sa'yo. Diba sabi ko sa'yo na ayaw ng amo ko ang inappropriate behavior." napatikom ako sa bibig ko dahil sa narinig, inilibot ko ang aking tingin.

"Sorry ate, nakalimutan ko."

Hinila niya ako sa gilid, may sasabihin yata ito pero tinawag siya ng isang empleyado mula sa loob.

"Ms. Mariana, may tawag po mula sa Luzon branch."

Lumaki ang mata ni ate, iniwan niya muna ako saglit at pinuntahan ang tumawag sakanya.

Maya-maya pa pinapasok na ako ng guard at itinuro saakin ang opisina ni ate.

"Oh, Agatha ipapasa kita kay ma'am Silvia ha, siya ang may hold sa employees namin. Ipapasa mo lang sakanya ang bio-data mo. Huwag kang mag-alala, pasok ka na bukas ka mag-s-start okay?" napayakap ako kay ate dahil sa narinig, hindi ko akalaing ganoon kabilis. Kapag may kakilala ka talaga sa loob ang bilis bulis makapasok.

"Salamat ate."

"Oh sige, pumunta ka sa next office, katukin mo lang si ma'am Silvia, may kailangan pa akong i-announce sa mga kasama ko. Good luck for your new found job."

Una akong umalis kesa kay ate, pero nakasunod naman siya agad saakin. Pumunta siya sa gitna kung saan nandoon sa kanya kanya nilang cubicle ang mga busy na empleyado. Sinilip ko ang office ni ma'am Silvia, glass lang din kasi ito kaya nakikita ko sa loob si ma'am. May kausap itong babae, kinatok ko na ang pinto na agad namang nakatawag ng pansin kay ma'am Silvia. Nakita ko ang pagtayo niya papunta saakin.

"Guys! We need to be ready, our boss will visiting us on Wednesday."

Napalingon ako kay ate Marian dahil sa sinabi niya. Sari-sari agad ang narinig kong reaksiyon mula sa mga empleyado.

"Ikaw ba si Ms. Bueno?" bumalik ang tingin ko sa harapan ng marinig ang boses ni ma'am Silvia.

"Ah, yes po. Ako po si Agatha Bueno ma'am." pinapasok niya ako at pinaupo sa isa pang upuan na nasa harap ng table niya.

Hiningi niya saakin ang bio-data ko at may ilang mga pinapirmahan at sinabi saakin si ma'am. Kabilang na doon ang pagdating ng boss nila o namin sa Wednesday.

"Nga pala, Agatha, heto si Laurie Sanchez, bagong hired din siya na janitor, magkasama kayo sa first floor ha. Doon kayo madidistino." napatingin ako kay Laurie, medyo kayumanggi ang balad nito at may bangs. Ngumiti ako sakanya. Mukhang makakasundo ko ito. Mabuti nalang may kasabay ako.

"Bago kayo umuwi sumama muna kayo saakin. Ibibigay ko ang uniform ninyo. Dalawang pares lang iyon kaya igihin niyong malabhan dahil rules ni boss na kailangan well uniformed ang mga employees niya." tumango-tango ako at ganoon na din si Laurie.

"Ang sweldo ninyo ay kada isang buwan, pwedeng mag-advance pero sa kalagitnaan na ng buwan. Ginanon narin ni boss para uniform lahat. Alam muna medyo strict ang boss natin pagdating sa organization." ngumiti ito at tumayo

"Sumunod kayo saakin okay?"

Dinala kami ni ma'am Silvia sa isang parang bodega, maraming boxes. May laman pala itong mga supplies para sa lahat ng empleyado dito. Gaya nalang ng mga sabon o kagamitang panglinis para sa janitors, meron ding mga inks, bond papers at iba pa para sa mga de opisina ang trabaho.

"Heto sa'yo Laurie, at eto naman sa'yo Agatha. Pwede niyo 'yang isuot kapag nandito na kayo. Ngayon naman ipapakita ko sa'yo ang locker room ninyo. Kasama niyo doon ang iba pang janitors."

Medyo malayo-layo pa ang nilakad namin papasok, maraming kwarto dito sa likod ng office na nasa harap, medyo madilim din ang pasilyo.

"Heto ang locker room ninyo. Number 09, tara at pumasok tayo." kumatok muna si ma'am saka binuksan ang pinto.

May apat na tao sa loob, bumati sila kay ma'am Silvia habang ngiti lang ang binigay nila saamin.

"Eto nga pala si Agatha Bueno at Laurie Sanchez, bagong hired sila, nasaan ba ang mga di pa nagagamit na lockers diyan?" itinuro ng isang lalaking may katandaan na ang mga lockers na wala pang may-ari.

"Anong gusto niyong numero Laurie? Agatha?"

Itinuro ko ang number twenty three dahil 'yon rin ang edad ko. Marami ang lockers dito kaya maraming numbers pa ang pwede pagpilian. Si Laurie naman ay 15 ang kinuha.

Nang makalabas na kami sa kwartong iyon ay dumeretso na naman kami sa office ni ma'am. Ibibigay niya kasi saamin ang susi ng locker namin.

Nang matapos na kami ay sabay na kaming bumaba ni Laurie, hindi na nga ako nakapagpaalam kay ate Mariana. Makikitext nalang ako mamaya kay tiya Melanie.

"Saan ka ba nakatira, dzai?" tanong ni Laurie.

"Malapit lang din dito. Ikaw ba?"

"Malapit sa palengke 'yong akin. Sige dzai, mauna na ako ha? Kitakits nalang tayo bukas. Agahan mo ha para sabay tayo. Bye dzai." napakunot  ang noo ko dahil parang may call sign na agad ito saakin.

Napangiti din ako kaagad. Mukhang may bago na akong kaibigan.

Mula sa labas ng mall, papasakay na sana ako ng mahagip ng mata ko ang isang tarpaulin na nakasabit sa taas ng mall.

Napatakip ako sa bibig ko ng makumpiramang si Astro iyon.

Astro Roque, the highest paid bachelor. The number one top businessman in the Philippines.

---U P D A T E D
Sorry sa typo errors.

GUMV:To My Boss "The Final Battle Of Hearts" (COMPLETED) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz