Chapter 20

16.8K 282 8
                                    

[Hello? Agatha? Ikaw ba 'yan?]

Palipat lipat ang mga mata ko, nandito ako sa labas ng bahay ni Astro. Nakihiram lang ako sakanya ng cell phone para makamusta ko ang kambal.

"Oo tiya, kamumustahin ko sana ang mga bata." ani ko habang palinga-linga, hindi pwede na marinig ni Astro ang pag-uusap namin, hindi pa ako ready na sabihin sakanya. Natatakot ako na baka mabigla siya, magulat at bigla nalang humingi ng space.

Sa lumipas na apat na taon ang alam niya patay ang anak namin ngayong nagkita at nagkaayos kami hindi ko man lang nabanggit agad?

Pasensiya, pero hindi ko pa talaga kaya.

[Naku, hinahanap ka na nga eh. Umuwi ka na Agatha, dalhin mo nalang 'yang lalaki dito ng makilala din namin ng tiyo mo.] napapikit ako dahil sa minungkahi ni tiya, kung tutuusin papayag si Astro na sumama saakin para makilala ang pamilyang tinutuluyan ko pero hindi pa talaga ako handa.

"Pasensiya na po tiya, sa susunod na lang po. Inaayos pa kasi namin lahat sa pagitan namin." totoo naman, inaayos namin ang relasyon namin, pero oo din, nagsinungaling ako kay tiya hindi ko sinabi na hindi pa niya alam.

"Ang kambal po? Nandiyan po ba sila?" tanong  ko, bumuntong-hininga ito.

[Nako anak, nakalimutan mo ba na nag-aaral na sila? Ayun at nasa classroom nila. Huwag kang mag-alala, sinabi ko kay Laurie ang sitwasyon mo, doon nga natulog kagabi sa bahay para mabantayan ang mga bata.] napapikit ako dahil sa ginhawa, salamat naman at naroon si Laurie, alam na alam niya talaga kung paano ako matutulungan.

"Ganoon po ba? Salamat po ng marami tiya, babawi po ako. Kuhanan niyo nalang ng budget sa wallet ko na nasa kwarto. H-Hindi ko pa po kasi alam kung kelan ako papayagan na umuwi."

[ Okay ka lang ba talaga diyan? Siguradong hindi ka sinasaktan ng lalaki?] napangiti ako dahil sa pag-aalala saakin ni tiya, namiss ko tuloy si mama.

"Sure na sure po tiya Mel. Maraming salamat po ah? Mag-ingat po kayo lahat diyan. Ibababa ko na po." pagpapaalam ko, nakita ko kasing papalabas na si Astro ng bahay. Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni tiya at binaba na ito.

"Ano? Tapos mo ng tawagan ang tita mo, darling? We can go now?" saktong pagdating nito ay nababa ko na, hindi na 'yon narinig ni tiya. Ngumiti ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa cellphone niya. Tumango ako kaya naglakad na ito papunta sa kotse niya.

Noong nakatalikod ito ay dinilete ko ang number ni tiya sa recent calls.

Saktong pagpatay ko sa cellphone ay nabuhay ulit ito.

May tumatawag!

Pagtingin ko ay si Mr. Anderson ang tumatawag.

"Darling, may tumatawag sa'yo." napahinto si Astro at muling bumalik sa kinaroroonan ko. Binigay ko sakanya ang phone.

Kumunot ang noo niya at sinabing sasagutin niya muna. Lumayo siya ng kaunti at tumalikod saakin.

"What?"

"I told you, I am not interested and I will never sell my mall."

"What? I don't even know your daughter and please, I am engage already. Yes--you heard it right? Stop bothering me. I don't find your daughter pleasing and likeable."

"You are talking nonsense Mr. Anderson, I'm hanging up."

Hindi ko masyadong narinig ang pinag-usapan nila dahil minsan ay mahina ang boses ni Astro, noong nakita kong tapos na itong kausapin ang caller eh ibinaling ko sa iba ang pansin ko, baka isipin niya chismosa ako at nakikinig sa usapan ng iba.

GUMV:To My Boss "The Final Battle Of Hearts" (COMPLETED) Where stories live. Discover now