Chapter 4

16.5K 339 4
                                    


"Ate maraming salamat, aabangan ko na lang ang update mo bukas."

Pagpatak ng alas otso ng gabi bumiyahe na si ate papunta sa apartment. Maaga pa kasi ang pasok niya bukas. Marami daw siyang i-aarrange na mga papeles dahil namention na ang amo niya na baka next week makakabisita siya sa mall niya.

"Don't worry Agatha, may slot pa siguro iyon." ngumito ako at napabuntong hininga,

"Sana ate."

Pinaandar na ni ate ang motor niya at tuluyan na nga siyang kinain ng dilim.

"O sige na Agatha, pumasok ka na. Baka hinihintay ka ng mga bata sa loob." nilingon ko si tiya Melanie, impossible, kanina ko pa pinatulog ang mga batang iyon.

"Naku tiya, mahimbing na po ang tulog ng mga bubwit."

"Bibili po sana ako ng gatas at biscuits ng mga bata. Bio-data narin po, saan po ba may malapit na tindahan?" sumimangot si tiya at may itinuro.

"Iisa lang ang tindahan dito Agatha, alam mo na, medyo may pagka village kuno itong street namin. May makikita kang ilaw doon sa unahan. Grocery store iyon. Makikita mo lahat ng kailangan mo, pwera sa mga bagay na makikita sa department store haha." tumango ako at sinubukang silipin kung may makikita ba akong liwanag. Ah, ayun! Medyo malapit lang din naman sa bahay. May limang bahay akong dadaanan bago makarating doon.

"Mag-ingat ka sa may-ari ng store at mukhang nagtatambay na naman iyon doon." kumunot ang noo ko, "Bakit naman po tiya?" kinapa-kapa ko ang along bulsa upang malaman kung nasa bulsa ko ba ang two-fifty kong pera. Mabuti naman at meron, hindi na ako papasok sa loob lalo pa't nasa sala si tiyo Mario, ewan ko ba, nahihiya ako sa asawa ni tiya.

"Reklamo kasi ng mga dalaga dito sa street namin eh may pagkamanyak iyon." natawa naman ako sa sinabi ni tiya.

"Sus, hindi naman po ako nagpapamanyak, sige po, bili muna ako."

"Oh sige, sige, hihintayin kita sa loob. Ingat."

Lumabas na ako at nilakad ang pagitan mula sa grocery store na iyon.

Grocery store?

Naalala ko tuloy si manang Zuzi, kamusta na kaya siya? Si Lily pa at lalo na ang tarantadong mokong na 'yon. Kahit naman nagagalit ako sakanya, minsan naiisip ko rin siya. Kasi naman lumalaki na si Ingrid at Jordan, natatakot ako baka hanapin nila saakin ang Papa nila. Wala akong maipapakita sakanila. Wala akong pangalan na mababanggit. Kasi ipinangako ko sa sarili ko na hangga't hindi gumagawa ng paraan ang tadhana na malaman nila, hinding-hindi nila malalaman. Pero paano ko mapagtatakpan?

"Good evening miss beautiful." natigilan ako ng batiin ako ng using security guard. Hay, nakaabot na pala ako. Nginitian ko lang ito at pinagbuksan naman niya agad ako. Sa labas kasi ang pwesto niya.

Agad kong naramdaman ang lamig ng paligid. Sosyal pala ang grocery store na ito na located sa street nila tiya, de aircon.

Hinanap ko kaagad ang mga bibilhin ko, gatas at biscuit nila Ingrid at Jordan. Medyo natagalan pa ako kasi sinubukan kong hanapin ang bio-data pero wala akong nakita. Magtatanong nalang ako sa cashier.

"Excuse me..." sumalubong saakin ang nakangiting lalaki na kanina'y nakaharap sa computer niya.


"Yes miss?" nanindig ang balahibo ko ng marinig ko ang boses niya. Tsk, baka hindi na ako nasasanay na kumausap ng lalaki.

"Babayaran ko 'to. Uhm, meron ba kayong bio-data form?" tumitig muna ito saakin at saka ngumiti na naman.

"Oo meron, ilan ba, miss?" sumagot naman ako ng dalawa at ibinayad ko na ang two hundred pesos ko. Maliit lang na gatas muna ang binili ko at iilang piraso ng biscuit. Naisip ko kasi na kapag ipapasa ko na ang form ko bukas, doon na lang ako bibili ng mas malaking gatas at biscuit.

"Bago ka lang ba dito?" tanong nito habang sumusulyap saakin at tumitipa sa computer.

Hinihintay ko na lang kasi na mabalot niya ang binili ko at iyong sukli ko.

"Oo." tumango-tango ito,  nang maabot ko na ang binili at sukli ko ay tumalikod na agad ako. Giniginaw na kasi ako.

"Saan banda ang bahay mo Miss?" pahabol nito, hindi ko na siya nilingon pero sinagot ko naman, baka masabihan pa akong walang modo.

"Diyan  lang, malapit." agad na akong naglakad, nang malapit na ako sa pinto at bubuksan na sana ni manong guard, narinig ko na naman ang boses  niya.


"Nice to see you here, ako nga pala si Martin." umikot ang mga mata ko, naiirita ako sakanya, di ko alam kung bakit.

"Buksan mo na guard," mahinang saad ko. Binuksan naman ito ni guard kaya nakalabas na ako.

"Grabe guard. Pakisabi sa amo mo, masyadong masyadong maginaw ang air conditioner niyo." napakamot lang ito kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.






~•~



"Tiya Melanie, tiyo Mario. Handa na po ang agahan." agad naman na lumapit silang dalawa. Nauna si tiyo sa pagkain dahil maaga siyang papasada.  Habang si tiya naman ay busy sa cell phone niya.



"Mamaya na iyan tiya," saad ko, saglit lang itong lumingon saakin at making tumipa sa cellphone niya.

Tumungo naman ako sa kwarto para puntahan ang mga anak ko. Tapos ng maligo ang mga iyon at kakain na.

"Mamay, may sokolit pa ba na naiwan kahapon?" agad na tanong ni Ingrid.

"Kagabi anak, oo meron pero kakain ka muna, at saka bilinan mo naman si Jordan." sinuklay ko muna ang buhok nilang dalawa, umagang-umaga nakasimangot ang Jordan ko.

"Ayaw naman pow ni Jordan eh." sumimangot lang si Jordan at yumakap sa baywang ko.

"Mamay kailan tayo babalik kay lala?" tanong ni Jordan, medyo maayos na ang pagkakabigkas ni Jordan sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"Matagal pa anak, dito na kayo magtatrabaho at dito narin mag-wowork si mamay." mas lalong sumimangot si Jordan kaya pinisil ko ang pisngi nito.


"Hali na nga kayo at kakain na tayo." Hawak ko sila sa magkabilang kamay at sabay kaming nagtungo sa kusina.

"Naku Agatha, okay na daw ang sales lady ng mallul nila. Aprobado na kasi daw ng boss nila ang nagsumete ng application letter noong mga nagdaang araw."

Nabitawan ko ang anak ko dahil sa narinig ko. Sinalubong ba naman daw ako ng ganoong balita.

"Pero kailangan nila ng janitor. Kung gusto mo kukunin ka na ni Mariana. Kukunin mo ba? Huwag kang mag-alala malaki magbigay ng sweldo ang amo ni Mariana basta maganda ang performance. Performance base kasi iyon."

Napalingon ako sa mga anak ko na nasa kandungan ni tiyo Mario at nakikisalo sa pagkain nito. Lumingon si Ingrid saakin at ngumiti.

"Mamay, kain na tayooooo." tumango lamang ako at ngumiti.

"Sige tiya, sabihan mo si ate na kukunin ko. Ipapasa ko mamaya ang bio-data ko." ngumiti si tiya at hinila na ako papunta sa lamesa.

"Ako na bahala." aniya












---U P D A T E A G A I N

GUMV:To My Boss "The Final Battle Of Hearts" (COMPLETED) Where stories live. Discover now