Chapter 6

15.5K 359 8
                                    


"Son, don't you wish to have your own family?"  pilit na pagkukulit ni Roquita sa kanyang anak. Di alintana ang pakikinig ng sekretarya nito na naghihintay sa amo.

"As what I've said mom, I am busy with my business."

"I guess, it was a bad idea to let you handle a three branch of our mall." Natigilan si Astro at natatawang napatingin kay Roquita. "Our mall mom?" tanong nito, tumalikod na siya dito at kinuha kay Rose and brief case niya na naglalaman ng mga importanteng papeles.

"It's not our mall mom, it's my mall." tila naman natigilan si Roquita at hindi na nakasagot pa.

Habang si Astro naman ay tuluyan ng umalis sa opisina niya. Habang naglalakad palabas si Astro ay iniisa-isa niya ang mga paalala niya kay Rose .

"Don't forget to call the Mindanao branch, on Wednesday, I'll be visiting there." tumango-tango si Rose at pilit hinahabol ang amo, napakabilis kasi nitong maglakad. Bawat segundo't oras kasi nito'y importante sakanya.

Napailing si Rose at naisip 'Kaya hindi pa nagkakaasawa eh.'

Huminto si Astro.

"I'll be going now Rose." ngumiti si Rose at napa-thumbs up sa ilan bang staff ng mall na nanonood sa pag-alis ng masungit nilang amo.

"Sige sir, Ingat!" tuluyan ng pumasok sa kotse niya si Astro, hindi mapigilan ni Rose na mapangiti ng malapad. Ang tunog ng pag-andar ng makina ng sasakyan ay parang masarap na musika sa tenga na nagpapabilis ng tibok ng puso niya. Malapit na!

Mabilis na pinaandar ni Astro ang sasakyan.

Nang nakaalis na si Astro ay nagtatakbong nakangiti si Rose sa napasigaw niyang mga kasamahan.

"Grabe! Mabuti nalang naisipan ni sir na bisitahin ang ipa pa niyang branches."

"Hindi iyong lagi nalang siyang dito, napakahigpit! Baka nga araw-araw tayong malagas dito eh." lahat sila tumawa dahil sa turan ng kasama nilang 'yon.

Sa sobrang strikto talaga ni Astro ay parang gusto na ng mga empleyado niya na araw-araw nalang siyang mamalagi sa iba niya pang branch.

Malas talaga nila at dito nakatira si Astro, minsanan niya lang  na madalaw ang iba pang branch, tuloy sila ang napagiinitan ni Astro.

"Anong tinatawa-tawa niyo diyan?" natigilan sila ng marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Ang dati nilang boss!

Nanlaki ang mata ng ilan ngunit ang iba naman ay chill lang. Habang si Rose ay natatawa sa naiisip niya.

"Wala po ma'am." ani ni Rose,  umirap lamang si Roquita at naglakad patungo sa labas ng mall kung nasaan ang kotse niya.

"Alam niyo ba na pinipilit na ni madam si sir na mag-asawa?" hindi mapigilang kwento ni Rose  kahit talaga strikto si Astro pagdating sa attitude nilang lahat hindi nila maiwasang mapag-usapan ito.

"Hindi naman nakakagulat. Eh tumatanda na si sir! Dapat nga may isa o dalawa na siyang anak sa edad niyang twenty-seven eh." komento ng isa

"Hay ewan, back to work na at baka bumalik si sir dahil naririnig niya tayong nagchichismisan." ani ni Rose na nagpatawa sa iba pa niyang kasamahan. Pumasok na ulit sila ng mall na maluwag ang pakiramdam. Para tulo'y silang bagong laya.





GUMV:To My Boss "The Final Battle Of Hearts" (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon