Chapter 25

15.9K 284 14
                                    


Unti-unti kong minulat ang aking mga mata.

Tahimik ang paligid at halos puti ang nakikita ko sa paligid.

"Dzai! Gising ka na! Teka--tatawagan ko si tita Melanie!" hyper na saad ni Laurie, pagtingin ko sa orasan ay alas sais na pala ng gabi.

Agad agad na ibinalita ni Laurie kay tiya ang pagkagising ko.

"Tita gising na po si Agatha! Po? Sige po! Maghihitay po kami." matapos nitong kausapin si tiya ay agad itong lumapit saakin, mapait akong tumingin sakanya.

"Ano dzai? May masakit ba? Gusto mo ba ng tubig?" sunod sunod na tanong nito. Pero wala akong gusto sagutin sa mga tanong niya. Ang gusto ko ay sagutin nito ang mga tanong ko.

"Nakita na ba ang mga anak ko Laurie?" matapos ang ilang minuto na magtahimik at pagtitig sakanya e nakapagsalita narin ako.

Umiling ito at malungkot na hinawakan ang kamay ko.
"Hindi pa dzai, pero ginagawa naman ni Sir Astro ang lahat. Nag-file nga ako ng leave para mabantayan ka dito eh, payag na payag si Sir." napapikit ako dahil mukhang tutulo na naman ang mga luha ko.

Bakit ganoon? Ilang buwan, araw at oras ko ng hindi nakikita o nakakausap ang mga anak ko. Malaman ko lang na buhay sila at nasa maayos na kalagayan okay na saakin. Basta ba... Makausap ko lang sila.

"Nasaan si Astro?" pagmulat ko ng mga mata ko ay sabay ng pagtulo ng luha ko, hindi ko maitago ang lungkot at kaba dahil hanggang ngayon hindi parin nila nahahanap ang mga anak ko.


"Nasa Manila parin, alam na niya ang nangyari sa'yo at sobra siyang nag-alala. Tatapusin niya lang daw muna ang problema sa branch niya sa Luzon at babalik na siya dito baka bukas o sa susunod dzai." mapait na napangiti ako, hinang hina na ako at gusto kong makasama si Astro, gusto na may paghugutan ako ng lakas, pero paano? Busy siya sa trabaho niya at siya ang kailangan ng trabahong 'yon.


"Huwag ka ng mag-alala dzai, alam mo ba may good news ako sa'yo." napatingin ako sakanya dahil sa sinabi  nito, sobrang lapad ng ngiti niya at hindi ko mawari kung ano ang good news niya, kung sana ang good news niya ay nakauwi na ang kambal tiyak na masisiyahan ako.

"Ano naman 'yan?" bored kong tanong, pumikit ulit ako at sinubukang alahanin ang mga nakangiting mukha ni Ingrid at Jordan.

"Magkakapatid na ang kambal, dzai buntis ka." sabay hawak nito sa tiyan ko, napamulat ako at nanlaki ang mga matang napatingin kay Laurie, seryoso ba siya? Buntis ako?


"Oo dzai, buntis ka ulit." nakangiti nitong tugon

"A-alam ba 'to ni Astro?" gulat na gulat kong tanong, umiling si Laurie kaya napaupo ako, mula sa pagkakahiga ay bumangon ako.

"Pahiram ng cell phone Laurie, tatawagan ko si Astro." masaya kong saad,

"Hindi ba mas mabuting personal mong sabihin sakanya? Baka sa susunod na araw umuwi na siya."

Tama si Laurie, mas mabuting personal kong sabihin sakanya.

Maya-maya pa, dumating si mama at tiya na may dalang mga pagkain. Binilinan nila ako na huwag magpa dehydrate dahil makasasama sa bata.

Masayang-masaya ako dahil sa pagdating ng bago naming baby. Excited na nga akong sabihin kay Astro, minsan naiisip ko na tawagan na lang siya at sabihin kaagad pero naiisip ko rin na worth the wait ang pagbabalita ko sakanya kapag nakauwi na siya.




GUMV:To My Boss "The Final Battle Of Hearts" (COMPLETED) Where stories live. Discover now