Chapter 16

15.9K 382 20
                                    


Time flies so fast ika nga ng lahat. Pero siyempre dipende kung ano ang pinagkakaabalahan.

Noon ang liliit ng mga babies ko ngayon mag-aaral na sila. Naluluha ako dahil nakikita ko ang dalawa na suot-suot ang school uniform nila at nakangiting suot ang pack bag nila.

"Mamay may sokolit na pow ba sa bag kow?" inosenteng tanong ng Ingrid ko, tumango ako sakanya at ngumiti ng matamis, matapos nun ay tinignan ko si Jordan, pinalapit ko siya saakin.

"Dahil ikaw ang kuya, lagi mong babantayan si Ingrid ha? Ingrid, hindi magpapasaway, hindi maghahanap ng gulo at always behave lang, okay ba?" tumango-tango si Ingrid habang ang baby Jordan ko naman ay sumimangot

"Oh, bakit nakasimangot ang pogi kong baby?"

"Sama po kayo saamin..." mahinang bulong nito, lumambot naman ang expression ko dahil sa inakto nito.

Kung isa lang akong plain house wife, siguradong mababantayan at makakasama ko palagi ang mga anak ko. Pero hindi eh, ako ang bumubuhay sakanila. Ako 'yong naghahanap buhay.

"Jordan apo, sasamahan ka naman ng lala Mel mo eh, ihahatid ka pa ng lolo Mario mo," nakangiting tugon ni tiyo,  nakahinga ako ng maluwag dahil sa pagsalba ni tiyo saakin.

"O siya, sige na mga apo. Ingrid, hali ka na. Tara na Jordan?" malumanay na saad ni tiya sa mga bata.

Lumapit naman sila agad nito. Hinalikan ko sila sa pisngi at inulit muli ang mga bilin ko kay Jordan.

Nang makaalis na sila ay ni-lock ko na ang bahay. Wala namang maiiwan dito dahil babantayan ni tiya ang mga bata habang si tiyo naman ay mamamasada.

"Agatha..." napalingon ako saaking likuran ng makita ko si Martin, napangiti ako at lumapit sakanya.

"Martin, bakit ka nandito?" tanong ko, nakababa ang bintana ng kotse niya kaya klaro kong nakikita ang mukha niya.

"May sasabihin sana ako sa'yo at ihahatid narin kita sa mall." napatango naman ako at mabilis na sumakay.











Tahimik lamang ang biyahe namin. Minsan sa isang linggo dinadaanan ako ni Martin ng dalawa hanggang tatlong beses, noong una eh nahihiya ako dahil sobrang mahal na gasoline ngayon pero kalaunan eh nasanay narin.

Bago kami dumeretso ng mall e bumili na ako ng paboritong kape ng damuho, nakakahiya naman sakanya kung mapatagal ang order niya.

"Paborito talaga ng boss mo 'yang kape na 'yan no?" pagbasag ni Martin sa katahimikan. Hay, bakit 'yong lalaki pa na 'yon ang topic namin?

"Oo e," mandalas nga akong pinapabili.

"Nga pala Martin, ano ba 'yong sasabihin mo?" tanong ko habang nakatingin sa labas, malapit na kami sa mall hindi pa niya sinasabi.

"Ano kasi...iimbitahin sana kitang sabay mag-dinner mamaya. Don't worry susunduin kita." napalingon ako sakanya, tumingin din ito saakin saglit at ipinakita ang ngiti niya.

"Oo ba, diyan nalang banda Martin." inihinto naman ni Martin said gilid ang kotse. Hindi ko naman pwedeng tanggihan ang gwapong 'to. Isa pa simpleng dinner lang naman ang gusto niya.

Ngumiti ako sakanya at nagpasalamat bago ko sinara ang pinto ng kotse.

"Hoy dzai!" naiinis na pagtawag saakin ni Laurie, awtomatikong nag-peace sign ako sakanya.

GUMV:To My Boss "The Final Battle Of Hearts" (COMPLETED) Where stories live. Discover now