Chapter 2

21.1K 401 10
                                    


"Tiya Mel, saan ko po ilalagay itong bag namin?" tanong ko rito habang inaangat ang bag mula sa jeep.

Inabot naman ito ni tiya Mel at saka isinakay sa isang tricycle na may kalumaan na.

"Nga pala Agatha, eto ang tiyo Mario mo. Tricycle driver siya at araw-araw pumapasada 'yan kaya sobrang okay lang talaga na saamin muna kayo titira." ngumiti ito at inabot pa ang isa pang backpack na dala namin.

"Oh siya, eto na ba ang mga apo ko? Ke ganda't gwapo naman pala." tumingala ang anak ko at mas lalong sumiksik saakin. Hinawakan ko ang ulo niya at menasahe iyon.

"Huwag ka ng matakot anak, si lola Mel mo 'yan at 'yan naman si lolo Mario, sa bahay nila tayo tutuloy." nginitian ko ang anak kong gwapo at kinurot ang pisngi niya. Napaka-tahimik, mabait at medyo ilag ang anak kong 'to. Siya si Adam Jordan Bueno, habang ang babae ko namang anak ay mahimbing ang pagkakatulog sa aking bisig. Siya naman si Ingrid Kamilah Bueno, kabaliktaran naman siya ni Jordan, sobrang daldalin nito at nakikipagsalamuha sa ibang tao kahit hindi niya pa kilala.

"Oh sige na. Sakay na, para makapagpahinga na kayo sa bahay." hinila ko na si Jordan at sa likod kami sumakay.

Napagpasyahan ko na manirahan dito sa bahagi ng Mindanao. Naisip ko kasi na may sapat pa naman akong pera upang pumunta dito. Gusto kong mailayo ang mga anak ko sa magulo at masalimuot na buhay ko doon. Pagkatapos ng apat na taong pamamalagi ko sa bahay napapansin ko na ang unti-unting pagkaubos ng pera na isinuhol saakin ni madam R kaya naisipan kong magsimula ng magtrabaho at napili ko dito. Bukod sa mag-aaral na ang mga anak ko sa kindergarten na mas magandang dito nalang sa probinsiya, makakatulong saakin si Tiya Mel, wala kasi itong trabaho at wala naring pinapaaral. Matagal ng graduate si ate Mariana na isang secretary ng may-ari ng Mall dito sa lugar na 'to. Kaya libreng-libre kami dito.








"Tiya Melanie, maraming salamat po talaga sa pagpapatuloy saamin. Salamat po at tinaggap niyo ang pakiusap ni mama." hinawakan niya ang mga kamay ko at ngumiti.

"Matanda na kami ng asawa ko, iyong anak ko naman ay malaki na at baka ilang taon nalang ay bubuo na ng sarili niyang pamilya. Masaya ako na kahit ganoon man, may makakasama parin kami ni Mario. Isa pa, masarap kasama ang mga bata."  sabay kaming natawa ni tiya, totoo naman kasi, bukod sa ang ku-cute ng mga batang 'yon, nakakaaliw din talaga sila.

Nandito kami sa sala ni tiya, si tiyo Mario ay namamasada na. Habang si ate Mariana naman daw ay sa linggo pa uuwi. May apartment daw kasi 'to malapit sa Mall.

"Ano ng plano mo ngayon Agatha? Magtatrabaho ka ba? Diba i-eenroll mo na ang mga anak mo sa kinder?" tumango ako, naguguluhan pa kasi talaga ako, gusto ko sanang magtayo nalang ng negosyo pero hindi na aabot ang pera ko. Hindi pa sigurado niyan na mababawi ko ang puhunan ko. Kaya naman napagdesisyunan kong magtrabaho na lang.

"Maghahanap po ako ng trabaho, tiya. Gusto ko po sana 'yong madali lang akong makakapasok, gusto ko po kasing makapagsimula na. Medyo magasto rin po kasi ang simula ng klase, bibili pa po ako ng school supplies ng mga bata. Gusto ko rin po sana na sa private school pumasok ang mga anak ko." sumang-ayon doon si tiya Melanie, hindi namn kasi simple ang magpaaral ng bata, eh ako nga namasukan pa sa ibang bahay maitawid lang ang pag-aaral. Iyon nga lang ang problema. Hindi ko naitawid dahil nabundol ako ng kung sino.

"Huwag kang mag-aalala. Tatawagan ko si Mariana, itatanong ko sa kanya kung may hiring ba ng sales lady sa mall na pinapasukan niya. Okay naman ang pasweldo doon kaya mas mabuting doon ka na lang muna magtrabaho. Mabilis ka lang makakapasok kapag may hiring dahil nandiyan naman si Mariana." lumaki ang mga mata ko at napayakap kay tiya Mel. Sobrang sinuswerte naman yata ako sa paglipat naming ito! 

"Maraming salamat po talaga, tiya. Sobrang laking tulong po ito para sa mga apo ninyo, para sa mga anak ko."

"Eh hindi ko naman matitiis iyong mga gwapo't maganda mong anak. Saan ba ang tatay nila?" hindi ko inaasahan ang tanong ni tiya kaya hindi ako agad nakapagsalita, maski ako hindi ko alam kung nasaan siya. Umalis siya ng pilipinas habang ako nasa hospital. Ang sarap ng buhay nong lecheng lalaking 'yon! Hanggang ngayon naiinis parin talaga ako sakanya!

"Nasaan na nga ba ang tatay ng mga bata Agatha? Siguradong minana din nila ang itsura noon no? Eh ke memestiza ng mga anak mo." humagikhik pa si tiya na mas lalong nagpatuyo sa lalamunan ko.

"Ah.. Eh--"

"Mamay." sabay kaming napalingon ni tiya sa gawi ng kwarto na noo'y kwarto ni ate Mariana. Nandoon nakatayo ang anak kong si Ingrid. Namana talaga nila halos ang itsura ng tarandatong lalaking 'yon. Kaya imbes kalimutan ko ang pisteng 'yon naaalala ko parin siya dahil sa kanila. Pero hindi naman ibig sabihin nun na inis narin ang nararamdaman ko sa mga anak ko. Siyempre, mahal na mahal ko sila kahit na nakakatampong hindi man lang nila nakuha ang itsura ko.

"Ingrid anak, hali ka. Magmano ka sa lola Melanie mo."

Agad na lumapad ang ngiti nito at nagtatakbong lumapit saakin. Nang makahawak na siya sa paa ko ay dumeretso na siya kay tiya.

"Hellow po, lala." sabay abot nito sa kamay nito.

"Asus, ke ganda mo talaga Ingrid, manang mana ka siguro sa tatay mo no?" natutuwang saad ni tiya, pinisil pisil pa nito ang pisngi ng anak ko.

"Tay-tay?" nalilitong tanong nito. Agad ko namang nilapitan ang anak ko at kinarga.

"Ah tiya, bibihisan ko lang po sila ng pambahay ha? Kapag nagising na po si Jordan, sabihin niyo lang po kung ano ang maitutulong ko." nginitian ko si tiya at tumungo na sa kwarto.

Alam kong naramdaman ni tiya ang paglihis ko sa usapan. Pasensiya na. Pasensiya na anak. Hindi ako handang pag-usapan muli ang lahat tungkol sa tatay mo, sa tatay niyo. Apat na taon kong tiniis lahat ng hirap. Apat na taon kong dinala ang sakit at kirot sa damdamin ko. Pero siyempre, ngayon wala na. Hindi na ako apektado sa kahit ano na tungkol sa lalaking iyon.

Pero hindi pa ako handang malaman niyo kung ano ba talaga ang isang tatay sa buhay niyo. Dahil natatakot ako na baka kapag nalaman niyo, madismaya lang kayo na hindi magagampanan ng tatay niyo ang responsibilidad niya sainyo.

"Mamay asan pow si lala at totow Ashi?" kinurot ko ang pisngi nito at hinalikan siya.

"Nasa bahay sila anak."

"Bakit pow tayow nanditow? Si taytay pow?" natigilan ako dahil sa biglaang pagtatanong ng anak ko. Hindi ko man lang inakalang masasambit niya ang mga katagang iyon.

"Hindi ko alam anak. Basta ang alam ko, gagawin ko ang lahat para sainyo ng kambal mo." ngumiti lang siya at hinila hila ang buhok ko.

"Aray--anak 'wag 'yan."

"May sokolit!"
















--S T I L L T H I N K I N G
About the plot.

GUMV:To My Boss "The Final Battle Of Hearts" (COMPLETED) Where stories live. Discover now