Chapter 19

16.1K 329 14
                                    


Nakahinga ako ng maluwag ng umalis si Astro para sagutin ang isang phone call. Okay na siguro na samahan ko muna si Astro dito nakatawag na rin naman ako kay tiya Melanie at sinabing kasama ko ang ama ng kambal. Binilinan ko muna si tiya na kausapin at ipaliwanag na nagtatrabaho lang ako, ayoko munang may mabanggit ang tiya tungkol sa ama nila. Nag-aaral na sila at malalaman nila na ang isang pamilya ay may tatay ayokong wala ako sa tabi nila habang naguguluhan sila kung bakit wala silang ama.

Tumayo ako at lumingon-lingon sa paligid.

Maganda naman ang bahay na ito. Mukhang peaceful naman ang paligid, medyo maliit lang ang bahay pero sakto lang 'to para sa isang pamilya.

Naalala ko tuloy ang bahay na pinagdalhan saakin ni Astro four years ago, maganda din iyon at sabi niya sa akin na doon daw kami titira, pero hindi pala mangyayari. Nandoon parin kaya 'yon?

"Darling..." napasinghap ako ng maramdaman ang kamay ni Astro sa tiyan ko.

Nalulungkot ako, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Astro ang tungkol sa mga bata. Ayokong baka magalit siya sa mommy niya dahil itinago nito ang pagdadalang-tao ko sa kambal. Namuhay si Astro sa nakaraang apat na taon na alam sa isipan niya na wala na ang anak namin.

"What are you thinking?" tanong nito habang kapahilig ang ulo sa balikat ko.

Hay, hindi ko man masabi sa salita na mahal ko siya sana maramdaman niya na kahit anong nangyari saamin noon, mahal ko parin siya. Mahal ko parin pala siya.

"Wala naman, naisip ko lang 'yong bahay na pinagdalhan mo saakin noon? Meron pa ba 'yon?" natigilan siya sa paghaplos sa tiyan ko at lumayo saakin, pinaharap niya ako sakanya.

"Sorry, ibenenta ko 'yon two years ago. I thought hindi ko na magagamit 'yon. But don't worry, you see, I brought this house yesterday, just for you." saad nito sabay halik sa noo ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan ako  sa mata. Para tuloy akong kinakabahan.

"I will ask you just this once,listen carefully darling okay?" tumango ako, mas lalo itong tumitig saakin.

"Tatanggapin mo parin ba ako sa buhay mo, darling?" nakakita ako ng lungkot sa kanyang mata, aw, ang Astro ko. Nalulungkot ba siya na baka hindi ko siya tanggapin ulit sa buhay ko?

"Darling... Oo, tinatanggap kita at ayokong mawala ka ulit na parang bula sa buhay ko." saad ko habang hinahaplos ang kanang pisngi niya. I tiptoed. Hinalikan ko ang labi niya ng sobrang tamis. Pinaparamdam ko sakanya na kahit ano pa ang nangyari, tinatanggap ko parin siya.

Napakapit ako sa leeg niya ng hapitan niya ang bewang ko at mas lalong idiin ang katawan ko sakanya.

Naku, namiss ko talaga ang lips ng mokong na 'to.

















Gabi na at inaya ako ni Astro na pumunta sa plaza.

"Darling, bakit ba sa plaza?" paulit-ulit na tanong ko rito. Naguguluhan kasi ako, hindi naman ito sanay sa street foods, kung nag-aaya siyang kumain at sa plaza niya balak pumunta, sure ball na street foods lang ang nandoon.

"You love street foods right? Nagdate pa nga kayo ng paulit-ulit sa park ng gagong Lopez na 'yon." humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Asus, kaya naman pala. Nagseselos 'to kay Martin.

Huminto ako kaya napalingon siya saakin, hinila niya ang kamay ko na para bang sinasabing 'tara na

Lumapit ako sakanya, niyakap ko siya ng mahigpit at hinilig ang ulo ko sa dibdib niya.

No worries. Madilim na at sa parte kung nasaan kami ni Astro eh walang ilaw. Walang makakakita na PDA kami, haha.

"Darling nagseselos ka ba kay Martin?" mahina kong tanong habang nakayakap parin sakanya. Hindi it sumagot kaya tumingala ako. Nakita kong nakatingin din pala ito saakin.

"Darling, wala akong gusto kay Martin at mas lalong hindi ko siya boyfriend. Magkaibigan lang kami at madalas niya akong inaaya na kumain o lumabas." inabot ko ang pisngi niya at ginawaran siya ng matamis na halik. Agad naman itong gumanti.

Ako na ang unang bumitaw dahil mukhang wala itong balak.

"Iiwasan ko na si Martin darling, para sa'yo." ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko.

"Then let's go," kumunot ang noo ko at tinanong siya kung saan kami pupunta.

"I change my mind. I want to eat something different, some more yummy." tumingin ito saakin at ngumiti ng pagkalokoloko.

Ahh! Nakakinis siya!

Sinapak ko ang braso niya, siguradong namumula mula ang pisngi ko ngayon.

"Tumahimik ka nga Astro, ang sama-sama ng bunganga mo." humalakhak lamang ito at inakbayan na ako.

Hindi ko alam kung saan kami papunta. Pero sana naman hindi ang sinabi niya kanina, hello! Kinakabahan ako no, ang tagal na kaya ng huli! Hahaha.
























Napapikit ako dahil sa antok.

Oh ha? Hindi kaya namin ginawa ang iniisip niyo!

Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa sobrang busog. Kumain kasi kami ni Astro sa isang eat all you can, binibiro pa nga niya ako sabi niya,

"Sa eat all you can tayo darling, you need to eat a lot co'z we won't sleep tonight."

Namumula na lang ang pisngi ko dahil sa mga banat niyang nakakahiya at nakakakilig.

"Do you want to go home? You're sleepy." aniya habang pinupunasan ng tissue ang bibig niya.

"Hmm, ikaw bahala darl. Ikaw naman ang magda-drive eh." saad ko habang pumipikit ulit.

"You're right darling, ako  naman talaga ang magda-drive sa'yo. No one else right?" napamulat ako ng mata dahil sa gulat. Inuumpisahan na naman ako ng loko oh!

"Darling! Baka may makarinig sa'yo, sabihin pa," sinipat ko siya ng tingin at ngumiti ng nakakaloko "sabihin pa, angel horny mo." at napatawa na lang ako, umiling lamang siya at inaakit-akit ako habang binabasa ang lips niya at hinahaplos ang kamay ko.

Brrr! Ang lupet talaga ng lalaking 'to!

"Darling, we gotta go home na. You want to drink can beer before sleeping?" nagdadalawang isip ako sa alok niya pero sa huli eh bumali kami sa isang store at umuwi na ng deretso sa bahay.

"Darl, shower muna ako ha." paalam ko, kumuha nalang ako ng extra shirt at boxer shorts ni Astro dahil wala naman akong pamalit.

Nang matapos ako e pumasok muna ako sa kwarto niya at narinig ko ang pagpasok niya sa loob ng cr. Matapos kong magsuklay ay lumabas na ako at lumapit sa mini table na nasa lasa, nandoon kasi ang can beers na bili ni Astro KO.

Binabasa basa ko muna ang nakasulat sa can beers habang iniintay na matapos ang pag-sho-shower niya.

Maya-maya pa bumukas ang pinto kaya napalingon ako.

Wow! Six pack abs!

"Amaze na amaze ka darling ah." natatawang saad nito, inirapan ko lang siya at hinarap ang can beers.

"Sige na darling! Magsimula na tayo sa pag-inom!" lumapit si Astro at tumabi saakin. Ano ba 'yan! Naka-shorts lang ito, top less ang katabi ko at napapalunok na lang ako sa kaba dahil parang tinatawag ako ng abs niya!

Sabi nito hello Agatha! Pahaplos naman oh

Napailing na lang ako. Nakakatukso naman itong darling ko. Hihihihi.

At hayun na nga, naginuman na kami hanggang sa maubos namin ang binili namin and the rest is history.

Oo na, hindi ko nakayanan, wala e, nadala sa emotions at pagkasabik. 'Yan tuloy, tuwang-tuwa siguro ang lalaking 'to, naka-score ulit eh. Peace!





---U P D A T E D

GUMV:To My Boss "The Final Battle Of Hearts" (COMPLETED) Where stories live. Discover now