Chapter Thirty Nine: You Know that Feeling... (Part 2)

97 1 0
                                    

Celine's POV

After namin kumain biglang tumunog ‘yung cellphone ko.  May tumatawag pala

Mom’s calling…

Sinagot ko naman ito ng mabilisan.

 

“Oh ba’t namumutla ka Celine? Are you okay? May sakit kaba best? Inisip mo na namn ba ang pagharap mo kay Keith? Kulang ba kinain mo kanina?” pinaulan kaagad ako ng tanong ni Grace nang makita itong nagmamadaling bumaba sa kwarto na dahilan upang mapatigil ako kung saan naroon ang bestfriend ko.

 

“P-pinapapunta ako sa bahay kasi may nangyaring masama sa Daddy ko.” Iyon na lamang ang naisagot ko. Dahil wala na akong panahon para mag-explain sa kanya.

Napasinghap siya nang malaman iyon. “S-saang ospital?” tanong naman agad ni Grace.

 

“w-wala… wala siya sa ospital best, nasa bahay lang siya, pinapakalma na ni Mommy.”aniya ko habang nagpatuloy na sa paglalakad.

 

 

 

“T-teka… Celine sasama ako.” Mabilisang utas niya ngunit pinigilan ko siya.

 

 

 

“Huwag na Grace, ako nang bahala dito. Ito na siguro ang panahon para makipagkita ako sa kanila. I know you’re worried too. Pero mas makabubuti sigurong ako na lang muna ang magpapakita, baka isipin pa nila itinago mo ako ng ilang linggo, baka makahanap pa sila ng hint kapag nagkataon.”Usal ko. Tumango na lamang siya sa dahilan ko.

 

“okay, sige, mag-iingat ka Celine, call me kung anong balita kay tito ah.” Pahabol niya bago ako tuluyang maglaho.

9:15 am

"so you're here." Isang lalaking matangkad at matipuno ang tumambad sa tahanan namin nang makarating ako sa sala. Ngumiti siya ng malaki nang makita ako at kaagad na niyakap ang baywang ko sa isang kamay habang ang isa nitong kamay ay nakahawak sa wine glass nito.

Familiar siya. Parang hindi ito ang unang pagkikita namin. Hindi ko lang matandaan kung saan kami eksaktong nagtagpo but my brain absolutely knew this person. I know he’s face, but I don’t know his name. Ngunit bago pa man ako makapagreact ng sasabihin ko dahil sa gulat ay hinila na niya ako papunta sa sala.

 

Ikinalat ko ang paningin ko sa buong kuwarto, hindi pa rin nagbabago ang ayos nito. Habang pinagmamasdan ko ang mga ito, nahagilap ko ang dalawang katao na hindi ko rin kilala, this time, hindi sila parehong familiar sa mukha at sa pangalan. Kung di ako nagkakamali ay may katandaan na itong mag-asawa ngunit hindi mahahalata dahil sa kanilang pustura.

A SECOND CHANCE (on-going)Where stories live. Discover now