*Chapter Twenty One: The Confrontation

198 3 0
                                    

Chapter 21: The Confrontation

________________________________________________________________________________________

Celine’s POV

Nadatnan ko si Grace sa labas ng room namin. Ano kayang ginagawa niya dito?

‘wag mong sabihing…

O______O

“G-grace anong ginagawa mo dito? Bakit namumula ka dyan? Anong ginawa sa’yo ni sir Liu? Na-late ka rin ba?”Sa dami ng tanong ko ni isa wala man lang nasagot. Eh paano ba naman kasi nganga lang siya.

“Hui, ano ba Betsy! Sumagot ka nga, ano bang nangyayari sa’yo? Maki-kick-out na ba tayo?”Teary-eyed na akong nagsasalita, eh paano ba naman kasi ninenerbyos ako sa mga ganyang facial expression niya eh.Kapag tulala kasi yan dalawa lang ibig sabihin niyan, either kinikilig, o may malalim na iniisip. Tapos nakahawak pa siya sa dibdib niya. Pero isa lang naman doon ang napipisil kong sagot eh, at kahit saang anggulo mo tingnan, may mamalim siyang iniisip.

Ahuhuhuhuhuhu T______T baka kick-out na kaming dalawa ni Grace. Hindi niyo na itatanong kasi, talagang terror ang mga professor namin dito :3

Nakita ko naman na nagbago ang expression ni Grace mula sa pagiging worried kanina –kasi nga ang daming tao na nakatingin sa gawi namin na nakangiti, ewan ko nga kung sarcasm ba ang mga yun at nang-aasar– ay napalitan ito ng naweweirduhan-look? “Betsy? Yung totoo, may lahi ka na bang baliw?” Bigla naman akong natauhan nang magsalita siya.Ano raw? Ako? May lahing baliw?Ano bang pinagsasabi nito, eh dinadamayan ko lang din naman siya ah tapos tatawagin lang akong BALIW?

Itinuro ko naman ang sarili ko sa pagtataka.“Huh? Ako baliw! Hindi ah! Bakit mo naman nasabi yan ha Betsy?” -ako

“Eh ano bang inaarte mo dyan? Bakit may pa-emote-emote ka pang nalalaman diyan?” - Grace

“Eh paanong hindi ako mag-eemote dito eh, pinalabas ka na nga, eh anong gusto mong gawin ko, pagtawanan ka? giit ko

“Teka, teka pinalabas? Besty ano ka ba naman? Bakit naman ako palalabasin eh, kita mong mas maaga pa nga ako kung minsan sa mga Guard pumasok eh.” aniya na mukhang naguguluhan na sa mga pinagsasabi ko. Eh siya nga tong magulo eh, anu ba kasing ginagawa niya dito sa labas ng room gayong time na for our first subject.

A SECOND CHANCE (on-going)Where stories live. Discover now