Chapter 20: Kulitan W/ Jace (James+Grace)
________________________________________________________________________________________
Grace’s POV
Andito ako ngayon sa labas ng classroom namin, tinatawagan ko si Celine. Para sabihin na wala kaming professor ngayong period na ‘to
******
Besty Celine <3
Dialing…
*ring*
*ring*
*ring*
*ri—*
*toot*
*toot*
*toot*
Hala!! Anyare dun?! Bakit pinatayan niya ko ng phone?! Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero ring lang ng ring. Tsk, nasaan na naman kaya yung babaeng iyon. ‘Pinapakaba mo na naman ako Celine ah’ sabi ko sa isip ko.
“Bakit naman nakasimangot ka dyan Bebs?!”
“Ay, nani!” sigaw ko “Ano ba naman Bebs, ba’t ka ba nanggugulat ha?”
“Eh ang aga-aga ang lalim-lalim ng iniisp mo, can you tell me why??”
“Eh si Celine nga po kasi, tinatawagan ko siya kaso pinatayan ba naman ako ng phone.”
“Baka naman busy lang Bebs.”
“Tss ewan.”
“Ah, siya nga pala Bebs, nuod ka ng first game namin mamaya ha?”
“Yep, sure Bebs… oh ayan na pala si Celi- I mean SILA Celine”
‘Ooopps magkasama na naman sila?? Haay nako sana lang naman ikaw na Keith ang makapagpabalik sa dating Celine.’
Hiling ko sa sarili.
“Sino naman yung kasama niya Bebs? Boyfriend niya?”
“Boyfriend?! agad-agad? Hindi ba pwedeng nanliligaw muna?”
“Ah ganun ba? Ang bilis naman yata niyang naka-move on kay Dylan?”
“Psh, kay Patrick kamo” pabulong kong sabi
Hindi kasi alam ni Bebs na namatayan si Celine ng Boyfriend at si Patrick nga ‘yon, ang alam lang niya ay iniwanan lang si Celine ng Boyfriend kaya maski pangalan nga ay hindi alam ni Bebs. Ayaw na rin naman kasi ipaalam ni Celine ang nangyari sa kahit na sino dito, alam mo na, baka mag-iiiyak lang siya.
“A-ano Bebs? Sinong Patrick?”
Ay Naku! narinig pa rin pala ako.
“a-ah ano w-wala ang sabi ko Keith, oo tama, Keith ang pangalan ng kasama ni Celine”
“Ah, ok akala ko may iba kang pinagpapantasyahan bukod sa akin eh”
“Ah ganun, pinagpapantasyahan talaga? Baka ikaw dyan ah”
“Hindi noh, faithful kaya to!” pagmamayabang niya sa sarili.
“Sus, yabang mo ah, sige na nga punta ka na sa department mo, baka meron na kayong professor at maabsent ka pa ng di oras niyan.” pagtataboy ko sa kanya.
YOU ARE READING
A SECOND CHANCE (on-going)
Teen FictionPaano kung namatay ang pinakamamahal mo sa isang aksidente? Makakaget-over ka pa ba? Eh paano kung yung taong para sa'yo buhay pa? Bibigyan mo ba sya ng chance para mahalin din siya? O mamamatay ka na lang din kasma ang taong mahal mo? You want a T...