*Chapter Thirty Two: His Feelings

239 5 1
                                    

Chapter 32: His Feelings

Keith’s POV

“Talaga bang ayaw niyang lumabas ng kwarto?” tanong ko kay Grace.

“Pasensya na Keith pero ang bilin kasi niya sa akin eh wag daw akong magpapapasok ng kahit na sino sa room namin. Kaya nga kahit si James ay hindi rin pumupunta dito. Pero wag kang mag-alala ok naman na siya” Sagot naman niya.

Simula kasi nang iwanan niya ako sa beach ay hindi pa raw siya lumalabas sa kwarto niya. hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa kanya. ‘May problema kaya siya?’

Kanina pa ako binabagabag dahil sa pag-iyak niya. Ni hindi pa nga niya sinasabi sa akin kung ano talaga ang dahilan kung bakit siya umiiyak.Akala ko pa naman magiging masaya ang bakasyon ko ngayon kasama siya. Pero hindi pa man kami nakakapagpalipas ng isang araw dito, ganito na ang nangyayari.Sinubukan kong kausapin si Grace tungkol dito pero wala din siyang alam kung bakit siya nagkakaganyan.

“ahm sige, Grace, sana kapag nalaman mo ang dahilan, maipahatid mo rin sana sa akin.” sabi ko sa kanya. Tango lang naman ang iginanti niya.Hinintay ko munang pumasok siya sa kwarto nila. Bago ako umalis sa tapat ng room nila.Hindi muna ako dumeretso sa room namin. Kailangan ko pa kasing tawagan si Jimson, he’s now preparing the other gang members na ipinadala ni Lee Jhong Hye from korea. Kailangan pa kasi nilang mag-undergo sa mga trainings, kasama na rin ang mga gang members ko.

We’re actually confident na matatalo namin sila, ngunit hindi yun exception para hindi sila hasain. Napag-alaman ko rin na hindi basta basta ang mga Black Bullet. Isa rin itong malakas na gang group dito sa Pilipinas. Pero ang pinagtataka ko lang, kung nagagawa ni Rex na makapag-merge sa ibang group, bakit hindi niya pa kami tigilan? Yung grupo ko lang ba talaga ang pakay niya o meron pang mas malalim pa doon?

Habang nagmumuni-muni dito sa park. Naisip ko kung paano ko pasasayahin si Celine sa araw ng bukas. Hindi ko na kasi matagalan na lagi siyang nakikitang nakasimangot o kaya umiiyak. Sana bukas man lang masubukan niya muling ngumiti na walang halong hinanakit, tumawa na walang iniisip at magmahal ng walang hadlang. Sana mahalin na niya ako. At pinapangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko siya iiwan. Lagi ko siyang poprotektahan. 

“oh pare, hindi ka parin pala natutulog?” napalingon ako sa nagsalita mula sa likuran ko.

“hindi pa, hindi ako makatulog eh.” Sagot ko naman sa kanya.

Tumawa siya ng bahagya “Dahil ba kay Celine?”

napabuga ako ng hangin sa binanggit niya. “Oo pre, hindi ko nga alam kung paano siya pasasayahin.”

“Aminin mo na kasi… sa kanya.”

Napatawa ako sa sinabi niya. “Matagal ko ng naamin sa kanya, paulit-ulit pa nga, halos parang sirang plaka na ko dito sa kakaulit ng nararamdaman ko para sa kanya.”

“Oh, baka naman hindi kumbinsido.”

Napangisi ako “Ang dami ko ng ginawa pare, para lang maramdaman niyang mahal ko siya.”

“Sus, alam mo pare ang mga babae mahilig magpakipot yan. Kaya yang si Grace lagi kong sinusuyo o kinukulit kapag hindi ako pinapansin. Hindi kasi basta-basta nakikipag-usap yun sa lalaki. Kaya tingnan mo ko ngayon, nasanay na ko sa kanya kaya, siguro immune na ko sa pagiging sadista niya. Kaya kung sumusuko ka na, hindi mo talaga siya makukuha.”

Muli akong tumawa sa tinuran niya “Pare, hindi ako sumusuko, at hinding hindi ko siya isusuko.”

“Oww, hahaha eh ano pang hiningintay mo, suyuin mo na siya habang maaga pa. Alam kong mahal ka din niya.”

A SECOND CHANCE (on-going)Where stories live. Discover now