*Chapter Two: Wrong move

456 7 13
                                    

Chapter 2: Wrong move

Celine’s POV

Nagdaan pa ang mga araw na yun lagi ang routine ko

Laging palihim na nakatingin sa kanya, palihim na sinusundan saan man siya magpunta. Except sa Comfort Room. You know naman, baka sabihin pa ng makakakita eh namboboso ako. Tat baka isipin pa ng iba isa akong obsess na obsess sa lalaking iyon which is NOT TRUE!

Okay, that’s partly lie and truth. Ugh! Anggulo ko, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito basta ang alam ng puso ko na may gusto ako sa taong nagngangalang Dylan Rhon Felix Period.

Baka nga nakakahalata na siya, or worst baka pati yung girlfriend niya. Kaya nga kapag nagkakasalubong kami nung girl lagi niya akong sinasagi o kaya naman ay umiikot-ikot iyong itim ng mata niya. Y’know selos effect!

Hanggang isang araw nagising na lamang ako na iba na ‘tong nararamdaman ko. Ito yung tipong araw araw ay humihingi ako ng kahit ilang minute lang para makasama ko siya ng solo.

Am I really insane to wish for that?

I know, hindi na lang ito basta crush o infatuation na sinasabi ng karamihan, kundi mas malalim pa doon. Is there any potion to stop this feeling? Kasi kung wala, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-open-up ng feelings ko for him. Baka sa sobrang extreme ng nararamdaman ko para sa kanya ay bigla na lang akong madulas at masabi ang ka-obsess’an kong ito. Ugh!

Kaya naman parang may nag-uudyok sa akin na sabihin ko na ang nararamdaman ko, kasi ang hirap pala…

Yung tipong sa sobrang pagkatago-tago mo sa nararamdaman mo, kusa na lang itong sasabog sa dibdib mo hanggang sa kailangan mo ng sabihin sa kanya ito.

Dahil kung hindi…

 Baka habang buhay mo na itong pagsisisihan.

Katulad ko, hindi ko na matiis na ilihim pa ito, kaya naman nagpasya na ako na sabihin na ang totoo sa pamamagitan ng liham.

Hindi ko alam kung saan ko hinuhugot ang lakas ko para magconfront sa kanya. Para na akong tanga. Hindi ba’t gawain ito ng mga lalaki ang sumuyo at magconfess sa mga natitipuhan nila. Pero hindi ko muna iyon inintindi.

 Is now or never ika nga. Bahala na kung ano ang magiging reaksyon niya, kung matatanggap ba niya o hindi. Pero umaasa pa rin ang puso ko na sana ay maiba ang ihip ng hangin kapag natanggap na niya ito. Not that masamang hangin but in a posoitive situation. Sana kahit man lang i-acknowledge niya ako yun bang kahit friendzone lang ayos na ko dun. At least napansin di ba? Di na ko mag-iinarte.

Ngunit WRONG MOVE ata ako, dahil sa halip na mapansin niya ako ay parang mas lalo pa siyang lumayo sa akin,

But I actually expected that.

Alam ko naman na may girlfriend siya, at alam ko rin na mahal na mahal niya ito.

At dahil sa mahal ko nga siya, I'll take the risk kahit pa sa huli ay masasaktan ako. Tanga na kung tanga, alam kong mukha na akong aso sa kahahabol sa kanya pero kung ito lang ang paraan para mapansin niya ako, I’m taking the risk again.

A SECOND CHANCE (on-going)Where stories live. Discover now