Chapter 9: Meet Him Again (Part 1)
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
*bzzt* *bzzt*
Biglang naputol ang pagmumuni-muni ko nang maramdaman kong nagvibrate ang phone ko.
Agad ko naman itong kinuha
From: Unknown Number
Bigla naman tuloy akong kinabahan dahil sa nakita kong nagtext sa akin. Siya na naman?
*********************************************************************
Opening…
'Babe, can we meet today? Please. I need to tell you something important. Meet me at our favorite place. Please! I'll be waiting I Love You’
Received:
11:09:40am
today
from:
unknown number
+6390*********
*******************************************************************
"My GOD!" napabulalas ako nang mahina dahil sa text na yun bigla akong nakaramdam nang kung ano sa dibdib ko. Ngunit narinig pa rin pala nina Grace ang sinabi ko.
Ewan ko parang nanlalamig ang mga kamay ko, pinagpapawisan ako kahit pa naka-aircon naman dito sa loob ng sasakyan
"Best? What's wrong?" alalang tanong sa akin ni Grace narinig pala niya ang bulong ko.
"A-ano, James…" bumaling ako kay James na ngayo'y binabagalan na ang takbo nang kotse.
Naramdaman niya siguro na uneasy ako kaya bumaling rin siya sa akin nang may pag-alala.
"Bakit? Celine, what happened?"alalang tanong naman niya.
"A-ano, pw-pwede mo bang ihinto yung sasakyan. Please." Pakiusap ko sa kanya.
"Huh? Bakit iha? May nararamdaman ka bang hindi maganda? May sakit kaba? Nahihilo k aba?" sunod-sunod namang tanong ni Tita Mae na hinaplos haplos pa ang noo at leeg ko na animo'y inaalam kung masama nga ba talaga ang pakiramdam ko.
"W-wala po tita. Okay lang po ako." sagot ko.
Napansin ko naman na nakatingin silang tatlo sa akin na alalang alala. Napagtanto ko ring nakahinto na ang sasakyan. Tiningnan ko ang paligid sa labas. Buti na lang at malapit na rin ito sa dapat kong puntahan.
Ibinaling kong muli ang tingin k okay tita Mae, at kay Grace. "A-ano Tita, Grace, ma-mauna na kayong umuwi ha, may pupuntahan pa pala ako, pakisabi na lang kila mama na may pinutahan lang akong importante." Sabi ko.
Nagtataka naman akong tiningnan ni Grace ngunit hindi ko na iyon inintindi. Bubuksan ko na sana ang pinto nang kotse nang maharang ito ni Grace.
"Teka! San ka naman pupunta? Tsaka hindi ka pa kumakain ah, gaano ba kaimportante yan at kelangan mo unahin yan?" Pagtatanong ni Grace na may halong paghihinala.
"Basta Best, mamaya ko na lang i-kukwento please, for now let me go.” pagpapaliwanag ko.
“Pero paano kapag hinan-“
“Sabihin mo na a-ano may basta sabihin mo na may pinuntahan akong importante at urgent na lakad. Please Grace.” Pagmamakaawa ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
A SECOND CHANCE (on-going)
Teen FictionPaano kung namatay ang pinakamamahal mo sa isang aksidente? Makakaget-over ka pa ba? Eh paano kung yung taong para sa'yo buhay pa? Bibigyan mo ba sya ng chance para mahalin din siya? O mamamatay ka na lang din kasma ang taong mahal mo? You want a T...