Chapter Fourty: The Battle of Life and Death

12 0 0
                                    

Chapter Fourty: The Battle of Life and Death

---

Keith's POV

Ilang araw na lang ang nalalabi upang makapaghanda sa darating na labanan. Kahit na kinakabahan ay kailanagan kong magpakatigas sa harapan ng mga ka-gang member ko. Ayoko silang makitaan ng kaunting pag-aalinlangan. Alam kong kaya namin ang mga black assassin, ngunit tuwing naiisip ko ang mga pangyayari nung gabing 'yon, ay di mapakali ang puso ko sa kaba, sa tuwing naaalala ko ang lahat ng mga sinabi niya, hindi ko maiwasang masaktan. Mahal ko siya, at alam kong minahal niya rin ako pero bakit ang sakit lang malaman na sa iba siya ikakasal. Sa maling lalaki niya ibubuhos ang lahat.

"I know I hurt you... and everyone... and I'm sorry."

Sorry, I made your life miserable, I don't deserve your love. I'm sorry Keith... J-just let me go."

Paulit-ulit ulit na tinig ang pinaparanig sa akin mula nung natapos ang gabing yun.

*Flashback*

"B-but, why? Hindi mo na ba ako mahal? I mean, bakit ganun lang kadali sa'yong mang-iwan sa ere?! Shit! Celine bakit? Alam mong matagal akong naghintay para dito. Para sa atin." Halos mailakas ko na ang boses ko sa inis at galit na nararamdaman ko. Buti na lang nasa loob kami ng sasakyan ko. Panay na rin ang paglunok ko para lang maitago ang mga luha. Hindi ako sa kanya naiinis, kundi sa sarili ko, kung nagmadali lang ako sa paghahanap sa kanya hindi mangyayari ito. Sana nakausap ko pa siya ng maaga, at sana nabalaan ko siya kay Rex.

"Sorry, I'm sorry. I-I don't mean to hurt you. P-please forgive me. Please, please, p-please..." hindi ko kayang makita siyang ganito sa akin, na parang tutang nagmamakaawa na patawarin siya ng amo niya sa nagawa niyang kasalanan. Hindi ko kayang makita siyang lumuluha dahil sa sakit, at mas lalong ayokong makita siyang ganito palagi, di baleng ako na lang ang magsakripisyo huwag lang ang kaligayahan ng mahal ko.

"I know I hurt you... and everyone... and I'm sorry."

Hinawakan ko ang balikat niyang hindi humihinto sa panginginig dahil sa iyak.

"hush, baby... stop crying, just stop crying now, there has to be another way." I hugged her tightly, at pinatahan siya.

"Then please, tell me what is it Keith? Please. I need assurance. Alam mong hindi ako sang-ayon dito sa setting na'to." She stated while trying to calm herself.

Hinimas hima ko ang likod niya upang tumahan na. At kahit na mahirap magsinungalig sa kanya lalo na sitwasyong ito ay hindi ko pa rin masabi ang plano. "I can't... I'm sorry." Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung anong totoong agenda sa'min ni Rex. Ayokong madagdagan pa ang pag-aalala at paghihirap niya.

Kailangan ko na talagang kumilos, hindi ko hahayaan na mapunta lang sa kanya ang kaisa-isang babaeng minamahal ko.

Agad niyang kinalas ang yakap ko sa kanya. "OKAY! Kung di mo kayang lumaban FINE! Ba't di mo na lang sabihing wala ka naman talagang maitutulong! Ba't di mo na lang sabihing natotorpe ka lang kaya hindi mo maipaglaban ang pagmamahalan natin. Ni hindi ka man lang tumutol kanina. Nasa harapan ka na nga nina daddy at mommy hindi mo man lang sinabing mahal mo ko. Na may relasyon tayong dalawa! I Hate you!"

"No! don't say such thing, Celine...." Tutol ko sa sinabi niya. "Mahal kita, alam mo yan! Hindi ako maghihintay ng ganito katagal kung hindi kita mahal. I love you... and I always will. Its just that I-I need to settle this, on my own. Ayoko nang madagdagan pa ang aalahanin mo. Mahal kita okay, don't you ever say that again." I said in a low tone, I need to be calm. Hindi pwedeng sabayan ko siya sa paghi-hysterical niya. Masakit man pero inaaamin kong naging torpe ako kanina. Oo hindi ko man lang siya naipagtanggol from her parents. Alam kong nahihirapan talaga siya. At kasalanan ko ang lahat kung bakit humantong pa sa ganito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A SECOND CHANCE (on-going)Where stories live. Discover now