*Chapter Eleven: Story Teller

263 6 4
                                    

Chapter 11: Story Teller

************************************************************************

"So... Yun ba ang importanteng lakad mo huh?" -Grace said with a suspicious look. Hindi pa man tuluyang nakakapasok sa bahay ay ito na agad ang bunmungad na tanong sa akin.

Naku naman! Bakit nga ba ngayon pa tumambay ang babaeng ito sa bahay namin?! *face palm* hindi ko tuloy alam ang ipapalusot ko. Paano ba? Can anyone save me from this? Or can I wish just this time na lamunin na muna ako ng lupa o sementong kinatitirikan ng mga paa ko. Please. T_T

"Ahm a-ano kasi uh..." I nervously said with matching stammering. Ito ang kahinaan ko kay Grace. Kapag hindi ako makasagot ng deretcho at straight to the eyes.

Haist, ano na naman ba 'to. Para namang may karumal dumal akong kasalanang nagawa?

"You’re stammering. Kelangan mo pa bang maghanap ng ipapalusot mo sa akin?" sabi naman ni mama. Na naku naman, dalawa pa talaga silang nag-imbistiga.

"Uh mama kasi ano eh. S-si Keith... Ano uh, nakipagkita, t-tapos---"

"So close na pala ULIT kayo ngayon?" sabat naman ni Grace. Ine-mphasize pa talaga ung ULIT na word eh.

Nasabi ko na ba sa inyo na kilala ni Grace si Keith, dahil naikuwento ko na rin siya kay Grace dati. At nasabi ko na ba sa inyo na alam ng pamilya ko na gusto akong ligawan ni Keith dati na siya pa mismo ang nagsabi sa mga magulang ko. Pwes ngayon alam niyo na. Kaya naman. Inilayo ko ang sarili ko kay Keith dahil na rin sa kagustuhan kong malayo sa kanya noon. Pero wala nga ako nagawa dahil okay naman kila mama na manligaw siya. Kaya nga bantay sarado ako kay Keith nung hayskul eh, dahil siya lang daw ang maaaring manligaw sa akin.

"Uhm, a-ano kasi... A-akala ko ano. Akala ko si Patrick yun tapos, nakipagkita sakin, eh di ko naman alam na siya pala un. Ayun nag-usap lang naman po kami"

"So okay na nga kayo?"masayang tanong ni mama.

"Hmm, slight" sabi ko with hand gesture pa.

At ayun nga, hindi nila ako tinantanan sa katatanong.

Kesho raw bakit hindi ko siya pinapasok muna sa bahay bago umalis. Bakit hindi ko raw sinabi agad na magkikita pala kami. at bakit inilihim ko na nakabalik na pala siya ng Bansa. Hayst ang dami nilang tanong. Tanong na puro alanganin ang sagot ko. Eh sa hindi ko naman kasi alam eh. kaya halos puro ewan ang sagot ko sa tanong nila.

Actually hindi ko naman ine-expect na bumalik na pala siya dito sa Pinas. At ngayon ko nga lang din nalaman na nandito na siya. Buti na nga lang ay hindi pa naioopen ni Grace ang topic kay Patrick, I mean dun sa mga text messages na natanggap ko kamakailan. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa alam ni Grace na si Keith at yung  nagtetext sa akin ay iisa. Tama nga siya, hindi dapat ako nagpapaniwala sa mga texts messages na natatanggap ko. Now I learned my lesson.

Pagpatak nga ng alas diyes ay nagdesisyon na akong pumunta sa kwarto ko. Buti na lang  ay nakalusot ako sa dalawang bato ng bato ng tanong sa akin tungkol sa mga nangyari sa amin ni Keith. Ops yung uta niyo!

Andito na ko ngayon sa room ko. Matutulog na sana kaso biglang bumukas yung pinto.

Nagulat ako kung sino ung nagbukas. Andito kasi ako sa balcony, nagpapahangin lang. hindi pa naman talaga ako inaantok eh at balak ko sanang pagmasdan ang buwan at ang stars, pero nag-iba ang ihip ng hangin nung dumating si Grace, bigla kasi akong inantok. Hahaha de joke. Ang totoo niyan ay tatakasan ko lang itong isang to sa pagpapakuwento sa akin.

A SECOND CHANCE (on-going)Where stories live. Discover now