Chapter Thirty Seven: The Problem, BIG Problem

210 2 4
                                    

Chapter 37: The Problem, BIG Problem

________________________________________________________________________________

Celine’s POV

Eksaktong 7:45 am na nung nakarating kami dito sa Manila airport, hindi ko na namalayan kung ilang oras ba kami naglakbay pabalik dito, sa kadahilanang buong gabi akong nakatulog. Tulog na mahimbing kasi, kahit nasa eroplano na kami ni Keith, buong magdamag lang kaming nakayakap sa isa’t isa I mean, yung posisyon na magkaupo kayo then yaka-yakap niyo ang isa’t isa, gets? Ah basta imagini’n niyo na lang. at parang walang may gustong kumalas, kahit parang wala ng hagin na makakapasok at nakakumot pa kami  pero siyempre air conditioned ang eroplano na sinakyan namin kaya nakahinga pa naman kami. Haha! anyway, kung kami ay tahimik lang na natutulog sa isang tabi, and guess what?? Sila Grace naman ayun nasa likod lang ng seat namin, at dahil nga sa kanilang dalawa medyo umingay ang eroplano, kasi naman hanggang sa eroplano hindi nila nakalimutang barahin ang isa’t isa. Eh ano bang magagwa namin, sanay na kami sa kanila, ewan ko na lang sa mga kasamahan namin. Yung iba nga eh naiinis na tinitinganan sila habang nag-aasaran, pero yung iba kinikilig-kilg pa, meron din namang naglagay na lang ng earphones sa tenga tulad ko, para hindi ko na marinig ang anumang ingay ng paligid. Dahil ang gusto ko lang pakinggan ay ang tunog ng puso ni Keith, kasi nakadantay ako sa dibdib niya buong biyahe. Hahaha! Ewan ko nga kung nangawit ba siya sa bigat ng ulo ko o hindi? Kasi kapag gumugulong yung ulo ko papunta sa ibang direksyon eh, agad niya itong sinasalo at ipinupunta muli sa matitigas niyang dibdib >////< at oo nararamdaman ko yun kasi, my sense of touch pa ko noh. Hahaha de joke. Ang totoo kasi niyan half sleep lang talaga ako, pero kahit na ganun ang tulog ko, parang hindi nga kumulang ang tulog ko eh bagkus parang sobrang himbing pa nga. Ay ewan! Ganun na lang siguro ang kondisyon ng katawan ko kapag katabi ko yung taong mahal ko. Naku naman gumagana na naman ang kalandian ko. hahahaha!

Haaay! Anyway pagkatapos ng 2 days vacation balik na naman sa dating gawi. School-Bahay na naman ang routine ko. Pero siyempre may naidagdag na bago. Speaking of which, kailangan ko nga palang sabihin kila dad at mom ang relasyon namin. Kahit na okay naman ang pakikitungo nila kay Keith, dahil nga sa pinsan ni daddy ang dad niya, kinakabahan pa rin ako. pero gayunpaman nakahanda pa rin naman ako sa mga posibleng mangyari, at kahit saan pa doon ang magaganap, kailangan kong tanggapin at magpakatatag. Dahil buo na ang desisyon kong ipaglalaban ko ang pagmamahalan namin ni Keith sa mga magulang ko kung sakaling tumutol sila. Pero umaasa pa rin naman ako na sa kabila ng kontrobersiyang kinasasangkutan namin bilang magpinsan, alam ko naman na maiintindihan nila mom at dad ito dahil hindi naman talaga kami magkadugo, and besides kapansin pansin din naman yung pagiging malapit ni Keith sa kanila not only that, di ba nga sila pa yung nagpu-push sa akin dati na paglapitin kami ni Keith ng tadhana, like noong high school, si Keith lang ang pinapayagan ni dad na makasama ko kahit saan ako magpunta, or kung ano ang mga ginagawa ko, si Keith lang ang gusto nilang maging bantay ko. Kaya hindi rin malayong mangyari na gusto nga nila ako para kay Keith. Ah basta! Kailangan kong ipaglaban ang damdamin ko, kasi nung huling dinalaw ako ng takot, yun yung dahilan kung bakit nawala ang taong una kong minahal. Natakot ako noon na baka kapag hindi ko siya sinunod na halikan siya nung mga panahong iyon baka tuluyan niya akong hiwalayan at iwan para tahakin ang kabilang mundo at hindi na kami magkita. Gusto kasi nila tita Brenda na sa U.S. na magka-college si Patrick after graduation para mai-manage na rin daw niya yung business nila sa Washington pero dahil mahal ako ni Patrick tumanggi siya. At dun nga ako natakot, na baka kapag hindi ko siya sinunod baka magbago ang isip niya na sumama sa U.S. dahil sa takot ko na mangyari yun, dun pa nga mas lumapit ang kinatatakutan kong iwanan niya ako, hindi lang basta pang-iiwan ang nangyari kundi ang pagkawala niya. L  kaya ngayon hindi ko na uulit pa muli ang katangahang iyon. At ayaw ko ng maulit-muli iyon dahil lang sa takot ko. Kailangan kong maging patapang sa anumang maririnig kong reaksyon nila. hindi naman sa pagiging suwail na anak pero, buhay ko to, kaya hindi nila kailangang hadlangan ang anumang makakapagpasaya sa akin. after all ako naman ang makikinabang o magsisisi sa anumang desisyong ginagawa ko.

A SECOND CHANCE (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon