*Chapter Fifteen: The Surprise Date?! (part 1)

239 5 3
                                    

Chapter 15: The Surprise Date?! (Part 1)

__________________________________________________________________________________________________________________________________

Keith’s POV

Ilang minuto na kaming nakahinto dito sa may basement ng rest house, pero hindi pa rin kami bumababa.Kasi naman itong si Celine, kanina pang pag-alis naming lutang ang isip. Hindi niya nga ako kinibo buong biyahe namin eh, yung kibo na as in nagkakaintindihan kami, hindi ung sermon niya sa akin kanina, hindi ko yun kino-consider na kinausap niya ako tapos ngayon parang ang lalim lalim pa ng iniisip.Buti naman sana kung ako ang dahilan ng kanyang pag-iisip, kaso alam ko namang hindi ako yun eh.Alam ko namang hanggang ngayon, mahal niya pa din yung lalaking yun. >_< Tss! bakit ba pinagseselosan ko kahit patay.At alam ko rin naman na nagtatampo pa rin siya sa akin dahil sa mga ginawa ko sa kanya.  Hindi ko naman talaga intension na takutin o pagaalahanin siya dahil sa pagkunwaring ako si Patrick, and gusto ko lang naman mangyari ay makita ko siya. Yun lang! Haist!Basta para kay Celine hinding-hindi ako susuko. Ipakain na niya lahat ng bubog o apoy sa akin, huwag lang niyang sabihin na lumayo ako sa kanya, dahil hindi ko na makakaya pa.Kahit ilang beses pa niya akong ipagtabuyan, ilalaban ko pa rin siya hanggang sa dulo ng buhay ko. Ngayon pa ba ako susuko?Gayong wala naman na ang karibal ko. Masama na kung masama, basta para kasy Celine gagawin ko ang lahat.

Haist! Tama na nga ‘tong pag-iisip na ‘to, mamaya hindi ko na mamalayan ang oras, at baka hindi pa matuloy ang plano ko. Nang makabawi sa pagmumuni-muni, ay kinalabit ko na si Celine para gisingin siya (kahit gising naman na) sa pag-iisip.

“Huy!!” sigaw ko bigla sa kanya. Hahahah wala lang trip ko lang siyang asarin ngayon. Ah okay lagi ko nga pala siyang inaasar, or worse ginagalit.

Tulad ng mga ibang lalaki, gustong gusto kong nakikitang naaasar si Celine, hindi dahil sa hitsura niya tuwing nakakunot ang noo. Kundi dahil isa yun sa paraan para mapansin kami ng mga babae. Para mapansin niya ako. Oo minsan ay tinatawanan pa naming mga lalaki kapag naiirita kayo sa pangaasar namin sa inyo pero ang totoo niyan ay natutuwa lang talaga kami kasi nasa amin ang atensyon niyo. In your own language (for girls) you always call it papansin, pacute, mahangin or whatsoever na gusto mong itawag. But for us – guys – we call it as opportunity, or the first move kumbaga. Kaya kung naiinis man kayo, ibig sabihin ay nagrereact kayo sa mga pang-aasar namin at yun ang mga tipo ng naming sa isang babae, kasi kapag winalang bahala lang ng isang babae ang mga pang-aasar meaning hindi ka niya gusto o wala siyang epekto sa’yo. Dun kasi namin nalalaman kung may kaunting pag-asa ba kami sa isang babae.

Kaya nga enjoy na enjoy ako sa pang-aasar sa kanya eh, kasi alam kong napapansin niya na nag-eexist ako. At yun lang ang tanging paraan para mapansin niya ako eh, kung ito lang ang tanging paraan para magtama angaming mga mata, at kung ito lang ang tanging paraan para makapag-usap kami, kahit puro bangayan, okay lang sakin. Tawagin niyo na akong baliw, martyr niyebera, o obsess. Yun na ako eh, ito na ang buhay ko. Si Celine na ang buhay ko noon pa man. Kaya hindi ko basta basta maiaalis lang sa isipan at lalong lalo na sa puso ko si Celine. Kaya nga heto ako ngayon, ginagawa ko ang lahat, para makita niya na nandito ako, na may isang lalaking handang mahalin siya at alagaan. At sana. Sana ay masuklian man lang niya iyon kahit man lang pagpapakita ng concern di ba? handa rin akong maging panakip butas kung saka-sakali. Pero ayos na rin naman ako dito sa ganitong set-up. HUWAG LANG NIYA ULIT SABIHIN ang salitang nagpadurog ng husto sa puso ko ang ‘lumayo ka na sa akin.’ Sa totoo lang, hindi ko gustong iwan ang pilipinas, dahil sa kanya. hindi ko alan kung paano mabuhay ng hindi siya nakikita. Kaya ipinaglaban ko ang kagustuhan kong manatili ditto sa Pilipinas. Kahit pa kapalit nito ang kahit na anong parusa.

“Ay palakang kinalbo!!!” sigaw naman niya. Hahaha, masaya talaga kapag nagugulat ‘to eh, kung ano-ano kasing nasasabi.

“Hahaha, paano naman makakalbo ang palaka, eh wala namang buhok yun ah.” pamimilosopo ko.

A SECOND CHANCE (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon