*Chapter Five: *toot* *toot* <message received>

310 7 4
                                    

Chapter 5: *toot* *toot* <message received>

Pagkatapos ng usapan namin umuwi narin kami. Mag-a'alas kwatro na ng hapon nang makarating kami ni Grace sa bahay.

And guess what? pagkadating- na pagkadating ko sa bahay, sinalubong kaagad ako ni mama at grabe kung maka-emote.

Ang dami niyang tanong sa akin, na akala mo ay may nawawalang maliit na bata. Bakit daw hindi ako nagpaalam agad kung matutulog ako sa kaklase ko? Bakit raw sa iba pa ako natulog eh puwede naman daw akong matulog kina Grace. Bakit raw hindi ko sinasagot ang tawag niya.

Ang sabi ko na lang, ay mayroon kaming ginawang immediate report ng partner ko sa Chemistry at hindi nga si Grace ang napili ni Prof. Santos na maging partner ko kaya doon ako natulog sa bahay ng kapartner kong babae. Tapos na-empty iyong battery ng phone ko. Oh diba ang galing kong magpalusot. E paano, ideya ito ni Grace kaya sinunod ko na lang ang mga sinabi niya.

Buti na lang, habang sinisita ako sa mga kaganapan kagabi ay hindi niya napansin na may galos sa tuhod ko. Sa katunayan ay hindi naman talaga halata dahil naka-puruntong shorts ako at bago kami umalis ni Grace sa mall ay sinusubukan ko talagang lumakad ng normal. Dahil kapag nagkataon at kung sakali mang malaman ni ina na may tinatago akong sugat, naku! Tiyak na sermon na naman aabutin ko.

Simula kasi nang maaksidente ako, kami ni Patrick, ayaw na ayaw na niya akong masugatan o kahit manlang magasgasan.

Ewan ko nga ba kung bakit mas na-trauma pa siya sa mga sugat na ako naman ang nagtamo? Ano naman kayang itatawag sa phobia na iyon kung sakali? Sa tingin ko ay wala pang nakakadiskubre ng ganoong phobia.

Kung sa bagay, maaaring ayaw na niya sigurong maulit muli ang ganoong pangyayari kaya triple na ngayon ang pag-iingat nila sa akin. Maaari din namang naalala niya ang hitsura kong nasa ospital at duguan na walang malay tuwing nasusugatan ako. Ano pa man ang dahilan ng lahat ay, hindi naman pwedeng habang buhay na lang akong babantayan at poprotektahan ng mga magulang ko. Dahil balang araw ay magkakaroon din ako ng sariling pamilya.

Hindi na baleng ang mga apo na lamang nila sa akin ang poprotektahan nila hindi iyong pati ako ay habang buhay nilang babantayan sa lahat ng kinikilos o ginagawa ko. Nakakairita lang lalo eh. Hindi ko rin naman sinasabing, pabayaan na nila ako, ang ibig ko lang ipahiwatig ay sana hayaan na nila akong magdesisyon ayon sa aking kagustuhan, ng hindi dinidiktahan.

Anyway. Kanina pa ako nandito sa kwarto ko matapos na tanungin ako ng mama ko ng kung ano-anu. Pagkatapos kong maibsan ang sermon ni mommy, nagbasa na lang ako ng lesson namin. Bukod sa weekends ngayon at walang gaanong homework, nagdecide na lang akong magbasa-basa.

Kabagot kasi dito, hindi pa ako dinadalaw ng antok eh kaya nag-aadvance reading na lang ako ng lesson. Kung magmumukmok lang ako dito baka umiyak na naman ako sa kalungkutan.

Kasalukuyan kong sinasagot yung exercise ng trigo sa book ko, nang may magtext sa akin.

*toot* *toot* <message received>

Dali-dali ko naman itong kinuha sa aking side table. Ngunit nang mahawakan ko ang aking cellphone, bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba, at kinilabutan ako sa biglaang pag-ihip ng malamig na hangin sa kwarto ko. May veranda kasi rito at sinadya ko talagang buksan iyon upang makalanghap naman ako ng sariwang hangin mula sa labas at saka para hindi na gaano makagastos pa sa kuryente. Ngunit tila yata nanlamig bigla ang buong paligid kaya't napagpasyahan kong isara na muna ang glass door na nagsisilbing pintuan sa veranda. Ibinaba ko na muna ang cellphone na hawak ko sa lagayan nito. ‘Hindi naman siguro masyadong importante ang mensaheng iyon’ sabi ko sa isip ko dahil karamiahan sa mga natatanggap kong mensahe ay mga sayings at inspirational messages.

A SECOND CHANCE (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon